00:00Time to be updated with the latest showbiz buzz dahil ihahati na namin sa inyo ang maiinit na balita sa mundo ng showbiz.
00:08Una na nga rito, Bella Padilla, kinumpirma na siya ay currently single.
00:14Sa press conference ng kanyang upcoming film na Isang Daang Awit para kay Stella, nagbigay ng update si Bella tungkol sa kanyang relationship status.
00:24Kinumpirma niya na wala na sila ng kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay, na nakarelasyon niya for almost 5 years.
00:34Ayon sa kanya, ang main reason daw ng breakup ay ang kanilang long-distance relationship lalo na nung umuwi siya dito sa Pinipinas.
00:41Dagdag pa niya, okay naman daw sila ni Norman dahil mutual ang kanilang desisyon na maghiwalay at sa katunayan ay binisita pa siya nito sa set.
00:49Nang tanungin naman kung open ba siyang mainlove ulit, sinabi ng aktres na bukas naman daw siya para dito.