Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Malak ng Metropolitan Manila Development Authority na magpaggawa ng cisterns o malalaking imbaka ng tubig bilang pangontrabaha sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
00:10Balitang hatid ni Joseph Morong.
00:15Ito ang makasaysayang Tawila Cisterns. 15th century BC pa lamang ginagamit na itong pangontrabaha sa Adan, Yemen bago nagtigil operasyon.
00:24Kaya nito mag-imbak ng hanggang 25 million gallons ng tubig ulan bago ilabas sa dagat.
00:30Nakapagsusupply din daw ito ng tubig noon sa mga residente lalo nakapagtagtuyot.
00:35Tulad ng Tawila Cisterns, panlaban din sa baha ang cistern o imbaka ng tubig sa ilalim ng Bonifacio Global City sa Taguig.
00:42Plano ngayon ang MMDA na magpagawarin ng cisterns sa iba pang bahagi ng Metro Manila.
00:47Ang isa balak itayo sa grounds ng University of Santo Tomas sa Maynila.
00:51Hanggang 10 metro ang planong lalim nito at kaya mag-imbak ng tubig na kayang pumuno sa 30 Olympic-sized swimming pool.
00:58Sobra-sobra raw yan sa volume ng baha sa bahagi ng UST at Espanya.
01:03Kung hindi tagulan, pwede rin itong gawing parking ng hanggang 400 sasakyan.
01:07Hinihintayin na lamang ang sagot ng University Board ng UST matapos ang pulong nila ng Manila LGU.
01:12Kami po yung mag-maintain at mag-ooperate noong catchment na yun to ensure na wala pong basura, hindi po pamamahaya ng lamok.
01:22At ganoon din po, dahil po ito ay heritage or conservation site,
01:28ay nassure po namin ang UST na ibabalik po namin yung kanilang field kung hindi man sa dati ay sa mas maganda pong state.
01:41Bukod sa UST, plano rin itayo sa ilalim ng Camp Aguinaldo Golf Course ang cistern kung saan kasha ang lapas labing dalawang Olympic-sized swimming pool ng tubig.
01:51Doon padadaluyin ang tubig sa EDSA. Pagtigil ng ulan, ilalabas ang tubig sa Makiling Creek.
01:56Magtatayo rin ang mga cistern sa Raja Soliman Park at Liwasang Bonifacio sa Manila at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.
02:04Nakikita po namin sa ibang bansa, lalo na sa mga urban cities, na ito na po yung talagang pinapanlaban nila.
02:13Singapore, Hong Kong, Japan, rain catchment na po.
02:18Kapag nasimulan na mga proyektong ito, pwede makita ang kanilang status sa DIME o Digital Information for Monitoring and Evaluation website ng Department of Budget and Management.
02:27Doon din pwedeng i-monitor ang iba pang infrastructure projects.
02:31Lahat ang makikita nyo sa General Appropriations Act, nando doon yan. Hindi guni-guni yung nakalagay dapat sa General Appropriations Act natin.
02:41Tingin naman ang architect at urban planner na si Felino June Palafox Jr. kailangan na rin i-decongest ng Metro Manila, lalo't karamihan ay nakatira raw sa mga bahaing lugar.
02:51We should create 100 utilities, ideally, preferably outside Metro Manila. We should create more job opportunities in the provinces.
02:58Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment