00:00Dating Batangas 1st District Congressman Eric Buhain
00:03ang itinuturong pumili sa mga contractor ng projects
00:06ng Department of Public Works and Highways sa kanilang lugar.
00:11Ang sabi sa akin ni DE ay yung pumipili ng winning bidders
00:19sa DPWH projects sa 1st District ng Batangas
00:22ay yung pinalitan kong congressman.
00:25Ang sinabi sa akin ni DE ay sila ay nag-a-advertise
00:32ng mga projects for bidding.
00:34May mga contractors na pumipili ng mga documents.
00:37Nag-uusap-uusap daw sila para yung isa na na-identify ay manalo.
00:44Ayon kay Leviste, ang inarestong DE o District Engineer
00:49na si Abelardo Calalo ang nag-DIIN kay Buhain
00:52kaugnay sa mga umano'y kwestyonabling proyekto.
00:55Pinuntahan ng GMA Integrated News ang bahay ni Buhain
00:58pero wala roon ang dating kongresista ayon sa aming nakausap.
01:03Patuloy namang iniimbisigahan ni Leviste
01:05ang flood control project sa kanyang distrito
01:07kabilang ang mga dike sa Pansipit River.
01:11Mayroon ng malalaking bitak ang dike na sakop ng Lemery
01:14nang puntahan ng GMA Integrated News.
01:17Putol na rin ang mga bakal na sumusuporta rito.
01:20Ang dike naman sa kabilang panig ng ilog na sakop ng Bayan ng Taal
01:24pinasop na ng tubig dahil sa malaking sira nito.
01:28Ayon sa isang residente, dati nang sira ang mga dike
01:31at lumalapa nang humagupit ang mga nagdaang bagyo.
Comments