00:00Mahigit 800 ang nasawi at aabot sa 3,000 ang sugatan sa magnitude 6 na lindol sa Afghanistan.
00:07Gamit ang mga helicopter, tulong-tulong ang mga sundalong Taliban at mga residente sa pagsagip sa mga natabunan.
00:14Ayon sa mga otoridad, halos mabura na ang tatlong komunidad sa tindi ng pinsala.
00:20Aminado ang mga medical team na mahirap ang pag-rescue dahil sa dami na mga dapat sagipin
00:25at sa layo ng lugar na mabundok at pawawala-wala pa ang signal.
00:30Ang Taliban government nanawagan na ng tulong mula sa international community.