Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Panayam kay Department of Agriculture Spokesperson, Asec. Arnel De Mesa ukol sa initial assessment sa rice importation banned at sa pagsusulong sa pagameyenda ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Initial assessment sa rice importation ban at pagsusulong sa pag-amienda ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
00:08Ating tatalakayin kasama si Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.
00:14Asik Arnel, magandang tanghali po.
00:18Asik Joey, good morning.
00:20Yusik Marz, good morning po. Magandang umaga sa lahat ng taga-subay.
00:23Asik, efektibo na po kahapon yung ban sa rice importation.
00:28So, dalawang araw pa lamang po.
00:31Pero ano na po yung initial assessment ng DA sa pag-iikot nyo ngayong araw?
00:39Yes, Asik Joey, tuloy-tuloy ang pag-iikot ng DA.
00:42Katawang ang ating DTI at mga kapulisan at saka mga lokal na pamahalaan
00:48para masigurado itong pag-implement ng importation ban sa bigas.
00:54At natutuwa tayo, bagamat merong mga ilang pagtaas sa ilang mga pamilya
00:59na nananatili matatag ang presyo na bigas sa mga pamilya.
01:03Asik, Carnell, may mga nagsasabi na ramdam na din ang taas presyo sa mga imported na bigas.
01:09May pagtaas din po ba sa mga local rice o nananatili pa din ba ito yung dating presyo na mga ito?
01:15Asik, Marge, dun sa imported, totoo yun, nakapagtala tayo ng mga ilan na pagtaas
01:22bagamat hindi pa ito ganun kalaki.
01:24Ang maganda dito sa local commercial rice natin para sa premium well milk at saka regular milk,
01:31wala tayong namomonitor na pagtaas pag ito ay local commercial rice.
01:37Asik, Arnell, nabangit mo kanina yung patuloy ng pag-iikot ng Department of Agriculture
01:42para mamonitor yung presyo ng bigas.
01:45Pero paano naman po natin minomonitor yung posibleng pananamantala ng retailers
01:50ngayong efektibo na po itong importation ba?
01:56Bukod asik, Joey, dun sa pag-iikot ay patuloy yung konsultasyon ng DAs,
02:01iba't-ibang stakeholders ng bigas, kasama na rito yung mga importers,
02:06yung ating mga retailers, kasama na rin dito of course yung NFA at iba pa natin na hensya.
02:12Para masigurado nga na walang pang-abuso, pati yung price speculations.
02:20Dahil alam natin, napakaganda ng stock inventory ng bigas sa ngayon.
02:25We have a record harvest of 9.08 million metric tons ng palay noong first semester.
02:30Ngayong main crop natin, we're expecting more than 11 million metric tons ng palay na maan-iri natin.
02:38So, sa kabuan, we're expecting record harvest for the whole of 2025.
02:44As si Carinelle, sa ibang usapin naman po, ano po ba yung pangunahing dahilan kung bakit hinihiling ng Department of Agriculture
02:51ang pagdibigay ng enforcement powers laban sa agricultural smuggling?
02:55Yusek, Marks, kasi ang DA ang nakakalam ng datos, ng mga informasyon,
03:03particularly sa ating mga regulatory agencies, kagaya ng Bureau of Plant Industry, Bureau of Animal Industry,
03:11at saka ating BIFAR para dito sa mga agricultural commodities na pumapasok sa ating bansa.
03:17Hindi kasi tayong membro noong enforcement group under Section 18 ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
03:26At dahil dito, medyo nahihirapan kami na talagang masawata yung smuggling.
03:34Kasi for the last one and a half years,
03:38ang laki na nung smuggle goods na nakumpiskan natin katawang iba-ibang ahensya.
03:44Dahil hindi po bahagi ng enforcement group yung DA, ASIC Arnel,
03:51paano po nalilimitahan ang inyong ahensya sa pagtugis dito sa mga sangkot sa pag-smuggle ng agricultural product?
04:01Dahil ASIC, Joey, hindi kami kasali doon sa enforcement group.
04:06Kasi ang kabilang dito, NBI, PNP, Coast Guard, saka DOF.
04:13Mas maganda sana kung membro para mas mabilis ang coordination.
04:18Doon ngayon, nakakapag-coordinate naman.
04:20But of course, yung sa itinatakdamismo ng batas na kasali kami doon at kami yung may hawak ng information,
04:29it would be a lot easier at mas mamamonitor talaga lahat ng ports.
04:33Sir, maaari niyo po bang ilahad ang detalya ng halaga at uri ng mga produktong nakukumpiska
04:39mula sa mga isinagawang anti-smuggling operations ng DA nitong 2024 hanggang 2025?
04:45Yusik March, mula noong January 2024 hanggang nitong huling buwan,
04:53nagkaroon na tayo ng 182 smuggling operations at nakakahalaga ito ng 3.78 billion pesos.
05:02Karamihan dito ay mga sibuyas, isda, mga gulay, lalo na yung carrots at meron ding bigas.
05:10So talagang napakalaking halaga nito at talagang nakakabala ito sa ating mga magsasaka
05:16at makakapekto sa kanilang kabuhayan.
05:19Ano naman, Asik Arnel, yung specific provisions ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act
05:26ang gusto niyong amyendahan para mas mapalakas pa yung implementasyon nito?
05:31Asik Joey, yung nabanggit ko nga kanina, yung Section 18,
05:36ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group,
05:40kung mapasali doon ang Department of Agriculture,
05:44at marivyo rin sana yung halaga na makonsidera bilang economic sabotage.
05:51Kasi ngayon, ayon na rin sa batas, 10 million ang work dapat ng smuggle goods
05:57para makonsider as economic sabotage.
06:00Alam naman natin, yung mga agricultural imported commodities, napakamura niyan.
06:06Alimbawa, si Buyas, napakababang halaga, mga 12 pesos ang halaga o 15 pesos.
06:15Pero pagdating dito, binibenta sa ating yan ng 100 pesos.
06:18So kung 10 million, napakaraming si Buyas niyan na pwedeng pumasok sa ating bansa
06:23na makakapekto na sa buhay-kabuhayan ng ating mga magsasaka.
06:27So, depende sa agricultural commodities na makonsidera doon sa 10 million,
06:33dapat ma-review mabuti para masigurata natin na makover talaga at matakot itong mga smugglers.
06:40Okay.
06:40Asik Arnel, sa inyong pananaw po ba, makatarungan po ba yung kasulukuyang threshold na 10 million pesos
06:46para maituring na economic sabotage ang isang kaso?
06:50At bakit yung po ba hinihingi ang masusing pagrepaso nito?
06:53Yes, Yusik Marks. Yung kagaya po nang nabanggit ko kanina,
06:58kung titingnan po natin yung sa Sibuyas nga, yung na-example natin,
07:02karamihan ang na-smuggled ay Sibuyas.
07:05Napakamura po nito kung manggagaling ito sa ibang bansa.
07:08At yung 10 million ay napakaraming Sibuyas na papasok
07:12na magdududlot nga ng problema doon sa, what do you call this,
07:19yung overall na stock inventory at presyuhan pagdating dito sa ating bansa.
07:25So yung 10 million po siguro masyadong mataas at ma-review mabuti
07:30para masigurado talaga na ma-discourage natin ang smuggling
07:35or tuluyan na mapigilan po.
07:38Doon sa nabanggit niyong enforcement group,
07:40si Carnell na nabanggit niyo kasama doon yung NBI, DOF,
07:44meron pa po bang ibang ahensya bukod sa DA na gusto niyo sanang masama
07:48para mas mapalakas talaga yung coordination,
07:52interagency coordination at yung ngipin po talaga ng batas?
07:55Alam ko, Asik Joey, nagkakaroon na ng mga discussion dito
08:00kung sino pa mga ahensya ang dapat naisama sa enforcement group.
08:04But definitely, of course, we would want DA really to be part of this enforcement group.
08:10And of course, welcome rin po yung ibang agency
08:12na sa tingin natin ay dapat maisama sa grupo na ito.
08:17Sir, mensahin niyo na lang po sa ating mga kababayan.
08:22Muli po, nagpapasalamat kami sa pagkakataon.
08:25At makakaasa po kayo ng tuloy-tuloy na servisyo po
08:28mula sa ating kagawaran sa pamumuno po ni Secretary Kiko Tulaurel
08:32at sa paggabay po ng ating Pangulo.
08:34Maraming salamat po at magandang hapon.
08:37Maraming salamat po sa inyong oras.
08:39Assistant Secretary Arnel de Mesa,
08:41ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.

Recommended