00:00Good news po sa mga senior citizens.
00:02Alinsunod sa kautosan ni Pagulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06Mararamdaman na simula sa susunod na buwan
00:08ang dagdag pensyon mula sa Social Security System.
00:12Yan ang ulit ni Rod Lagusa.
00:16Tatlong beses kada linggo nagpapadialisis si Nanay Amelisa.
00:20Dito na pupunta ang buwan ng SSS pension na nasa 4,600 pesos
00:25mula sa kanyang namatay na asawa.
00:26Pero sa susunod na buwan ay nasa 4,830 pesos na ito.
00:32Isa lang si Nanay Amelisa sa halos 4 milyong pensioner na makikinabang
00:35sa paggulong ng multi-year adjustment sa kanilang mga pensyon sa SSS
00:39simula sa Setiembre.
00:41Kasunod ito na naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:45at naging pulong kay Finance Secretary Ralph Recto.
00:48Malaking bagay yung increase kasi akagaya ko na dialysis patient,
00:53malaking karagdagan yung para sa pambili ko ng gamot.
00:57Ito'y lalot nasa 300 pesos o higit pa kada araw ang gastos niya
01:01sa iba't ibang gamot na kanyang kailangan.
01:03Malaking kabawasan ng stress para sa pang-araw-araw ng gaso sa gamot.
01:09Ngayon kasi yung sumula ng dialysis ako,
01:11hindi na ako nakakapag-trabaho.
01:14Kaya sa mga anak ko talaga ako nakadepende.
01:17Ayon kay SSS President and CEO Robert Joseph DeClaro,
01:21mula sa bilang na ito,
01:23nasa 2.6 million ang retirement o disability pensioner,
01:26habang nasa 1.2 million naman ang survivor pensioner.
01:30Ayon kay DeClaro,
01:31kasama sa cut-off ng pagtaas ng pensyon sa susunod na buwan
01:34ay ang mga pensioner na as of August 31.
01:37Habang ang mga magiging pensioner pa lang matapos ang August 31
01:40ay sa susunod na taon na makakasama.
01:42Mula September ngayong taon,
01:44tatagal ang dagdag pension hanggang September 2027,
01:48kusaan 10% kada taon ang dagdag sa retirement at disability pensioners
01:52at 5% naman ang dagdag sa debt or survivor pensioners kada taon.
01:57Wala ho kayong gagawin.
01:59Kasi automatic ho ito dahil ang pension natin is true bank credit.
02:04So magandang surpresa na lang ho
02:07na pag tanggap nyo ho ng pension nyo,
02:10may increase na po yun.
02:11Wala ho ng tranche-tranche to.
02:13So isang malaking programa ho to,
02:17this is first of its kind,
02:19na three-year ang pension reform program.
02:22Ayon sa SSS,
02:23ang dagdag pension ay suportado ng komprehensibong actuarial studies.
02:27I'm pleased to report that it's very healthy.
02:29So we have about 25 years of fund life,
02:32even with the pension increases.
02:34You have to strike a balance between financial viability
02:38and stakeholder
02:42and I would say benefits to members and stakeholders.
02:48At kahit may dagdag na pension,
02:50ay walang dagdag na kontribisyon para sa mga miyembro ng SSS.
02:53Rod Lagused para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.