00:00Nakaranas po ng malakas na ulan at baha ang ilang probinsya dahil sa ulang hatid ng hanging habagat.
00:06Balitang hatid ni James Agustin.
00:10Malakas na ulan at hampas ng hangin ang naranasan sa Togigaraw City.
00:15Kanya-kanyang diskarte ang mga magulang sa pagsundo sa mga anak nila sa skwelahan.
00:19Nagka-landslide sa barangay Pangawan sa Kayapa, Nueva Vizcaya, dulot ng pagulan doon.
00:24Humambalang ang gumuhong lupa sa kalsada, pansamantalang isinarang bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet Road.
00:30Nagpapatuloy ang clearing operations doon.
00:32Sa Sambuanga City, ilang bahay ang pinasok ng baha sa barangay Tumaga.
00:36Umapaw kasi ang kalapit na ilog dahil sa malakas na ulan.
00:39Patuloy na minomonitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang sitwasyon ng mga residente.
00:47Nagmistulang ilog naman ang ilang kalsada sa barangay Tibungco sa Davao City dahil din sa bahang dulot ng malakas na ulan.
00:54Lampas gater ang baha na nagpahirap sa mga motorista at residente.
00:57Baha rin ang naranasan sa barangay Kipalili sa San Isidro, Davao del Norte dahil sa pagulan.
01:04Umabot ng lampas 20 ang baha.
01:06Pinasok din ang bahang ilang bahay.
01:08Kanya-kanyang hakot ang mga residente na kanilang mga gamit.
01:11Ayon sa pag-asa, ang pagulan sa maraming lugar sa bansa ay dulot ng hanging habaga.
01:15James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments