Skip to playerSkip to main content
Ibinebenta ng mas mura sa mga parokyano pero galing umano sa nakaw ang nabistong karneng baka mula Australia. Arestado ang tatlong nasa likod niyan na pinaniniwalaang bumili lang sa sindikatong nang-ha-highjack umano ng frozen meat.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibinibenta ng mas mura sa mga parokyano pero galing umano sa nakaw ang nabistong karning baka mula Australia.
00:10Arestado ang tatlong nasa likod niyan na pinaniniwala ang bumili lang sa sindikatong nanghahijack umano ng frozen meat.
00:20Nakatutok si John Consulta.
00:21Pagkaabot ng bayad sa kausap ng kanilang undercover, pumasok ang NBI Organized International Crime Division sa target ng warehouse sa Quezon City.
00:35Huli sa akto habang nagibenta ng 37 kahon ng imported beef shacks na ginagawang bulalo ang tatlong inarestong suspect.
00:43Ayon sa NBI, nagmatch ang packaging at batch number ng mga nakumpiskang kahon sa nawawalang 24 na tuniladan ng ninakaw na karne ng baka galing Australia.
00:54Matapos tangayin ng kinuwang trucking service, nagkakahalaga ng 6 million pesos ang hinajack na imported na karne ng trucking company na kanilang nakilala online.
01:05Noong unang importation nila, okay, nakarating doon sa cold storage. Itong pangalawa, doon na, itinakbo na yung mga karne.
01:16Nakontak nila, sinabi na siraan daw. Noong sinek nila yung GPS, nakahinto doon sa isang lugar, nagtununtahan nila, GPS na lang nandun. Nakasabit doon sa isang gate.
01:27Paniwala ng NBI, ang kanilang naaresto, bumili ng nakaw na imported beef mula sa sindikatong nasa likod ng pangahijack ng frozen meat,
01:36saka ipinasa sa kanilang mga parokyano sa mas mababang halaga.
01:40Hindi ito, ano, simpleng nakaw lang. Ano talaga ito? Parang sindikato. Tinututukan na talaga namin yan kasi nga maraming na kaming complainants na ganun.
01:50Palaging galing sa pier, dinanakawan nila.
01:54Sinusibukan pa rin namin makuha ang panig ng tatlong inaresto na naaarap sa reklamong paglibag sa anti-fencing law.
02:02Tuloy-tuloy naman ang call of operation ng NBI laban sa grupo, paalala ng NBI.
02:07Yung itransact nyo talaga, yung mga may physical talaga na establishment,
02:12ang kinuha mong tracker, online mo lang nakilala, dapat i-double check mo rin.
02:18Dapat meron ka pa rin due diligence to check yung background ng tracking company na kinuha mo.
02:23Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
Comments

Recommended