Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Voluntaryo na rin, nagpa-drug test ng ilang pangsenador sa gitna ng isyo kaugnay sa paggamit ng marihuana sa loob ng Senado.
00:10Bukod kay Sen. Juan Miguel Subiri, nagpa-drug test na rin ngayong araw si Sen. Rafi Tulfo.
00:16Pina-drug test niya humigit kumulang 30 staff.
00:20A ni Tulfo, kapag may nag-positibo, otomatikong sisibakin sa pwesto habang sumasa ilalim sa confirmatory test ng DOH.
00:29Sakaling siya naman daw ang mag-positive, mag-re-resign daw siya.
00:35Naunan ang hiniling ni Sen. Minority Leader Tito Soto kay Sen. President Jesus Godero
00:40ang random drug testing sa mga opisyal at empleyado ng Senado.
00:47Pinasasagot ng Korte Suprema ang Senado, Kamara, Comelec at si Executive Secretary Lucas Bersamin
00:54kaugnay sa pag-postpone sa barangay at SK Elections o BSKE ngayong taon.
00:59Yan po ay matapos questionin sa Korte Suprema kung naayon ba sa saligang batas
01:05ang bagong batas na nag-urong sa BSKE sa November 2026, imbis na ngayong Desyembre.
01:13Sabi ng Comelec, agad silang tatalima sa utos bilang bahagi ng petisyon.
01:18Sinisikap ang kuna ng pahayag ng GMA Integrated News ang Senado, Kamara at si Executive Secretary Bersamin.
01:26Gaya ng pag-uho ng kanilang dike nitong Desyembre, tila gumuhon na rin ang pag-asa ng ilang taga-Oriental Mindoro
01:33na maiibsa na ang problema nila sa baha.
01:37Yan ay kahit na isa ang lalawigan sa nakakuha ng pinakamaraming flood control projects.
01:43Nakatutok si Maki Pulido.
01:48Bayan ng Baco sa Oriental Mindoro ang isa sa pinaka-flood prone area ng probinsya.
01:52Kaya umasa ang mga residenteng nakausap namin na tapos na ang problema ng baha
01:57nang sinimulang itayo ang diking ito na may habang 220 meters sa halagang nasa 250 million pesos.
02:05Ayon sa Engineering Department ng Bayan ng Baco, walang koordinasyon ang proyektong ito sa munisipyo.
02:10Pero batay sa kanilang monitoring, natapos ang diking ito noong April 2024.
02:16Pero gumuho ang ilang bahagi ng proyekto matapos lang ng nasa 7 buwan.
02:21Gumuho ang halos kalahati ng diking noong nakaraang Disyembre,
02:25kasabay ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha.
02:28At noong nakaraang Hulyo, panahong hindi dapat sila binabaha,
02:31nalubog uli sila sa malalim at rumaragasang tubig.
02:35Pinasok na ang bahay ng mag-asawang Juliet at Marcelo
02:38at nalubog ang kanilang tanim na dati naman daw hindi nangyayari.
02:42Sabi ko sa amin, hindi na ito babahay.
02:44Libre na kami sa baha. Mas malaki ang bahang mangyayari sa amin.
02:47Patiwa aming taniman, nalulubog, nalulubog ang mga taniman.
02:51Ang dike na dapat haharang sa tubig, nalulubog daw sa dami ng tubig na rumagasa sa ilog.
02:57Ang proposal po dapat dito ay dahil po sabi nga po ng mga taga rito ay matataas po ang baha.
03:02So dapat po, mas matataas yung design ng flood control.
03:06Dalawang linggo na mula ng simulang i-repair ng contractor ang gumuhong dike,
03:10ang relay construction. Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng contractor.
03:14Kung same design siguro po, baka po maging ganun po ulit.
03:18Baka po bumagsak ulit. Kung ganun pa rin po ang gawin nila.
03:21Mahira po ang pagbaha dahil sobrang laka ng tubig.
03:24Wala ang aming mga halaman.
03:27Was out lahat po ang aming mga tanim.
03:30Pakaya po ang mga tao.
03:31Kawawa po.
03:32Sa bayan ng Nauhan na ayon kay Governor Bons Dolor ay hindi may tuturing na flood prone area,
03:37higit sa kalahati ng flood control projects sa probinsya ay doon itinayo.
03:42Nasita na ng gobernador ang mga gumuhong dike sa bayan dahil daw substandard.
03:47Bakit sabi kong substandard?
03:48Ang cost, 561,000 per linear meter. Tapos ganoon ang result.
03:52Gawa mga ito ng SunWest Inc. na sinusubukan pa namin makuhana ng panig.
03:57Kabilang ang SunWest sa labing limang kontraktor na tinukoy ni Pangulong Marcos
04:01na naka-corner umano sa 20% ng flood control projects sa buong bansa.
04:06Wala namang pagguho sa dalawang proyektong nakakuha ng pinakamalaking budget
04:10na may kabuang halaga na higit P578 million pesos
04:14sa dike ang may habang higit 500 meters, ayon sa Kapitan ng Barangay.
04:19Sa halagang yan, tinatayang nasa P1 million ang budget sa kada metro ng itinayong dike.
04:25Sa halagang ito, ayon sa Kapitan ng Barangay,
04:27naprotektahan sa baha ang dalawang sityo ng Barangay Metosa at isa pang kalapit na barangay.
04:33Siyempre, magtataka ka rin. Bakit? Gano'ng kalaking pondo to.
04:37Pero nung nakita ko naman po na gano'ng kaganda yung ginawa sa barangay namin.
04:41Sa kabuuan, isang Oriental Mindoro sa nakakuha ng pinakamaraming flood control project
04:46na umaabot sa higit P11 billion pesos.
04:50Higit P3.3 billion pesos nito na corner ng top 15 construction companies na binanggit ni Pangulong Marcos.
04:57Kasama na rito ang mga proyektong may pinakamahal na project cost.
05:01Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
05:05Magandang gabi mga kapuso.
05:12Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo na trivia sa likod ng mga trending na balita.
05:16Napabalita ng ilang mga kuneho sa Colorado sa Amerika
05:19tila tinubuan daw ng mga tentacles o kalamay sa muka.
05:24Pero bago kayo matakot at mag-hop este jump to conclusions,
05:28alamin muna natin ang sanhin nito.
05:29Maraming nangilabot sa mga litratong ito ng isang kuneho sa Northern Colorado, USA.
05:40Ang kawawang kuneho kasi,
05:42tila tinubuan ng mga itim na sungay o galamay sa ulo at muka.
05:45Ayon sa Colorado Parks and Wildlife ang tumubo sa ulo ng kuneho,
05:49bunso daw ng isang virus na kung tawagin SPV o SHOP papiloma virus.
05:54Hango ang pangalan nito sa cancer researcher Richard E. SHOP
05:57na siyang nag-imbestika sa virus noong 1930s.
05:59Ang SPV,
06:00miembro ng viral family na nagdudulot ng warts o kulogo sa ating mga tao.
06:05Hindi na ito delikado sa atin at sa iba pang mga hayop.
06:08Ang tanging puntirya kasi ng virus,
06:10mga kuneho lamang.
06:11Ang magandang balita,
06:12nawawala naman daw ang virus mula sa katawan ng infected na kuneho.
06:15Kusa rin daw na nalalaglag ang mga tumutubo sa kanilang muka na gawa sa keratin.
06:20Pero may ilang kaso daw ng infeksyon nagdulot ng cancer cell sa kuneho.
06:23Kaya sakali man na mahawaan ng SPV ang inyong mga alagang kuneho,
06:27mainam na ipakonsulta ito sa veterinaryo.
06:29Pero alam niyo ba na sa North America folklore,
06:32may isang maalabat na nilalang na muka raw kuneho,
06:34pero may mga sunga ito ng usa sa kanilang ulo.
06:38Ano ang tawag dito?
06:39Kuya Ken, ano na?
06:41Ito ang jackalope.
06:48Isang mythical ang mga alabat na nilalang sa North American folklore.
06:51Ang pangalan nito, Portman 2 o pinaghalong salita na jackrabbit at antelope.
06:56Ang mga jackalope kasi ay may katawan ng isang jackrabbit at sungay ng isang antelope.
07:01Hindi po totoo ang mga jackalope.
07:03Pero may ilang eksperto nagsasabi ng mga nilalang na ito maaring inspired o hango sa mga sightings noon
07:08ng mga kuneho na infected ng shoppapillomavirus.
07:12Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita ay post o ay comment lang
07:16Hashtag Kuya Kim, ano na?
07:18Laging tandaan, kimportante ang may alam.
07:20Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo 24 oras.
07:24Mga kapuso, maging mapanuri sa mga aesthetic clinic na nakikita online.
07:30Sa Paranaque, dalawang Vietnamese na nagpakilala ng aesthetic doctors ang arestado
07:35dahil hindi pala lesensyadong magpractice sa bansa.
07:39Nakatutok si Katrina Son.
07:42Huli sa isinagawang entrapment operation sa isang aesthetic clinic sa Paranaque noong August 12
07:54ang dalawang Vietnamese na ito.
07:56Sila umano ang tumatayong aesthetic doctors ng naturang clinic.
08:01We have at least two individuals who went to the office.
08:04Ang sabi po nila, they have a schedule for aesthetic clinic po.
08:11We found out that this aesthetic clinic involves two foreign national.
08:17Ngunit nang makumpirma ng maotoridad sa PRC na wala silang lisensya para magpractice ng aesthetic medicine sa ating bansa,
08:25ay nagkasana ng entrapment operation laban sa kanila.
08:28Sa naturang operation, nakita umano sa naturang clinic ang mga clinic beds at ilang mga gamot na ginagamit sa muka.
08:36Ayon sa NBI, delikado ang mga ganitong pagpapraktice umano ng mga tilisensyadong doktor sa bansa.
08:42The fact that we could not check if they are really doctors,
08:45hindi tayo sigurado kung yung mga procedures na ginagawa nila at yung mga gamit na ginagamit for these procedures
08:52are approved by the FDA or other Filipino associations.
08:58Paalala nila sa publiko, huwag agad maniniwala sa mga nakikita online.
09:03Suriin kung may lisensya ang mga doktor sa klinik na pupuntahan
09:07at tignan kung FDA approved ang mga gagamitin gamot sa iyo ng klinik.
09:12Kung dayuhan naman ang iyong doktor,
09:14i-check maigi kung may lisensya silang magpractice sa bansa.
09:17Marami po kami ang mga sinasurveillance ngayon na
09:20mayroon mga foreign nationals na nagpa-practice ng aesthetic medicine dito sa Pilipinas.
09:28Kasong illegal practice of medicine at misbranding of products sa ilalim ng FDA at Pharmaceutical Act
09:34ang mga kasong haharapin ng mga sospek.
09:37Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Zorn, nakatutok 24 oras.
09:44Natangayan ng 7,000 pisong halaga ng panindah
09:47ang isang tinderang nakatulog dahil sa sobrang pagod.
09:51Ang nahulikam na krimen sa pagtutok ni Jomer Apresto.
09:55Tila balisa ang babaeng iyan na nakuhanan ng CCTV sa bahagi ng Dagupan, Creekside,
10:04sa baringay 49 sa Tondo, Maynila, linggo ng umaga.
10:07Makikita pa na ilang beses siyang nahagip sa video na nagpabalik-balik at tumatakbo.
10:12Natangayan pala siya.
10:13Nang halos 7,000 pesos na halaga ng mga panindah.
10:16Ilang minuto bago ang pagnanakaw, makikita ang isang lalaki na napadaan sa lugar.
10:21Tila kumuha pa siya ng tsempo at dahan-dahang tinangay ang malaking bag ng biktima
10:26na naglalaman ng mga sari-saring paninda tulad ng mga pangtali sa buhok at mga plastik.
10:30Ayon sa 32-anyos na biktima, dahil sa pagod, nakaidlip siya sa tabi ng kanyang rolling cart.
10:36Magdamag raw kasi siyang nagbantay sa palengke at maglalako naman sana siya pagsapit ng hapon.
10:41Kasi po, 200 lang po yung binenta ko sa palengke. Kulang na kulang po.
10:48Nakatulog po ako. Pahinga po ako, natulog po ako ng saglit para may lakas po ako para maglako po.
10:56Ang problema, inutang niya lang raw sa kanyang kapitbahay ang puhunan dito para may maipangkay ng kanyang pitong anak.
11:03Nananawagan siya ngayon ng tulong sa Manila LGU.
11:06Hindi niya alam kung gaano kalagan nung panindah ko nakuha niya.
11:12Pambaw ng anak ko sa pangkain namin sa araw-araw.
11:15Misahay ko kay Mayor, sana po mabigyan ako ng pwesto para makakuha ko ng pang-araw-araw namin.
11:22Pangkain saka panggaso sa mga anak ko. Kasi ayoko po maranasan nilang magutom.
11:29Sabi naman ang barangay, bagamat hindi nila residente ang biktima, handa silang magbigay ng tulong sa kanya.
11:35Nakikipagugnayan rin daw sila sa iba't ibang barangay na posibleng nakakakilala sa salarin.
