00:00Isang official ng barangay ang arestado sa magkakahiwalay na by-bus operations sa Davao City at Davao del Sur,
00:07inangulat ni Regine Lanuza ng PTV Davao.
00:11Huli ang isang barangay official ng Santa Cruz Davao del Sur at dalawa pang individual sa by-bus operations sa Matina, Davao City.
00:19Target ng operasyon ang drug den maintainer na si alias Michael.
00:23Arestado rin ang tauhan sa drug den na si alias Ferdinand.
00:27Nasa kota rin si alias Leandro, na incumbent barangay official ng Santa Cruz, at bumisita lang umano sa nasabing drug den.
00:36Nakuha sa mga sospek ang siyam na mga pakete ng pinaghihinalaang iligal na droga, mga drug parafernalya at mga pera.
00:45Nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli.
00:51Samantala, natagpuan ang otoridad ang isang bloke ng pinaghihinalaang mariwana sa hood ng nakaparadang sasakyan sa Calderon Budbud, Bunawan, sa Davao City.
01:02Ayon sa otoridad, nag-report ang may-ari ng sasakyan na may package na iniligay sa kanyang kotse.
01:08Aabot sa 150,000 pesos ang halaga ng mariwana.
01:12Habang pinaghaanap pa ng otoridad ang nag-iwan ng kontrabando.
01:16Regine Lenuza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.