Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kumpara sa orihinal na disenyo, bistadong kapos ang haba na ilang sheet pile o mga bakal na ginamit sa isang flood control project sa Lemery, Batangas.
00:09Nakatotok si Ian Cruz.
00:13Wala umanong koordinasyon sa Municipal Engineering Office ang flood control project na ito sa gilid ng Pansipit River sa Ayaw-Iaw, Lemery, Batangas.
00:22In-inspeksyon ni Batangas 1st District Representative Leandro Ligar de Leviste ang halos 100 million pesos project na ipinagawa ng DPWH Calabar Zone sa isang private contractor.
00:34Sa aming pagkaalam, siya ay newly at ongoing construction around two weeks.
00:43Kaya lang hindi kami na-coordinate, hindi rin kami na-inform na may ongoing na ganitong project, river work.
00:50Kasalukuyang binubunot yung isa sa mga sheet pile dito sa Pansipit River kasi may info yung mga local engineering office,
00:58gayon din yung iba pang ahensya ng pamahalaan na hindi umano sumusunod sa sukat base sa disenyo yung mga inilagay na sheet pile dito.
01:08Labindalawang metro dapat ang haba ng sheet pile ayon sa plano, pero nasa sampung metro lang ang haba ng sheet pile na binunot kanina.
01:16May mga nauna ngang pito hanggang siyam na metro lamang.
01:21Hinanat ni Leviste ang engineer ng kontraktor pero wala ito sa site.
01:25Mga trabahador lamang ang kanyang tinatnan.
01:27Yung 12 kung tutusin diyan, ulang max.
01:30Kasi pagdating sa project po natin na ito, naka-elevate pa po tayo.
01:35Isang kinatawa naman ng DPWH Calabar Zone ang nakausap ng kongresista.
01:40Ang pinakaunang kailangan gawin ay ayusin yung gawa sa proyekto, palitan ng mga 12 meters na sheet piles.
01:51Pero yung sinabi ng representative ng DPWH kanina ay ika-cancel na lang daw nila ang proyekto.
01:57Kaya ang tanong ko po kung kinakancel nila, ibig pong sabihin ba ay may problema itong proyekto.
02:02Kasi kung inaprobahan nila at pinapermahan pa nila yung acceptance ng proyekto at acceptance na 12 meters yung sukat ng mga sheet piles na ito, bakit nila kina-cancel ngayon?
02:13Sa bayan ng Kalaka, di pa rin madaanan ang bahagi ng Jokno Highway sa barangay Tamayong na gumuho matapos ang sunod-sunod na bagyo.
02:22Ay sobrang hirap dahil yung mga residente ho ay mga Kalaka nila puro pahakot, pasan.
02:28Saka yung iba pa, hindi niyong makalusot ng Puntambang dry dahil sarado nga.
02:36Kala mo lang, titingnan mo sa ibabaw, okay. Pero sa ilalim, pag i-assess mo siya, unsafe po siya sa mga motorista.
02:43Noong una, sinabi umano kay Levice ng DPWH Calabarzon na kailangan ng bagong pondo para sa rehabilitasyon nito dahil sa kalikasan ang dahilan ng paguho.
02:54Pero nagbago na umano ang sinasabi ng DPWH Calabarzon.
02:59Ang latest update naman po ng DPWH ay sinasagot na ng contractor yung cost ng pagsasayos ng Jokno Highway.
03:10Samantala, nakapagpiansa na ng 150,000 pesos si DPWH District Engineer Abelardo Calalo na inentrap matapos umanong tangkang suhulan si Leviste.
03:20Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended