00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan walang sasantuhin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07na lifestyle check para sa mga opisyal ng gobyerno, pati na ang Pangulo.
00:12Kasama sa lifestyle check ang full disclosure ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth
00:18o SALN ng Pangulo at ng buong ehekutibo.
00:23Diliyak ng balakanyang na hindi magagabit sa politika o anumang panggigipit
00:27ang hangad nilang mapanagot, ang mapatutunayang sangkot sa katiwalian.
00:33Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:36Handa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sumailalim sa lifestyle check.
00:42Yan ang binigyang diin ng palasyo matapos na ibaba ng Pangulo ang direktiba sa mga opisyal ng gobyerno
00:47sa harap ng issue ng flood control project.
00:50Sinabi ng Malacanang, walang sisinuhin ang naturang direktiba ng Pangulo.
00:54Kaya pati raw mismo siya, hindi mangingiming sumailalim dito.
00:57Sinabi po natin na ang Pangulo, ang buong ehekutibo ay ready for lifestyle check.
01:04So huwag po tayong lumayo sa issue.
01:06Ang issue po ngayon ay tuligsain at habulin ang mga involved sa flood control projects.
01:13So huwag po natin ibahin at huwag tayong medyo mamulitika patungkol dito.
01:17E gini-indin ang Malacanang nahanda ang Pangulo na isa publiko ang kanyang statement of assets and liabilities o SAL-EN kung kinakailangan.
01:25Lalo't kasama raw ito sa pagsasagawa ng lifestyle check.
01:29Tugon na rin niya ng palasyo sa hamon ng isang senador para sa full disclosure ng SAL-EN ng Presidente.
01:34Kaya nga po ready po lahat. Kasama po yung SAL-EN.
01:37So is the President willing to show his SAL-EN?
01:40Kasama po sa lifestyle check. Pagka po nagkaroon lifestyle check, mauna, mahuli man ang Pangulo, kasama po yan.
01:46So willing po si Presidente to show if necessary.
01:50Kung kinakailangan nga po, sabi nga po natin, ulitin natin, lahat ng membro ng ehekutibo ready for a lifestyle check.
01:57Ang SAL-EN ay isang dokumentong isinusumitin ang lahat ng empleyado at opisyal ng gobyerno.
02:03Nakasaad dito ang kanilang assets o mga pag-aari tulad ng bahay, lupa, sasakyan, negosyo, at iba pang ari-arian.
02:10Kasama rin ang liabilities o mga pagkakautang gaya ng loans at mortgage.
02:14Nakalagay din sa SAL-EN ang net worth na kinukwenta sa pamamagitan ng assets minus liabilities.
02:20Layunin ang SAL-EN na tiyakin ang transparency at accountability ng mga opisyal ng gobyerno.
02:25Mariin namang kinundina ng Pangulo ang pamamaril sa isang kontraktor sa Negros Oriental
02:30at iginiit na dapat itong masusing maimbestigahan.
02:33Kasabay ang pagtiyak na walang anumang panggigipit na mangyayari sa sino mang sangkot sa mga anomalyang flood control projects.
02:40Alam naman natin kung ano ang nais ng Pangulo.
02:46Makasuhan ang dapat makasuhan, mapanagot ang dapat na mapanagot.
02:49At ipag-uutos pa rin ng Pangulo na dapat na seryosohin ito lalo na ng mga PNP
02:55para maiwasan kung anumang krimen ang maidudulot nito kaugnay sa pag-iimbestiga sa flood control projects.
03:02Ipinunto pa ng palasyo ang kahalagahan ng tulong ng publiko sa paghabol sa mga tiwaling kontraktor.
03:07Lalo na't hindi nakaligtas sa mata ng netizens
03:10ang mararangyang pamumuhay ng kaanak ng mga sinasabing kontraktor ng ilang flood control project.
03:15Yan naman din po talaga ang naisin ng Pangulong Marcos Jr.
03:19na lahat-lahat po tayo ay magtulungan upang masawata itong mga korupsyon na ito.
03:24At hindi lamang po ang gobyerno ang pamahalaan ang dapat kumilas
03:27kundi ang taong bayan na nakakaalam ng mga nangyayari sa paligid nila.
03:32So mas maganda po talagang isumbong nila sa Pangulo itong mga ganitong klaseng insidente at kondisyon.
03:37Kenneth Pasyente
03:39Para sa Pambansang TV
03:41Sa Bago, Pilipinas