Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00May nahulikam na naman na away kalsada.
00:03Dalawang motorista ang nagtalo sa Dasmarinas Cavite at nauwi sa Pamaril.
00:08Nasaway ang isa sa kanila habang pinaghanap pa ang Bumaril sa kanya.
00:12Balita natin ni Jomara Presto.
00:16Umaga nitong Merkules, makikita ang pagdaan ng dalawang sasakyan na yan
00:20sa Abansandoz Avenue sa barangay Salitran 3, Dasmarinas Cavite.
00:24Parehong huminto.
00:26Nagbukas ng bintana ang driver ng pulang kotse at sabay ulit silang dahan-dahang umandar.
00:31Tila nagdiskusyon ng dalawa.
00:33Maya-maya, may tila itinutok ang driver ng pulang kotse sa driver ng puting pickup.
00:37At saka humarurot ang pulang kotse.
00:40Naiwan ang puting pickup na minamaneho ng 54 anyos na si Mayo Junel Santos, na empleyado ng Meralco.
00:48Sa kuhang ito, makikitang duguan na si Santos.
00:52Pinagbabaril pala siya ng driver ng pulang kotse.
00:54May dalawang putok na magkasunod, tapos yung ugong ng sasakyan na humarurot.
01:02Mabilis lang.
01:03Isinugod sa ospital si Santos, pero hindi na siya umabot ng buhay.
01:07Ayon sa katrabaho ng biktima, kagagaling lang ni Santos sa kanilang opisina sa Dasmarinas
01:12at papunta sana siya sa Ortigas noong mangyari ang pamamaril.
01:16Nagpaalam na rin daw siya sa mga gwardya noon dahil magre-retiro na sana siya sa katapusan ng buwan.
01:2230-month pa siya eh na magre-retiro. Ay wala, napakabait noong.
01:30Sabi naman ang malapit na kaibigan ng biktima, halos kalalabas lang ni Santos ng ospital at kababalik lang sa trabaho.
01:37Wala raw siyang alam na nakakaaway ng kanyang kaibigan dahil wala naman siyang bad record, lalo na sa kanilang barangay.
01:43Wala talaga. Talagang totoo, hindi siyang mahilig makipag-away. Napakabait na tao talaga.
01:49Base sa investigasyon ng pulisya, away trapiko ang nakikita nilang motibo sa pamamaril.
01:55Ito po ay isang insidente po ng road rage. Ayun po ay base po dun sa mga saksi po, dun sa mga bystander po, dun sa lugar ng pinangyarihan.
02:06Patuloy naman ang backtracking at follow-up operation ng mga otoridad para mahuli ang gunman.
02:11Nakipag-ugnay na rin daw sila sa Land Transportation Office o LTO para matrace sa pulang kotse na ginamit sa krimen.
02:18Kinundinan ng Meralco ang pagkamatay ng kanilang empleyado. Nakikiramay rin sila sa pamilya ni Santos.
02:23Nakikipag-ugnay na rin sila sa mga kaanak ng biktima para magbigay ng tulong.
02:27Nakikiisa rin daw ang Meralco sa investigasyon ng otoridad at sa paghahanap sa motoristang namaril.
02:33Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended