Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay po sa budget na inilaan sa edukasyon sa National Expenditure Program,
00:04kausapin po natin si Senate Committee on Basic Education Chairman,
00:08Senator Bam Aquino.
00:09Magandang umaga po at welcome sa Balitang Hali.
00:12Magandang umaga, Connie at Rafi.
00:14Good morning sa mga nakikinigat na nunood sa atin.
00:16Siyempre, yung reaction niyo po muna sa paglalaan po sa edukasyon
00:19ng pinakamalaking budget batay po sa National Expenditure Program.
00:23Well, magandang simulain yan, Connie, na mataas yung nalagay na budget
00:27pero ito ay prepresenta pa sa amin on August 27 and August 28.
00:31So yung mga detalye makikita pa natin noon
00:33at doon natin mahihimay talaga kung ano yung laman ng budget na ito,
00:37napupunta ba ito sa tama, napupunta ba ito sa mga priority programs
00:41at mahigit sa lahat, tama ba yung presyo na nakalagay dyan?
00:44Kasi recently, sa hearing namin on classrooms,
00:47lumalabas na ang presyo ng DPWH ay nasa 3.4 million pataas
00:52para sa isang classroom at pagating naman sa mga local government units
00:56at mga NGOs anywhere from 1 to 1.5 million.
01:00Kumbaga, doble yung presyo ng DPWH.
01:04Na-uncover natin ito during the hearing
01:06at ngayon, inaaral namin kung nasaan ba yung pagkakaiba
01:09at kung justifiable ba talaga ito.
01:12Sa palagay ko, ang mas maganda para sa ating bayan,
01:16makuha natin yung tamang presyo ng classroom, ng laptop,
01:19ng buwan, ng silya, para masigurado natin na yung budget na nakalaan
01:24ay talagang mapupunta sa tama.
01:26At bilang committee chairperson ng basic education
01:30and vice chairman for finance,
01:32tatalakayin po natin ito, hihimayin natin ito
01:34at di natin papayagan na may mga overpriced na mga bagay
01:38pagating sa budget ng edukasyon.
01:39Oho, that's good to know.
01:40Pero meron pa ba kayong mga sugestyon?
01:42Halimbawa kung saan ho dapat talagang tututok ngayon
01:45ang inyong departamento,
01:48yung mga priority na programa po,
01:50impondo para sa edukasyon.
01:52Saan ba talagang kailangan-kailangan ngayon?
01:54Oni, napakarami no?
01:55Doon lang sa aming committee,
01:57meron na kaming seven major areas na kailangan tutukan at tingnan.
02:03Nandyan syempre yung classrooms, yung textbooks,
02:06nandyan yung nutrition or yung feeding program natin
02:09na nais nating palawakin at nais nating talagang paigtigin pa.
02:14Nandyan yung tulong sa mga guro,
02:16nandyan yung internet connectivity,
02:17yung trabaho, yung employability ng mga grade 12 students natin,
02:22yung curriculum na kailangan na rin repasuhin,
02:25napakaraming kailangan pang gawin.
02:27And our commitment is iisahin natin itong mga puntong ito,
02:32titignan natin yung mga budget na nakalaan,
02:34at sisiguraduhin natin na yung pera ng bayan
02:37na pupunta talaga sa tamang presyo at sa tamang panahon.
02:40At bubuksan na rin sa publika yung by-camera conference committee
02:44sa deliberation ng national budget.
02:46Unang-una, Tuhos, tingin ko naman sa inyong mga nababanggit
02:50na dapat tama lahat.
02:52Ito ba nasa direksyon din ninyo na gusto ninyong mangyari?
02:56Opo, isa tayong co-sponsor ng resolusyon kahapon,
02:59ni Sen. Gatchalian, who's our Committee on Finance Chairperson.
03:03At nais nating ibukas talaga yung prosesong ito,
03:06kung mayroong mga amendment, insertion, o kung ano man,
03:10dapat nakalathala ito sa publiko.
03:13Alam ng publiko kung sino yung nagsuggest,
03:15sino yung nag-amend, ano yung binago, ano yung binawas,
03:18ano yung dinagdagan.
03:19Mahalaga na alam ito ng taong bayan every step of the way.
03:22So kahapon, napasa na yung concurrent resolution po natin.
03:26And I think for the first time, we will have an open by-cam
03:30and mailalabas po sa publiko every step.
03:33Mula sa DBM, papunta sa Kongreso, yung lalabas sa Kongreso,
03:37pupunta sa Senado, lalabas sa Senado, pupunta sa BICAM,
03:40yung lalabas sa BICAM na siyang pipirmahan ng Presidente,
03:43mahalagang bawat hakbang nakikita ng taong bayan,
03:46ano yung mga pinagkaiba, ano yung mga dinagdag,
03:48ano yung mga binawas.
03:50And ano po yan, it takes months.
03:53Mula August hanggang end of the year pa yan.
03:55So mahalaga na lahat tayong nakatutok dito,
03:58na alam natin napakahalaga yung budget ng isang bansa.
04:01At dito talaga mailalabas yung mga kailangan ng isang bansa.
04:06At the same time, dito rin may mga ninanakaw,
04:09dito rin siya tinatago.
04:11Kailangan talagang mailalabas yan.
04:12And we invite the public to really be part of the process.
04:15At kami rin sa Senado, gagawin natin yung ating tungkulin,
04:19nasiguraduhin na itong budget ng bayan,
04:21pera ng bayan, napupunta talaga para sa bayan.
04:23Okay, pero pa-update na lang din po tayo doon sa lagay po,
04:27no, nung kakulangan o shortage po sa classroom sa buong bansa.
04:31Ano na ho ba ang ating update dyan?
04:34At ano pa rin ho ba, yung dating mga dahilan pa rin ho ba
04:38kung bakit nagkakaroon nito pa rin ang ating nakikita?
04:41Ano yan, Connie, no?
04:42We're now at a 165,000 classroom gap.
04:46Ibig sabihin, 165,000 yung classrooms na kulang sa ating bansa.
04:49Wala pa dyan yung mga sira at kailangan i-repair.
04:53Wala pa dyan yung double shifting at triple shifting.
04:56Kung baga, ang kutub ko, yung 165, malaki pa talaga dyan yung kailangan natin.
05:02And for the past years, napaka-kaunti ng binibuild na classroom.
05:06Kung baga, mabagal na nga yung paggawa ng classroom.
05:08Napaka-mahal pa ng presyo.
05:10So, kasama ng DepEd, iniimbestiga natin ito at sisiguraduhin natin
05:13na mabilis at sa tamang presyo itong paggawa ng classroom.
05:19Yung isang na-file natin na Bill, Connie, yung Classroom Acceleration Program,
05:23yan ay currently, yan yung laman ng hearing natin nung isang araw.
05:27Binubuo niya ang isang malaking pondo para sa classroom
05:29at binubukos niya ang paggawa ng classroom
05:32sa mga local government units at sa mga NGOs
05:35with track record in classroom building.
05:39Sa hearing po namin, yung mga ibang grupo po doon,
05:41libo-libong classroom na rin yung nagawa,
05:43gamit po ang donasyon.
05:45Ito yung mga NGOs gaya ng Chinese Federation,
05:48Angat Puhay, Hope Foundation, Security Bank Foundation,
05:52napakarami pong may expertise na.
05:54At sa totoo lang, yung classroom na ginagawa nila,
05:56parang kalahati yung presyo ng pagginagawa ng gobyerno.
06:00So, they're able to do it faster,
06:02they're able to do it cheaper.
06:03Yung mga local government units rin na nakausap namin,
06:06sina rin, handang-handa na rin gumawa ng classroom
06:08at kaya rin nilang gumawa ng classroom
06:11na mas mabilis at mas mura.
06:13So, sa palagay ko, Connie,
06:14kung ang proseso natin ay puro DPWH lang
06:18sa ganung presyo at sa ganung bilis
06:21o ganung kabagal,
06:22ay talagang hindi tayo maabot sa target natin
06:24na mabigyan ng tamang sinidaralan
06:26yung ating mga kabataan.
06:27Ang pinaka-idea ng bill na ito,
06:30kung tulong-tulong tayo
06:31at sabay-sabay tayong gagawa ng classroom,
06:34may chance tayong mapunuan itong classroom gap.
06:38And right now,
06:40kung yung current pace ng paggawa
06:42ay baka dekada
06:43bago maabot natin yan.
06:44At alam rin natin,
06:45every year,
06:46kung hindi mo napupunan yung kulang,
06:48dumadami pa ito
06:48kasi dumadami rin yung population.
06:50So, the bill hopefully,
06:53sorry, Connie, quickly lang.
06:53The bill hopefully will allow
06:55more groups to come in,
06:57mas maraming grupo na makilahok dito
06:59sa tamang presyo at sa tamang specs
07:01para sa mga kabataan natin,
07:02mabilisan nating mabubuo ito
07:04at mareresolve natin itong problemang ito.
07:07Sana nga ho,
07:08talagang masimula na kaagad
07:09niyang inyong naiisip.
07:11Pero ito naman,
07:12medyo mabigat na problema rin ho,
07:15yung school violence
07:16na nakikita ho natin.
07:18Sunod-sunod ho yung mga pangyayari recently.
07:20Ano ho ang gagawin ninyo
07:22para tugunan naman ng DepEd
07:23yung mga nangyayaring
07:24school-related violence na ito?
07:26Opo.
07:26So, Connie,
07:27pagating naman sa immediate action,
07:29I think yung DepEd,
07:29ginagawa naman nila yung kaya nila.
07:31And nag-deploy na nga ng mga tanod
07:33dun sa mga areas
07:34na nakikita nilang delikado.
07:37Pero yung long-term solution talaga dyan,
07:38babalik rin tayo sa budget.
07:40Meron bang budget
07:41para sa tulong
07:42sa mga kabataan natin
07:43pagating sa mental health?
07:44Kapag may mga kabataan tayo
07:46na nagkakaroon na mga ganong pag-iisip,
07:49meron ba silang makakausap?
07:51Sa aking pagkakalang,
07:52kulang pa rin yung guidance counselors natin.
07:54Kulang pa rin yung mental health programs natin.
07:56At siguro magandang tingnan rin ito sa budget
07:58na yung bawat skwelahan,
08:00may gantong kakayanan
08:01na matulungan yung mga kabataan
08:02habang yung barangay at yung LGU
08:04nandoon yung dagdag siguridad
08:06sa mga lugar na masasabi nating
08:08delikadong lugar.
08:09So, we're supporting DepEd
08:11with their moves on security
08:13habang tututukan natin
08:14yung paggawa ng mga longer-term solutions
08:17dito sa problema nito.
08:19Senator, marami pong salamat
08:20sa inyong oras ay binahagi sa amin
08:22dito sa Balitang Hali.
08:24Maramat, Connie.
08:25Thank you very much.
08:26Yan po naman si Senate Committee
08:27on Basic Education Chairman
08:28Senator Bam Aquino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended