24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, isa ng Super Typhoon ang Bagyong Nando, bago ang posibleng pagtama nito sa lupa.
00:06Kini tayo ng update kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:13Salamat Iban mga kapuso, patuloy nga ang paglakas at paglapit ng Super Typhoon Nando.
00:19Dahil po dyan, signal number 3 na sa southern portion ng Batanes, Babuyan Islands at ganoon din sa northeastern portion ng mainland Cagayana.
00:26Signal number 2 naman sa natitirang bahagi po ng Batanes, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, northern and eastern portions ng Isabela, Apayaw, Abra, Kalinga, eastern portion ng mountain province, Ilocos Norte at ganoon din sa northern portion ng Ilocos Sura.
00:42Signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng mountain province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Ilocos Sura, La Union at Pangasinana.
00:53Kasama rin po dyan, itong northern at central portions ng Zambales, Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, northern portion ng Pampanga, northern portion ng Bulacan, kasama po ang Pulilyo Islands.
01:04Mga kapuso, pwede pa po yung madagdagan at maaaring umakyat pa hanggang sa signal number 5.
01:10Huling nakita ang mata ng Super Typhoon Nando sa layong 450 kilometers silangan ng Apari, Cagayana.
01:16Taglay na po ang lakas ng hangi nga abot sa 185 kilometers per hour at yung pagbugso po niya, nasa 230 kilometers per hour na.
01:25Kumikilos po ito pa west-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
01:30Ayon po sa pag-asa, bukas ng hapon o gabi pa rin ito, posibleng dumikit o di kaya naman mag-landfall dyan po sa may Batanes or Babuyan Islands.
01:38At posibleng naman na nasa labas na po yan ang Philippine Area of Responsibility, marates ng madaling araw o umaga.
01:45At mga kapuso, hinahatak at pinalalakas ng superbagyo itong habagat na magdadala rin ng maulang panahon at may kasamang bugso ng hangin kahit po sa mga lugar na hindi direktang mahahagip ng bagyo.
01:58Base sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi meron pong mga pag-ulan sa may Extreme Northern at sa Northern Luzon, ganyan din sa ilang bahagi ng Central Luzon.
02:06May mga kalat-kalat na ulan din dito sa ilang bahagi po ng Metro Manila, Southern Luzon at pati na rin sa ilang lugar dyan po sa Visayas.
02:14Bukas ng umaga, mabababad na sa matitindi at halos walang tigil po ng mga pag-ulan at napakalakas na hangin.
02:21Ito pong Batanes at pati na rin ang Babuyan Islands, Cagayan Valley, Cordillera, gano'n din po ang Ilocos Region at hanggang dito po yan sa ilang bahagi ng Central Luzon.
02:31Mas titindi po yung mga pag-ulan sa hapon at gabi, lalo't ito na yung inaasahan po natin na turuyang pong didikit o di kaya naman magla-landfall itong super bagyo.
02:41Kitang kita po yung lawak nito pong mga pag-ulan at sakop ng bagyo.
02:45Magiging maulan din sa malaking bahagi ng Mimaropa, Calabarzon, Bicol Region at gano'n din sa ilang bahagi po ng Visayas at ng Mindanao.
02:53Sa Metro Manila, may mga kalat-kalat na ulan na sa ilang lungsod sa umaga at pwede pong maulit po yan sa hapon at gabi at posibli pong malawakan kaya doble ingat.
03:04Yan muna ang latest sa ating panahon.
03:06Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
03:10Maasahan anuman ang panahon.

Recommended