11:39Nag-usap kami ng council. Tutal nalalapit na yung mga quarterly na sahod namin.
11:45Ambag-ambag kami para mapunuan yung mga nawala sa kanya.
11:51Nakikipagugnayan po tayo sa mga kapulisan yung kailangan mayroong additional police visibility at barangay official barangay tunnel visibility para mailang yung mga tao.
12:02Nananawagan din ang barangay na agad makipagugnayan sa kanila sa oras na may makakilala sa lalaki na tumangay sa mga paninda ng biktima.
12:10Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
12:16Nag-higpit pang lalo sa seguridad ang Mangaldan National High School sa Pangasinan.
12:22Kasunod ng tangka umunong pagpuslit ng balisong ng isa sa mga estudyante.
12:27Ayon po sa principal ng paaralan, agad nagsagawa ng investigasyon sa sumbong na may binubuli umano ang isang grade 8 student.
12:34Gumamit pa rin siya ng balisong para kikila ng pera ang grade 7 na biktima.
12:38Pero wala naman daw na kuhang balisong sa estudyante.
12:41Ayon sa principal, nakausap na nila ang mga sangkot na estudyante at kanilang mga magulang.
12:47Para maiwasang maulit ang insidente, hinigpita ng bag, inspection sa gate ng paralan.
12:52Makakatuwang din nila ang barangay at pulisya sa pagbabantay.
12:56Tutulong ang Amerika sa pagtiyak ng seguridad ng Ukraine habang binubuo ang isang peace deal kasama ang Russia.
13:05Ipinangako yan ni U.S. President Donald Trump sa pulong nila ni Ukraine President Rodimir Zelensky sa White House.
13:13Hindi pa malinaw kung anong klaseng tulong ang ibibigay ng Amerika.
13:17Pero sabi ni Trump, makakatuwang nila ang ibang European countries.
13:21Sabi naman ni Zelensky, malaking tulong ang commitment ng Amerika.
13:26Sabay anunsyong bibili ang Ukraine ng nasa $90 billion na halaga ng U.S. weapons.
13:34Wala pang pahayag ang Russian Kremlin sa umunoy agreement.
13:38Pero ayon sa isang senior U.S. official, posibleng magpulong si Zelensky at Russian President Vladimir Putin sa Hungary sa mga susunod na linggo.
13:50Nalagpasan na ng World Expo sa Osaka, Japan ang kinakailangang ticket sales para mabawi ang mga ginastos para rito.
13:58Dalawang buwan bago ang pagtatapos ng Expo sa Okubre.
14:02At kabilang sa dinaragsa, ang Philippine Pavilion doon.
14:06Pero liban sa Binansagang Expo 2025, ano pa kaya ang pwedeng gawin sa Osaka kung meron kang extra 24 hours?
14:14Mag-tour tayo sa pagtutok ni Ian Cruz.
14:16Sa matatayog nitong gusali at matitibay na infrastruktura, walang duda.
14:26Isa ang Osaka sa economic and cultural hub ng Japan.
14:30May 24 oras ka ba?
14:32Pwes, tayo nang libutin ang natatangin lungsod na ito sa Kansai Region.
14:38Sa pag-ikot sa Osaka, tren ang pangunahing transportasyon.
14:44Marami rin sa mga Japon naglalakad lang o nakabisikleta.
14:49Isa sa mga dinarayong pasyalan dito ang mga garden sa palibot ng Osaka Castle.
14:55Masarap maglakad-lakad dahil nakakarelax ang dami ng puno at halaman.
15:02Ang iba, naaliw sa pakikihalubilo sa mga kalapati.
15:06Pwede rin ipasyal ang fur babies.
15:09Nakilala ko nga ang isa sa mga friendly shiba dog ng isang lolang japonesa.
15:15Game na nagpapet ang aso at pila ayaw umalis.
15:18Pag nagutom, di dapat palagpasin ang masarap at authentic ramen.
15:26Mingi tayo ng spoon, wala daw.
15:28So sabi, ganito daw.
15:35Lasang-lasa.
15:37Malinamnam at yung sesame seed talagang ramdam na ramdam natin yung kapit.
15:43Panalo.
15:45At pagbusog na, diretsyo tayo.
15:48Sa masasabing highlight ng Osaka na talagang literal na maraming ilaw dahil sa mga LED at neon lights.
15:57Ito ang Dotonbori, ang lugar na ang kanal tila naging sentro ng komersyo, shopping at kainan.
16:06Dinarayo at maraming nagpapapicture sa imahe ng running man na sinasabing imahe ng isang atlet ng Pinoy.
16:14May nakilala pa akong Phil Am na nakabasis sa Texas, USA at nagpapakasyon sa Osaka.
16:21Actually, I really like the place.
16:24Sinasabihan ko nga siya na, di na lang ako tiguro.
16:29Iba lang like the public transport and everything, you know, very efficient.
16:33May pinipilahan ding kainan sa Dotonbori na di natin pinalagpas.
16:39Yan ang Takoyaki Restaurant na ito.
16:42Ako, yan, umuusok pa.
16:50Ang laki ng kipak ng pagita.
16:52Mula rito sa Osaka, Japan, para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok.
16:5824 oras!
17:03Roller coaster of emotions ang naramdaman ng Encantadix sa muntik ng pagbawi ni Sangre Perea na sa brilyante ng apoy.
17:11Pero di pa man yan tuluyang nababawi.
17:14Alam naman na ni Tera ang tungkulin sa Encantadix.
17:16At in real life, meron din palang mission si Bianco Mali.
17:21Makichika kay Obre Carampel.
17:24Aking kera mi Tera.
17:26Ikaw ay manatili sa akin.
17:31Brilyante na!
17:32Naging bato pa!
17:34Ganyan ang naging tagpo kagabi sa Encantadix Chronicles Sangre.
17:38Nang maagaw ni Sangre Perea na ang brilyante ng apoy mula kay Olgana.
17:42Pero di pa man nagtiinit ito sa kamay ni Perea.
17:47Muli naman itong nabawi ng oblar ng Miniave.
17:51Mabuti na lang at nakapag-evictus ang mag-ashti sa lugar ng mga duwende.
17:56Dito ipinagtapat ni Perea ang magiging mission ng kanyang hadiyang si Tera.
18:01Napakalaki ng bahaging iyong gagampanan upang mabawi natin ang inangkin ni Mitena.
18:07Ikaw ang mamunas sa pagliligtas ng Encantadix.
18:10Ayon kay Kapuso Prime Gem Bianca Umali,
18:13overwhelmed siya sa mga natatanggap na reaksyon mula sa Encantadix.
18:18Dahil nagkita na sila ng kanyang Ashti,
18:21more exciting and intense episodes pa ang dapat abangan.
18:26Ito na yung tinatawag namin na Ashti and Hadiyah duo.
18:30Yung journey ni Tera kasama si Perea.
18:33Kasi sobrang minahal din namin at na-enjoy namin ni Ate Gly yung pag-taping namin ng kung ano yung art namin dalawa sa storyang to.
18:42At malaking factor si Perea na sa buhay ni Tera.
18:46Kaya yun ang dapat nilang abangan.
18:48Kahit for the explain ng tita,
18:51Estelle ang Ashti.
18:53Tila shook naman si Tera sa kanyang narinig.
18:57Pagbigyan na raw ang new sangre dahil mahirap naman daw talagang i-absorb ang mga ipinagtapat ng kanyang Ashti.
19:26Wala naman talaga sa isip niya ang taga-ibang mundo siya.
19:32Ang isip at pakialam lang naman ni Tera ay gusto lang niya makatulong, yun lang.
19:38Pero hindi niya na-realize kung gaano pala kabigat at kung gaano kalaki.
19:42Na hindi lang pala mga tao ang tutulungan niya, kundi isa pang buong mundo.
19:47Pero kung sa telebisyon, mission ni Tera na ipagtanggol ang Encantadia.
19:51In real life, may importante ring mission si Bianca.
19:56Ngayong hapon, isa si Bianca sa mga panelists bilang isang advocate ng breast cancer prevention awareness.
20:02It's because I lost my mom to breast cancer when I was 5.
20:07Mahalaga sa akin to spread awareness of what self-care and what women's health really means,
20:13especially to the younger generation because I wouldn't want any other little girl to go through what I went through.
20:22Sa panel, nag-share si Bianca kung gaano kahalaga ang screening at detection para maagapan ang sakit na breast cancer.
20:30Ito pong pagning-advocate ko para sa breast cancer, hindi ko po ito ginagawa ng para sa akin lang.
20:36This is a mission for my mom at para na rin sa kabataan at sa mga babae na maaaring matulungan ko through the story that I have.
20:45Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
20:49Mahigit sanda ang pamilya ang nasunugan sa Dabao City.
20:53Naglalagablabda po yung tumupok sa kalos 70 bakay sa Purok, San Isidro, Barangay Agdao proper.
20:59Ayon sa Davao City Fire District, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na mabilis kumalat.
21:05Tinatayang nasa 1.5 million pesos ang pinsala ng apoy.
21:10Sa Davao Skate Park muna pansamantalang tumutuloy ang mga apektadong residente.
21:16Nahuli ka mang rumble ng mga kabataan sa Baguio City.
21:20Sugatan ng kuyugin ang dalawang lalaking yan malapit sa isang inuman.
21:31Madaling araw kahapon, ayon sa pulisya.
21:34Sinubukang awatin ang isa sa mga biktima, ang isang babae at lalaki na nagkasagutan.
21:40Pero sinaktan at binugbog siya.
21:43Doon na lumapit ang ikalawang biktima para rin sana umawat.
21:47Pero siya naman ang pinagbalingan.
21:50Sa imbisigasyon ng Baguio City Police Office, hindi magkakakilala ang mga sangkot sa gulo.
21:56Desidido ang mga biktima na sampahan ng reklamo, physical injuries, ang mga nanakit sa kanila.
22:03Wala pang pahayag ang magkabilang panig.
22:05Pahabol na chikaan tayo para updated sa Showbiz Happenings.
22:13As a way to celebrate Marianne Rivera's 20 fruitful years sa Showbiz, it's time to give back.
22:22Bumisita si Marianne sa Philippine National School for the Blind para makipag-bonding at magbigay ng iba't-ibang tulong at donasyon.
22:30Sa isa namang TikTok challenge, very cute si Nakumasa, si Nayanyan, kasama mga anak na si Sixto.
22:36Who wanna rock with Jenny?
22:46Yes, that's Jillian.
22:48Trending na naman si Jillian Ward sa kanyang Like Jenny Dance performance.
22:52Sa TikTok, meron na agad yan, mahigit 1.5 million views.
23:00One proud mom naman si Katrina Halili sa kanyang anak na si Katie,
23:04wearing her Filipiniana habang rumampa on stage.
23:07Napaindak nga raw si Katie dahil pinatugtog ang kanyang favorite song.
23:18Milestone sa maraming kids, yung maging strong and independent, lalo pag pumapasok sa school.
23:25Pero lalo naman ang nakilala nating walong taong gulang na bata sa Pagadian City.
23:30Hindi niya nakikita ang daan dahil sa kondisyon ng mata.
23:33Pero, kaya rin na raw niya magpunta sa kanyang classroom.
23:40Gusto niya talaga siyang...
23:41Ayaw na niyang magpahawak kasi alam niya na daw.
23:47Siya ang grade 2 student na si Princess Scarlett, ipinanganak na visually impaired o hindi nakakakita ang dalawang mata.
23:59Kwento ng kanyang Tito Ricky.
24:00Araw-araw niyang inihahatid sa schoolang pamangkin.
24:04Pero pagdating sa campus, hindi naa niya nagpapahawak o nagpapaalalay si Scarlett papunta sa classroom.
24:10So, makakapuso may cane o tungkod si Scarlett pero kahit hindi niya ito ginagamit dahil kabisado at malapit lamang anya ang kanilang classroom.
24:21Pero nakasunod pa rin ang kanyang Tito Ricky para matiyak na ligtas niyang mararating ang klase.
24:28Nag-aalok din ng tulong ang kanyang mga classmates para safe na safe si Scarlett.
24:33Pero hindi lang sa simpleng achievement na yan, proud ha ang kanyang Tito Ricky.
24:45Si Scarlett kasi, ayan, active sa klase at mahilig sa music.
24:50Katunayan, magaling siyang kumanta at ito naman, marunong pang tumugtog ng piano.
24:56At nag-aaral na rin siyang, ayan, mag-gitara.
25:00Ang napakagaling.
25:01Pangarap daw ni Scarlett na maging isang sikat na singer, composer at teacher.
25:08Na, Emil, hindi naman imposibleng mangyari sa ipinapakita pa lang niyang dedikasyon ngayon.
25:16Scarlett, sana napakinggan mo ang ulat na ito.
25:20At hiling namin na mag-ingat ka palagi, ha?
25:24At mag-aral ng mabuti.
25:29At yan ang mga balita ngayong Martes.
25:32Ako po si Mel Tianko.
25:33Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyo.
25:35Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
25:38Ako po si Emil Sumangir.
25:39Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
25:43Nakatuto kami.
25:4424 oras.
25:45Mula sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended