00:00Matagal na rin kalbaryo ng mga residente sa ilang lugar sa Hagonoy, Bulacan, ang baha na tumatagal ng ilang buwan.
00:07Silipin natin ang sitwasyon doon ngayon sa ulat ni Isaiah Mirafuentes, live.
00:13Isaiah?
00:16Dominic, ipapakita ko muna sa itong sitwasyon ko dito ngayon sa Hagonoy, Bulacan.
00:21Ito na sa likuran ko ngayon, kung titignan mo Dominic, mukhang mga maliliit na mga bahay,
00:27pero yan mismo Dominic ay mga nitso ng mga yumaon nating mga kababayan dito sa Hagonoy, Bulacan.
00:34Kung makikita mo, lubog sa baha ang mga puntod, lubog sa baha ang mga nitso dito sa isang simenteryo dito.
00:41Yan ang matagal ng problema ang kinaharap ng mga residente ng Hagonoy, Bulacan.
00:45At hindi lang yan dito ang baha, kundi sa malaking bahagi ng Hagonoy, Bulacan.
00:50Ayon sa kanila, sana naman daw ay magkaroon na ng solusyon.
00:57Pagpasok namin ang Hagonoy, Bulacan, tila mga higanteng tricycle agad ang bumungad sa amin.
01:05Sinyales ng matinding baha sa lugar na nakasanaya na ng mga residente dito.
01:11Pinasok namin ang mga barangay ng Hagonoy.
01:15Bumungad sa amin ang malalim na baha.
01:18Baha na ilang buwanang kalbaryo ng mga residente.
01:21Nakakasawa na nga sir, laging lubog yung baha.
01:26Kasi na lang, may malilipatan eh, lilipad na kami sa ibang lugar.
01:30Maging ang loob ng bahay ni Tatay Nelson, araw-araw may baha.
01:35Minsan laging lab pa sa tuhod.
01:37Sa luog?
01:38Oo, tuhod.
01:39Kaya ginagamitan lang ng water pump.
01:41Wala na silang nagawa, kundi sumabay na lang sa Agus ng panahon dahil sa hindi na masolusyon na nilang problema.
01:49Pati ang tahimik na simenteryo na ito, kung saan nakihimla yung mga namayapa na nakalubog na rin sa malalim na baha.
01:57Ang sinisisi ng mga residente, ang mga flood control projects na walang silbi.
02:04Susubukan kong puntahan itong mga flood control projects na sinasabi ng mga residente dito na tila na unsyame.
02:10Meron namang naitayo, pero putol-putol.
02:15Ito lang daw yung natatanging daan para makita namin itong mga flood control projects.
02:19Kailangan naming dumaan dito sa patong-patong na kawayan na ito.
02:26Slowly but surely.
02:27Dahan-dahan lang.
02:29Baka bigla akong malusot eh.
02:32Dito pa lang sa pwesto kong ito, bumungan agad sa akin.
02:34Itong flood wall na ito, magsisilbi sana yung harang sa mataas na tubig mula sa ilog.
02:44Pero kung makikita nyo, basag na yung mismong flood wall at walang laman yung loob.
02:53Itang kita na manipis yung pagkakagawa ng flood wall.
02:58Kaya ang baha dito sa Gono yung Bulacan, napakalaki rin.
03:02Ang mga flood wall, puro hangin lang ang laman sa loob.
03:06Basag-basag na at paniguradong walang silbi.
03:10Kaya ang ilang mga residente dito, mas pinipili na lang sumakay sa bangka para makapunta sa kanilang pupuntahan.
03:18Dahil mas mabilis daw ito.
03:20Base sa sumbong sa Pangulo.ph, nabing-anim ang flood control projects sa Hagonoy, Bulacan.
03:26Pero kung titignan ang sitwasyon ngayon sa Hagonoy, mukhang ang lahat ng ito ay walang pakinabang.
03:33O baka nga ang iba, guni-guni lang.
03:36Dominic, sinubukan namin kunan ang pahayag ng lokal ng pamahalaan ng Hagonoy, Bulacan, Kaugnay,
03:44sa mga flood control projects sa kanilang bayan.
03:48Ngunit na magpunta kami kanina sa pamahalaang bayan ng Hagonoy ay walang tao dito.
03:53At hanggang sa mga oras pa rin ito, sinusubukan namin kunan ang pahayag ng alkalde ng Hagonoy.
03:58At yan muna ang pinakahuling balita mula dito sa Hagonoy, Bulacan.
04:01Balik muna sa'yo, Dominic.
04:02Alright, maraming salamat, Isaiah Mirafuentes.