Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Panayam kay BIR Comm. Romeo D. Lumagui Jr. ukol sa paggawa ng tax fraud audit ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago tayo tumungo sa ating talakayan, syempre hingin muna tayo ng update mula sa BIR kay Commissioner Jun.
00:08Ipinagutos nyo raw po ang pagsasagawa ng isang tax fraud audit sa mga contractor na sangkot sa mga maanumalyang flood control projects.
00:16Ano po ba ang detalyo nito?
00:17Well, yun na tama. Pinagutos natin yung magsagawa ng tax fraud audit sa lahat ng contractors na sangkot sa mga maanumalyang flood control projects
00:26na tinukoy ng ating malapangulo, ang lahat ng BIR offices ay inatasan na magsagawa ng parallel audit sa mga kontratistang ito.
00:35Kung mapapatunayan na kulang o mali ang kanilang binayarang buwis, hindi sila i-issue ng updated tax clearance.
00:43Ibig sabihin nito, madidisqualify sila sa susunod ng mga government procurements
00:47at masususpindi din ang final settlement ng kanilang mga kasalukuyang kontrata sa gobyerno.
00:53Com, para sa kaalaman ng lahat, ano po ba yung mga requirements ng mga government contractors
00:59kaugnay ng pagbabayad ng tamang buwis?
01:03Base sa Revenue Regulations No. 17-2024, lahat ng government contractors ay kinakailangang kumuha ng updated tax clearance
01:12mula sa BIR bago sila makakuha ng final settlement para sa kanilang kontrata.
01:17Ang clearance na ito ay nagpapatunay na wala silang utang sa buwis at naihain at nabayaran na nila ang lahat ng kaukulang buwis.
01:26Iba pa ito sa initial tax clearance na kinakailangan naman ito sa eligibility phase ng procurement
01:32sa updated clearance bago ang final settlement.
01:36So masinsinan ang pag-verify ng BIR kung talagang compliant ang contractor sa lahat ng tax obligations.
01:42Com, ano po yung mangyayari o susunod na aksyon ng BIR sakaling mapatunayan naman na ang isang contractor po
01:49ay may kakulangan sa requirements o hindi tama yung binayad na buwis?
01:54Kung mapapatunayan ng BIR na may contractor na hindi tama ang pagbabayad ng buwis
02:00o may kakulangan sa requirements, malinaw po yung aming magiging aksyon unang-una
02:05ay yung sisingilin natin yung kanilang mga deficiency taxes dahil may kulang sa pagbabayad ng buwis.
02:12At hindi sila rin makakakuha ng updated tax clearance.
02:16Pangalawa dyan, madidisqualify rin sila sa mga susunod na government procurements
02:20at masususpindi rin ang final settlement ng kanilang mga existing contracts sa gobyerno.
02:26At kung kinakailangan na maglalagay tayo ng tax lien sa mga kontrata para masigurado na maprotektahan ang pondo ng bayad.
02:36Dagdag pa rito, kung may matibay na ebidensya na sadyang pandaraya o hindi pagbabayad ng tamang buwis,
02:42maaaring sinangkasuhan ng tax evasion.
02:46Ito ay hindi lang simple administrative process lang.
02:50Ang layunin nito ay tiyakin na lahat ng kumikita mula sa proyektong pinondohad ng buwis ng taong bayad
02:57ay nagbabayad din ng tamang buwis.
03:00Ano naman po ang hakbang, Commissioner ng BIR,
03:03kagunay ng mga ghost flood control projects,
03:08yung mga nabayaran na ng gobyerno, na-report na completed na,
03:11pero sa verification, wala naman palang ginawang kahit anong proyekto.
03:16Ayan ano, kung makakakuha tayo ng official na certification mula sa kaukulang ahensya ng gobyerno
03:22na nagsasabing ghost project ang isang flood control project,
03:27ay mag-i-issue tayo agad ng deficiency tax assessment laban sa contractor na ito.
03:32Hindi kasi maaaring iklaim bilang deductible expense ang isang proyektong hindi naman talaga ginawa.
03:37Sabi nga, no project means no deductible expense.
03:40Kaya kapag ghost project ito, tatanggalin namin lahat ng kaukulang gastos o claims
03:46at mananagot ang contractor sa tamang buwis.
03:49Dahil ultimately, yung kanilang taxable income yung gross na
03:53dahil biniyaran sila dyan at wala naman silang ginastos.
03:57Kung ipinagutos din po ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
04:00yung pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno
04:04kung saan kabilang ang BIR sa inatasan na magsagawa ng parallel investigation,
04:09ano po ang magiging hakbang ng BIR ukol dito?
04:13Well, malawak ang magiging role ng BIR dito sa lifestyle checks.
04:17Ano bukod sa ngayon, ang ginagawa natin na lifestyle checks dun sa mga contractors
04:21at saka yung may-ari ng mga contractors na ito
04:23dahil nakikita natin na marami silang ari-arian na finoflunt
04:28at nakikita natin na malaki ang kanilang mga properties yung titignan natin.
04:35So, ibabangga natin yan sa revenues.
04:36So, ngayon, titignan din natin dahil nga sa direktiba ng ating mahal na Pangulo
04:40ay titignan din natin yung sa mga government officials.
04:44So, titignan natin kung saan din na ahantong ito
04:46dahil lalawak na lalawak ang magiging investigasyon ng BIR.
04:50Ang layunin lang naman dyan makita kung tugma ba ang kanilang mga assets
04:56dun sa mga binayad nilang buis.
04:58Sa ibang usapin, Commissioner June,
05:00ano naman po yung detalye kaugnay sa panibagong tax evasion case
05:04na inihain ng Bureau laban sa illicit vape retailers o sellers?
05:09Ano yung mga reklamo po na inihain ng ahensya?
05:12Noong nakaraang liggo, noong August at itong August 20,
05:15nagsampa tayo ng 75 tax evasion cases
05:18laban dito sa mga iligal na nagbebenta ng vape products.
05:22Ang mga reklamo ay kinakabilangan na ito yung mga final natin,
05:26yung willful failure to pay taxes or tax evasion,
05:30illegal possession or removal of excisable articles without payment of excise tax,
05:34and the failure to file excise tax returns.
05:37Isinimpa ang mga kaso sabay-sabay ng mga revenue regions
05:41mula Luzon, Visayas at Mindanao
05:43bilang yan bahagi ng ating nationwide crackdown laban sa illicit vape trade
05:48dahil marami pa rin at lagana pa rin ang mga tindahan
05:51ng mga nagbebenta ng mga iligal na vape na walang tax stamps
05:55at hindi bayad ang excise tax.
05:57Com, nasa magkano po ba yung tax liability ng mga kinasuhan ninyo?
06:01Ang kabuoang tax liability ng mga nakasuhan ay nasa mga 711 million pesos.
06:09Com, ito po, nalagpasa ng BIR yung target collection noong buwan ng Junyo
06:15at sa first semester ng taon.
06:17Ano po yung detali nito at saan po ba natin maa-attribute itong accomplishment na ito?
06:23Tama po, para sa buwan ng Junyo 2025,
06:26lumampas ang BIR sa target ng 2.85% o katumbas ng around 5.5 billion pesos.
06:34Umabot sa around 200 billion ang ating nakolekta para sa buwan ng Junyo.
06:40Mas mataas ito ng 16.25% o 28 billion pesos kumpara noong nakaraang taon.
06:45Sa kabuwaan naman ng unang 6 na buwan ng 2025,
06:50nakakolekta tayo ng around 1.5 trillion pesos na mas mataas ng 4.5 billion pesos
06:57kesa dun sa target para sa first semester.
07:00Ang koleksyon na ito ay mas mataas din ng 14.11% o 192 billion pesos
07:06kumpara sa parehong panahon noong last year, noong 2024.
07:10Ang nakikita natin na dahilan na sa tagumpay na ito ay yung kombinasyon
07:14ng mas pinagting na tax administration,
07:17masusing enforcement laban sa mga tax evaders,
07:20at katulad ng mga laban sa paggamit at pagbenta ng ghost receipts,
07:25at ang epekto ng mga bagong reforma sa buis gaya ng Create More Act.
07:28Lahat ng ito ay nagpalawak sa ating revenue base at nagpatatag ng ating koleksyon.
07:36Ano pa po ba ang mga hakbang ng BIR Commissioner para mapanatili ang pagkamit
07:41o malampasan pa ang target koleksyon ng ahensya?
07:45Well, hindi tayo titigil sa pagpapatupad ng mga reforma at initiatives
07:49para matiyak na makamit at sa malampasan pa natin ang taonang target na 3.232 trillion pesos.
07:56Patuloy natin palalakasin, of course, yung ating four pillars of good governance,
08:00yung fearless and enforcement, fearless enforcement natin,
08:03excellent taxpayer service, digitalization, and of course,
08:07integrity and professionalism of the institution and employees.
08:11Ibig sabihin nito, tuloy-tuloy ang ating crackdown laban sa tax evasion at illicit trade.
08:16Pagpapalawak ng digital platforms para mas na maging madali at maging hawa
08:21ang pagbabayad ng buis at pagpapalakas ng integridad at professionalism ng ating hanay.
08:27Bukod dito, ang pagpapatupad ng mga bagong batas sa buis
08:30ay inaasahan natin magbibigay ng dagdag na kita
08:33at mas malapit na ang pakipagtulongan natin sa ibang ahensya ng gobyerno
08:39ay, of course, makakatulong yan para matiyak ang mas malawak
08:43at mas maayos na compliance ng mga taxpayers.
08:47Sa madaling salita, tuloy-tuloy ang ating pagtatrabaho,
08:50hindi lang para makamit ang target,
08:52kundi para malampasan pa ito at masiguradong matatag ang pondo
08:56para sa mga programa ng pamahalaan.
08:59Maraming salamat, Commissioner,
09:00sa mga update na ibinahagi mo sa amin mula sa Bureau of Internal Revenue.
09:04Maraming salamat, Commissioner,

Recommended