Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
SAY ni DOK | Alamin: ano ang peripheral artery disease, at paano ito nakakapekto sa isang tao?

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:30At ang ekspertong paliwanag tungkol sa vascular disorder na ito, ay makakapanayam po natin ang vascular medicine specialist na si Dr. Jasmine Melisa Bernardo.
00:39Doc, magandang umaga po.
00:41Good morning, Doc.
00:43Hi, good morning sa inyo.
00:46Alright, Doc, para sa mga hindi pa-pamilyar, ano po itong peripheral artery disease o yung tinatawag na PAD?
00:53At paano po ito naiba sa karamiwang problema sa puso?
00:57Okay, ang PAD ay isang klase ng sakit din ng circulation natin, ano?
01:05We have different types of blood vessels sa katawan natin.
01:10Pero ito, ang nagkakaroon ng bara ay yung tinatawag nating arteries ng ating mga pinte o legs, no?
01:18So, nagkakaroon din siya ng schemia o pagbabara at nahihirapan dumaloy ang dugo papunta sa ating mga paa.
01:28Ito ay common sa mga pasyenteng naninigarilyo, dun sa mga pasyenteng may diabetes, at also dun sa mga pasyenteng meron ng sakit sa puso or na stroke.
01:40So, maaari din itong walang nararamdaman sa simula, pero ang pinaka-common na sintomas nito ay yung sumasakit yung paa kapag naglalakad.
01:52Doc, nabanggit niyo nga common to sa mga naninigarilyo o kaya ay may mga diabetes, pero ano po talaga yung pangunahing sanhinang peripheral artery disease?
02:02Paano po nagsisimula yung pagbabara sa mga ugat?
02:04Okay. So, itong mga sakit na ito, iisa ang kanilang mekanismo, no?
02:14Ang tinatawag na atherosclerosis.
02:17Ang atherosclerosis ay yung dahan-dahang build-up ng kolesterol, kalsyum sa ating mga ugat hanggang sa bumara ito.
02:28So, it does not happen overnight.
02:30Ito ay nangyayari over time at unti-unting bumabara ang pagdaloy ng dungro.
02:38Well, Doktora, bukod po sa nabanggit niyo kanina, ano pa po ba yung iba pang mga sintomas ng PAD?
02:45At paano ito naiiba mula sa mga karaniwang pananakit lang ng katawan?
02:50Okay. So, sa ating mga pasyente, hindi natin minsan pinapansin yung pananakit ng ating mga legs o binti.
03:03Pero ito kasi ay pwedeng mag-cause ng mas matinding problema, no?
03:10Katulad ng pagkaroon ng gangrene o yung sugat na hindi gumagaling.
03:16Eventually, pwede rin siyang mag-cause ng pagka-putol ng ating mga binti.
03:23At dun sa pinaka-extreme na tinatawag na chronic limb-threatening schemia,
03:29ito ay nagkakaroon ng epekto sa buong katawan at maaring makaka-cause din ng pagkamatay, ano?
03:39So, this one is yung pinaka-extreme niya.
03:43It can cause death, not just limb loss, ano?
03:48So, initially, maaring wala kasing maramdaman.
03:51Yun yung malaking problema dito.
03:53Kaya kailangan talagang mag-screening tayo dahil a big bulk ng mga pasyente may PAD,
04:01hindi nila alam na meron na silang PAD.
04:04Dahil maaring hindi nila ito pinapansin o kaya inililimitahan nila yung kanilang paglalakad
04:12kaya wala sila masyadong nararamdaman.
04:15At times, meron din mga atypical na simptomas like pangangalay,
04:19yung parang akala nila, nerve ang nararamdaman nila,
04:26pero actually, barado na ang mga ugat nila sa paa.
04:30Dok, para lang po malaman ng ating mga kababayan,
04:33kasi meron din sakit na tinatawag na varicosities o yung sa varicose veins,
04:37pero ano ba yung pinagkaiba ng PAD at saka itong varicose veins
04:40na medyo yung sa binti din po kasi ito pamamaga ng ugat sa binti?
04:44Okay, so that's a very good question because yung varicose veins are actually more common than PAD
04:54or yung peripheral arterial disease.
04:57Yung varicose veins, as the name implies, isang klase din ito ng ugat.
05:02Vein naman po ito, yung mga bluish na nakikita natin sa ating mga binti.
05:07Ito din ay katulad ng PAD ay age-related, pero hindi siya nagkakos ng pagbabara dun sa arteries,
05:17pat dun siya sa may veins.
05:19At ang nagiging cause ng varicose veins aside from aging ay pwedeng obesity,
05:28pwede siyang hormonal, sa mas common siya sa babae,
05:33pwede din siya sa mga klase ng mga industriya o mga jobs na will require a lot of standing or sitting.
05:44Ang varicose vein, unlike sa PAD, ay hindi siya nag-lead to limb loss o pagkabutol ng paa.
05:54Pero ito rin ay pwedeng magkaroon ng sugat na hindi gumagaling,
05:59but iba ang kanilang mekanismo.
06:03So, pinakamabuti talaga kung may nararamdaman tayo ay magpatingin po sa spesyalista o sa doktor.
06:12Okay, well pag-usapan po natin doktora yung prevention,
06:15paano po natin maiiwasan o mapapabagal yung paglala ng PAD?
06:19Ano po ba yung mga lifestyle changes o medical intervention na kinakailangan?
06:23Okay, number one, we have to raise yung awareness for PAD.
06:31Kasi akala ng iba, pwede mo lang maging sakit sa mga arteries ay sa puso o sa stroke.
06:38Pwede rin sa legs.
06:39So, awareness.
06:40Kailangan tanongin natin sa ating mga kamag-anak, sa pamilya natin,
06:47meron ba tayong risk factor for atherosclerosis?
06:52Meaning, mataas ba ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso o stroke sa pamilya?
07:00Number two, meron ba tayong history ng long-standing hypertension?
07:06Especially yung hindi umiinom ng gamot o hindi nalalaman.
07:12Number three, kayo po ba ay may long-standing diabetes, especially if uncontrolled?
07:21Isa pang factor, yung mga may kidney problem, lalo na yung mga nagda-dialysis.
07:26Sila, madalas din silang magkaroon ng PAD or PAD.
07:31So, even vaping, ngayon, hindi lang smoking na traditional smoking.
07:38Yung vaping, nakakasama din po yan sa ating mga arteries.
07:43At hindi lang nag-lead to stroke or heart attack.
07:48Ito rin po ay pwedeng mag-lead to sa tinatawag nating leg attack.
07:52Yung mga acute limb o kaya yung chronic limb-threatening scheme yan.
07:56So, yan po yung mga risk factor, including mataas na kolesterol.
08:03Yan po yun.
08:04Audrey, narinig natin, hindi lang pala sigarilyo, kundi vape ay nakakasama sa ating katawan.
08:09Kaya naman, maging healthy sana yung ating lifestyle.
08:13Maraming salamat po, Dr. Jasmine Melissa Bernardo, sa inyong oras at sa mga halagang kaalaman
08:19na inyong ibinahagi patungkol sa peripheral artery disease.
08:22Maraming salamat, Doktora.
08:23Welcome.

Recommended