Skip to playerSkip to main content
Inamin ng Dating Bulacan First District Engineer na may mga proyekto kontra-baha na may problema o hindi na makita o "ghost project". Umamin din siya sa pagdinig sa Senado na nagka-casino siya dalawa hanggang tatlong beses sa isang buwan. 


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inamin ang dating Bulacan 1st District Engineer na may mga proyekto kontrabaha na may problema o hindi na makita o ghost project.
00:10Umamin din siya sa pagdinig sa Senado na nagkakasino siya 2 hanggang 3 beses sa isang buwan.
00:17At nakatutok live si Ian Cruz.
00:20Ian.
00:21Yes, Vicky, hindi nga lang mga ghost projects kundi pati na rin ang maluhong pamumuhay umuno ng ilang sa mga opisyal ng DPWH ang kabilang sa mga naungkat sa pagdinig dito sa Senado.
00:37Sa pagharap ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa Senado, umamin siyang may mga flood control projects sa Bulacan na may problema at di makita.
00:52Limang taong nakaupo si Alcantara sa Bulacan bago malipat noong June sa Region 4A.
00:59Nang marinig ang SONA ni Presidente Marcos, nagpa-audit daw siya sa mga dating tauhan sa mga flood control project nila sa Bulacan na sina Engineer Bryce Hernandez at isang Engineer Galang.
01:12At noon alaman na may mga problema kaya nag-report agad kay DPWH Sekretary Manuel Bunuan.
01:18Isang kaupo lang po na construction chief, ang nagpunta po sa akin, dalawa po actually, si Engineer Galang, ang hepe po ng planning.
01:31At nagsabi sa akin na, boss, parang meron kaming nakikita na posibleng wala po.
01:41Noong pong meeting na yun, kausap ko po silang dalawa, totoo ba? At kasama po yung mga ibang hepe, ako po yung nagsabi na sabihin nyo sa mga kapwa hepe nyo, ako'y walang kinalaman dyan sa mga ganyang gawain.
01:58Umamin din si Alcantara na may kapabayan siya dahil nagtiwala sa firma ng mga tauhan niya, kaya punirma rin siya sa kontrata at proyekto.
02:07Ngayon, pipirma ka doon sa papilis para mabayaran yung ghost project na yan.
02:15Sir, if I may explain for your honor.
02:17Hindi, hindi, tanong ko. Pumipirma ka ng papel, di ba?
02:20Yes po.
02:21Para makaklaim sila ng full payment.
02:24Yes po.
02:24Okay.
02:27Ibig mong sabihin, pumirma ka ng papel ng isang ghost project?
02:32District Engineer ka?
02:33Tapos nga yung magmaangan ka sa harapan namin na hindi po alam dahil inaasa mo lang sa mga tao mo sa baba.
02:39Pag may firma sila, firma ka lang rin.
02:42Hindi dumating sa pagdinig si Engineer Bryce Hernandez.
02:46Isa siya sa pinasight for contempt ng mga senador.
02:49Pinili din ni Blue Ribbon Chair, Senador Rodante Marcoleta si Alcantara na magbigay pa ng ibang detalye.
02:55Nag-confess ka naman kay Secretary Bonoan eh.
03:00Nag-report po ko na may possible pong...
03:03I'm not saying that you reported, I am saying that you confessed to him
03:07that an amount of something like 7.3 billion was really wasted on flood control projects.
03:16Wala pong ganong teorya po, Your Honor.
03:19Inungkat din ang ilang senador ang pagkakasino umuno ng grupo ni Alcantara.
03:25Inamin Alcantara na nagkakasino siya dalawa hanggang tatlong beses sa isang buwan.
03:30Pero yung grupo niyo raw po, eh hindi lang kayo shopping buddy, eh pati po sa paglalaro.
03:38Eh yan po, dapat po ma-verify paano po kayo nakakapasok,
03:42considering that you are government officials, paano kayo nakakapasok sa kasino?
03:47Lalo tau si Bryce Hernandez, sinabing ni Senator Laxon, eh tina matakaw sa pera.
03:53Eh pag magpataya daw to Mr. Chair, isang taya, 5 million, parang baliw, ano, hindi natatakot.
04:00I mean, walang kabakaba.
04:03Do you confirm or deny, Mr. Alcantara, engineer?
04:06Your Honor, hindi ko po alam kung magalong tinataya niya dahil hindi naman po kami magkasama sa table.
04:12Inamin ko po, ako po yung nakakapasok sa kasino, Your Honor.
04:15Hindi kayo regular, pero naglalaro kayo, kasama po siya.
04:20Minsan po kasama, minsan po hindi.
04:22So nagkakasino po kayo?
04:24Inamin ko po, Your Honor, Mr. Chair.
04:26Ang bukod doon, yung lifestyle, balita ko nga, sana pag dumating si Bryser natin, Mr. Chair,
04:32pag-issuean nyo na po siguro ng warrant of arrest,
04:35ay mga ilang beses ko kayo naglalaro sa isang buwan, yung grupo nyo po.
04:43Mga dalawa hanggang tatlo po, Mr. Chair.
04:47Si Senador Bongo, inusisa ang kontraktor na si Sara Diskaya,
04:53ukulo man na sa joint venture nito sa CLTG Builders sa Davao.
04:57Ang CLTG Builders ay sinasabing pag-aari ng ama ni Senador Go.
05:02Sabi ni Diskaya, naalala niya na may proyekto sila pero napapakinabangan na raw ito.
05:08Meron silang pagkukulang.
05:10Ako mismo po ang magre-recommenda sa committee ng ito na kasuhan sila.
05:15Kahit kamag-anak ko, kahit involved sa kahit na anuman pong pagkakamali,
05:22kasuhan nyo po sila.
05:23I am for accountability.
05:26Ayoko po ng kalokohan kahit kailan.
05:29Vicky, sa susunod na lunis na itinakda ng Senate Blue Ribbon Committee
05:38yung kanilang susunod na pagdinig kaugnay nga sa mga flood control projects sa bansa
05:43at ang aabangan natin kung may kakagat ba doon sa mga contractors
05:47na inaalok ni Committee Chair Rodante Marcoleta
05:51na ituro nila mismo kung sino ba yung may pinakamalaking pagkakasala
05:56doon sa mga ghost project at doon sa mga substandard na flood control project sa ating bansa.
06:01Balik sa iyo, Vicky.
06:03Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended