00:00Effectivo ngayong araw o pagbibitiw sa pwesto bilang kalihib ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.
00:06Ito yung matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang resignation.
00:11Ipinilit naman sa kanya si Transportation Secretary Vince Dizon, si Clay Solpardilla sa detalye.
00:20Isang araw lang matapos magmatigas at manindigan ni Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan
00:29na hindi aalis sa kanyang pwesto bilang pinuno ng ahensya para harapin ang masalimuot na problema sa mga proyekto kontrabaha.
00:39Yan po sana ang madaling gawin, mag-resign o talikuran ko ang problema pero hindi po ang pag-alis o pag-iwas ng responsibilidad ang tamang paraan.
00:50Biglang nag-iba ang ihit ng hangin. Epektibo ngayong araw, wala na si Bonoan sa DPWH.
00:59Matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pagbibitiw sa pwesto sa gitna ng mainit na isyo
01:07sa maanumalia o manong flood control project at panawagan na si Bakinang opisyal.
01:13Hindi pa malinaw kung bago ang isinumiting resignation letter ni Bonoan o liham na ipinasa noon pang Mayo
01:20kung kailan inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng kanyang gabinete at mga pinuno ng ahensya ng gobyerno
01:28na magpasa ng courtesy resignation.
01:31Pero ayon kay Communication Secretary Dave Gomez, walang expiration ang mga courtesy resignation.
01:38Lahat ng itinalagang opisyal ng presidente ay naglilingkod para sa kasiyahan ng Pangulo.
01:44June 30, 2022 nang italaga ni Pangulong Marcos bilang pinuno ng DPWH si Bonoan.
01:54Mula July 2022 hanggang May 2025, papalo na sa P545 billion pesos ang inilaang pondo sa mga flood control project.
02:05Pero paulit-ulit na nagdurusa ang maraming Pilipino sa matinding baha.
02:11Paano ba naman kasi ang ilang proyekto, bara-bara at guni-guni lang pala na nangyari sa ilalim ng pamumuno ni Bonoan?
02:22Si Pangulong Marcos itinalaga si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong pinuno ng DPWH, kapaliti Bonoan.
02:31Direktiba ng Pangulo, linisin ang ahensya at tiyakin ang maayos na paggamit ang pondo para sa kapakanan ng taong bayan.
02:41Inatasan naman si Attorney Giovanni Lopez na maging Acting Secretary ng Transportation Department para masigurong walang maantalang serbisyo.
02:50Kasabay niyan, bumuo si Pangulong Marcos ng Independent Commission para imbesigahan ang katiwalian sa flood control projects.
02:59Target nitong magsagawa ng komprehensibong review sa mga proyekto, tukuyin ang mga irregularidad at mga tiwaling individual na salarin sa mga ghost at substandard na proyekto kontrabaha.
03:13Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.