00:00Mayan ang buwan ng Agosto ay National Lung Month at isa sa karaniwang sakit sa baga ay yung tuberculosis o TB.
00:08Ayon po sa Department of Health, ang tuberculosis ang pangunahing sandhin ng pagkamatay ng isang people living with human immunodeficiency virus o PLHIV.
00:18Batay po po sa datos ng DOH, isa sa kada limang namamatay na people living with HIV ay dahil po sa tuberculosis.
00:24At para bigyan pa tayo ng dagdag na impormasyon tungkol sa sakit na TB, makakausap po natin si Ma'am Florita Dalida, ang founder ng TB Heals.
00:34Ang TB Heals o TB Health, Education and Life Support Community Incorporated ay isang non-profit organization po na tumutulong sa gobyerno para mawakasan ang tuberculosis sa bansa.
00:44Ma'am, magandang umaga po.
00:45Good morning.
00:46Magandang umaga po. Rise and shine, Pilipinas.
00:50Ma'am Florita, ano po ang misyon ng inyong grupo ito pong TB Heals?
00:54Ang bisyon po ng aming TB Heals ay makita na ang Pilipinas ay ligtas na sa sakit na tuberculosis.
01:03Ano po bang ang kasalukuyang status ngayon? Are we really safe from TB now?
01:08Ang Pilipinas po ay pang-apat po sa buong mundo sa may pinakamaraming kaso ng TB.
01:15So from top 7 noong 2019, ngayon po sa latest na datos na pinalabas po ng World Health Organization,
01:26ang Pilipinas po ay pang-apat na po sa may pinakamaraming kaso.
01:30At sa ngayon po sa ating datos, 638 po kada isandaang libong populasyon ang nagkakaroon po ng sakit na TB.
01:41Kung paano po nakakatulong ang TB Heals sa gobyerno at sa ating komunidad?
01:46Ang TB Heals po ay isang support group.
01:49Tumutulong po kami sa mga pasyente po na dinadapuan ng sakit na TB
01:55sa pamamagitan po ng pagbibigay sa kanila ng gabay.
01:59Kung paano nila haharapin ang karamdaman na TB.
02:03Baliban po doon, binibigyan po namin sila ng gabay kung saan po sila dapat pumunta
02:10para sa mga servisyong kakailanganin mula sa ating gobyerno.
02:14Well, ma'am, mayroon po ba kayong datos?
02:16Gano'n na po ba karami yung mga natulungan ng inyong grupo na gumaling na sa sakit na TB?
02:21Nako, hindi na namin mabilang sir kasi hindi naman po kami naglilista.
02:25Pero since 2018 po, nung naitatag po ang TB Heals, bumaba po ang bilang ng mga taong humihinto sa gamutan
02:38na nasa aming nasasakupan.
02:41So, from 46% po noong pumasok kami sa isang pasilidad sa Rugasyano M. Mercado Memorial Hospital,
02:5046% po ang mga humihinto sa gamutan.
02:57Pero, nung magkaroon po ng TB Heals, mula po sa 46%, naging 5% po ang lost to follow-up noong 2020.
03:05Pandemic days pa po yun, 5% po ang lost to follow-up o yung mga humihinto sa gamutan.
03:11Yun po ay dahil ang mga miyembro ng TB Heals ay naging accountable sila sa isa't isa, sa kagalingan ng isa't isa.
03:21So, nagsusuportahan po ang mga miyembro, pinupuntahan yung mga pasyente na humihinto na sa gamutan,
03:28at kinukumbinsi sila na bumalik.
03:30Maliban po doon, yung mga pasyente natin na hirap sa kanilang kabuhayan,
03:37tinutulungan natin sila para po makalapit po sa mga social services na ipinibigay po ng ating pamahalaan.
03:44May mga makabagong pamamaraan po ba na TB screening para malaman na kung ikaw ay merong taglay na sakit nito?
03:54So, maliban po sa ating symptoms screening kung saan po ay binabantayan natin yung mga sintomas ng TB
04:02na tulad ng dalawang linggong ubo na hindi maipaliwanag,
04:06nainom mo na lahat ng cough syrup, hindi ka pa gumagaling.
04:09Dalawang linggong pabalik-balik na lagnat na hindi mo rin maipaliwanag,
04:15pagbaba ng timbang kahit hindi ka naman nagdadayat pero pumapayat ka.
04:20Pati po yung labis na pagpapawis sa gabi kahit malamig ang panahon.
04:25Yan po yung mga sintomas ng TB.
04:27So, maliban po diyan kung meron ng ganyan yung pasyente,
04:30mainam kasi alam niya na kailangan niya magpa-check up.
04:33Pero kung wala po, meron po tayong mga ginagawang mga active case findings sa mga komunidad.
04:39Ito po ay sinasagawa ng DOH para po magkaroon po ng malaman po natin yung estado ng baga ng ating mga mamamayan.
04:52So, yung active case finding po na yun, binibigay po yun ng libre sa mga communities.
04:58Sa ngayon po, meron na tayo ng AI na x-ray.
05:04So, mas madali pong makita kung meron pong problema ang baga ng ating mga mamamayan.
05:12Okay, panghuli na lamang po, Ma'am Florita, doon po sa ating mga kababayan na meron pong ganitong sakit pa.
05:18Paano po kayo malalapitan ng TB Heals sa inyong organisasyon?
05:21I-like and follow lang po ninyo ang aming FB page, yung TB Health Education and Livelihood Support Community.
05:31Nasa Facebook po kami.
05:33Maliban po doon, meron din po kaming call ka lang sa TB Hotline.
05:37Nasa Facebook din po yun.
05:39I-like and follow nyo po para po sa mga katanungan ninyo na may kinalaman po sa TB.
05:44At kung meron din po kayong concern tungkol sa mental health at saka kailangan nyo ng legal assistance
05:51dahil kayo po ay na-discriminate or na-stigmatize kayo dahil sa inyong TB status,
05:57pwede din po kayong lumapit sa call ka lang sa TB Community Hotline.
06:03Well, maraming salamat po sa inyong oras, Ma'am Florita Dalida ng TB Heals.
06:07Salamat po nga.