00:00Matagumpay ang naging huling araw ng Kadayawan Festival sa Davao City,
00:05kung saan naging highlight ito ang iba't ibang katutubong sayaw sa ginaosin ng Indak-Indak sa Kadayawan.
00:11Lahat ngayon alamin sa report ni Israel Damaulaw ng PTV Davao.
00:19Makulay, masaya at maayos ang naging pagdiriwang ng Kadayawan Festival 2025 na kilala rin King of All Festivals.
00:27Pinangulangan ng Department of Tourism Davao at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang opisyal na pagbubukas noong Agosto 8.
00:35Tampok ang makukulay na pagtatanghal at tauspusong maisahe na nag-udyok sa mga Davawenyo na yakapin ang yaman ng kultura at pagkakaisa.
00:44Bumida ang mga nakamamanghang cultural performances wala sa labing isang ethno-linguistic tribes ng Davao.
00:50Ata, Bagobo Kalata, Bagobo Tagabawa, Magindanaon, Maranao, Matigsalog, Ovo Manovo, Sama, Tausug, Iranon at Kagan
01:01na nagpakita ng kahalagahan ng Kadayawan bilang pagdiriwang na kasaysayan, sining at tradisyon.
01:08Agosto 9, idinaos ang pananam sa Kadayawan, sa Kadayawan Tribal Village, Magsaysay Park,
01:15isang food at product fair na tampok ang mga tradisyonal na putahe, orihinal na produkto at likhang kamay mula sa iba't ibang tribo.
01:24Pinagtipo nito ang yaman ng gastronomy, sining at kultura ng lungsod.
01:29Mula adjes ng Agosto hanggang Adose, umikot naman ang Bantawan Cultural Celebration sa Bantawan Amphitheater Magsaysay Park.
01:39Tampok ang tradisyonal na musika, sayaw at mga kwento ng komunidad,
01:44kasabay ng pagpapakita ng mga pagkaang inspirasyon ng kultura at mga produktong ipinagmamalaki ng mga dabawenyo.
01:51Agosto 12, opisyal namang binuksan sa isang mall sa Lanang ang Durian Festival na magtatagal hanggang September 14.
02:00Pinangunahan nito ng Department of Agriculture 11, katuwang ang Durian Industry Association of Davao City at iba pang ahensya.
02:09Upang ipakilala, hindi lamang ang King of Fruits, kundi pati na rin ang iba pang prutas tulad ng Rambutan, Magustin, Marang, Lanzones at Pumelo.
02:1814 ng Agosto, ginanap ang Coronation Night ng Hiyas sa Kadayawan,
02:25kung saan itinanghal si City Norhana Sangkaan mula sa Tribong Maranaw bilang Hiyas sa Kadayawan 2025.
02:32Ginawaran din si Catherine Kate Oda mula sa Tribong Bagobo, Tagabawa bilang Hiyas sa Panagikusa
02:38at si Jogi Utahi mula sa Tribong Ata bilang Hiyas sa Kalambuan.
02:42Ipinamalas ng labing isang kandidata ang kanilang talento, talino at pagmamahal sa kultura upang makilala ang bagong reyna ng Kadayawan.
02:52Mas pinasigla pa ang pagdiriwang noong akinse ng Agosto sa Grand Kadayawan Weekend sa Rizal Park
02:59sa pamamagitan ng makapangyarihang tunog ng Agong at Kulintangan Showcase ang labing isang tribo sa Davao.
03:06At ito namang 17 ng Agosto, inaabangan ang dalawang pinakamalaking highlights ng festival,
03:13ang Pamulak sa Kadayawan at Indak-indak sa Kadayawan.
03:17Dinaluhan ng mas maraming turista mula sa iba't ibang panig ng bansa at mundo.
03:23Israel na Maulaw para sa Pampansang TV sa Bagong Pilipinas.