00:00Kisa na ang naitalang na matay sa Bicol Region dahil sa matinding pagulan itong weekend habang may 6 pa ang sugatan matapos bumagsak ang bubong ng isang stage sa Ligaspe City sa kasagsagan ng masamang panahon.
00:15Si Emanuel Bongkodin, Radio Pilipinas, Albay, sa Sentro ng Balita, Emanuel.
00:22Nag-iwan ng pinsala at trahedya ang malalakas na pagulan na dala ng low pressure area at habagat sa Albay nitong weekend.
00:30Sa Owas, isang binatilyo ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang patuloy na pinagahanap matapos malunod sa ilog sa Barangay Ilaor Norte kahapon.
00:39Sa inisyal na ulat ng Owas Municipal Police Station, naliligo ang mga biktima kasama ang ilang kaibigan nang lumangoy sila patungo sa gitna ng ilog at hindi na muling nakalutang.
00:49Pasado ala 5.35 ng hapon, natagpuan ang isa sa kanila at agad na isinugod sa ospital ngunit iniklara ring dead on arrival.
00:57Habang patuloy naman ang search and rescue operation para sa isa pang binatilyo.
01:02Samantala, anim ang sugutan matapos gumuho ang bubong ng stage sa Peñaranda Park, Legaspo City noong Sabado.
01:08Lumobo-umano ang trapal dahil sa naipong tubig ulan bago bumigay ang bakal at bumagsak ang bubong.
01:14Nagbabala ang pag-asa na maari pang umabot sa 50 to 100 mm ang ulan sa Albay at kalapit probinsya hanggang bukas.
01:21Kaya't pinapayuhan ng publiko na mag-ingat at sumubaybay sa mga opisyal na abiso.
01:26Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media, Emanuel Bongkudin ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.