00:00...nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga Pilipinong lumahok sa eleksyon.
00:07Itinuring niyang tagumpay para sa demokrasya ang maayos at mapayapang pagdaraos ng halalan
00:13na nagpapakita ng kaisan, karangalan at pagkakaisa ng sambayanan.
00:19Binigandihin ng ating Pangulo na ang naging resulta ng halalan ay sumisimbolo sa kagustuhan ng taong bayan
00:25na mamuno ang mga opisyal na may malasakit at handang tumugon sa mga pangunahing suliranin ng bansa
00:32gaya ng inflation, kawalan ng trabaho, katiwalian at iba pang pasanin ng ordinaryong Pilipino.
00:40Nagpasalamat din siya sa mga suboporta sa mga pambato ng administrasyon sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas
00:47bagamat hindi lahat ng kandidato nito ay nanalo.
00:51Hiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang kanilang adhikain at misyon para sa pagbabago.
00:58Nanawagan din si Pangulong Marcos Jr. ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga bagong halal na opisyal
01:04anumang partido o koalisyon ang kanilang kinabibilangan.
01:08Ayon sa kanya, ang pamamahala ay isang kolektibong pananagutan na dapat pagtuunan ng iisa at tapat na layunin
01:15ang kapakanan ng nakararami.