00:00Magandang hapon mula sa DOST Pagasa. Ito po ang ating weather update ngayong Martes, August 26, 2025.
00:07Yung minomonitor natin na low pressure area ay nananatili dito sa coastal waters ng Siruma Camarines Sur.
00:15At nakikita natin sa ating analysis na magpapatuloy ito ng low pressure area at babaybayin niya yung eastern coast ng Quezon Province.
00:23At meron tayong dalawang scenario na nakapaloob dito sa low pressure area na ito.
00:28Yung unang scenario ay magdi-dissipate ito o malulusaw siya dito sa katubigan natin sa east coast ng Quezon Province.
00:35At magkakaroon tayo ng isa pang low pressure area dito naman sa West Philippine Sea.
00:40At yung pangalawa naman natin na scenario ay magta-traverse o dadaan itong low pressure area na ito at mananatiling siya yung weather system na pupunta dito sa West Philippine Sea.
00:51Ang magiging main difference po lang po ng dalawang scenario natin ay kung mananatili itong low pressure area na ito or mawawala siya, magdi-dissipate siya at magkakaroon tayo ng bagong imomonitor na low pressure area.
01:03At dahil nga po dito sa low pressure area na minomonitor natin ay malaking bahagi ng Luzon ay magiging maulap at mataas ang tsansa ng mga pagulan.
01:11Kung isa-summarize po natin, buong Luzon ay magiging maulap at mataas ang tsansa ng pagulan dahil sa low pressure area except dito sa Mimaropa at ganoon din sa probinsya sa southern provinces ng Bicol Region kasama yung Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes.
01:27Samantala, dahil naman sa Southwest Monsoon na patuloy na umiiral o nakaka-apekto sa ating bansa ay magiging maulap din at mataas ang tsansa ng pagulan dito sa Visayas at ganoon din naman sa malaking bahagi ng Mindanao except lang dito sa Davao Region.
01:44In short, buong Pilipinas po ay magiging maulap at mataas yung tsansa ng mga pagulan except sa Davao Region dahil yan sa pinagsamang efekto ng low pressure area at ng hanging habagat.
01:56At dahil nga po dito, meron tayong nakataas na weather advisory. Itong weather advisory po, ito yung amount ng pagulan na inaasaan natin from 5pm this afternoon hanggang bukas ng 5pm.
02:09At dahil po dyan, meron tayong nakikita dito sa Quezon Province na posibleng umabot ng 100 to 200 mm na ulan yung ating mararanasan.
02:21At yung amount na yan ay katumbas niyan or ang ibig po sabihin niyan ay posibleng yung multiple mga numerous or multiple na mga pagbaha sa loob ng Quezon Province.
02:33At posibleng din yung landslide lalo na sa mga mountainous areas.
02:37At yung mga nakahighlight naman na dilaw, yan po yung 50 to 100 mm na kung saan posibleng naman yung mga localized floodings or yung mga flash floods.
02:47At yung mga hindi naman nakahighlight, magiging maulap pa rin yung ating kalangitan.
02:51Nandun pa rin yung mataas na chance na ng pagulan pero hindi kasing taas nung mga nakataas dito sa ating weather advisory na may color yellow at orange.
03:00So yung mga nasa east coast ng Luzon, yan po ay dahil sa epekto ng low pressure area.
03:05At yung nasa west coast ng Luzon, itong Palawan, Occidental, Mindoro at Western Lisayas, Antique, ay dahil naman sa southwest monsoon.
03:15Simula naman bukas ng hapon hanggang sa Webes ng hapon, alas 5, ay makakaranas pa rin tayo ng 50 to 100 mm, posibleng pa rin yung mga flash floods dito sa Palawan, sa Mindoro, sa Antique at Negros Occidental.
03:31Para naman sa ating forecast bukas, mananatiling maulap yung buong Luzon.
03:35At dahil po dyan, mataas pa rin yung chance na mga pagulan pero mababawasan na in terms of intensity or yung lakas na mga pagulan na yan.
03:43Lalo na doon sa mga pinakita natin na mga lugar na kung saan posible yung 50 to 100 at 100 to 200 sa Quezon Province.
03:51Agwat ng temperatura dito sa Metro Manila ay 24 to 30, sa Baguio naman ay 17 to 24, sa Tugigaraw ay 25 to 30, at sa Legasmi ay 24 to 30.
04:03Dito sa Palawan ay magiging maulap din sa buong Visayas bukas at ganun din naman sa Mindanao except lang sa Davao region.
04:10At ang agwat ng temperatura natin dito sa Sambanga ay 24 to 30, sa Cebu naman ay 26 to 30, sa Iloilo ay 25 to 31, at sa Davao ay 24 to 31.
04:22Wala pa rin tayong nakataas na gale warning o babala patungkos sa matataas na alon pero gusto natin pag-ingatin yung ating mga kababayan.
04:29Dahil yung mga pagulan na nasa offshore o nasa karagatan, yung mga thunderstorm na nag-exist dito o posibleng mag-exist dyan sa susunod na 24 oras,
04:38ay maaaring makaapekto sa ating mga kababayan na maglalayag, lalo na kung maliit na sasakiyang pandagat yung ating gagamitin.
04:45Para sa ating 3-day weather outlook o yung inaasahan nating panahon, sa susunod na tatlong araw simula Huwebes hanggang sa Sabado.
04:52Dito sa Metro Manila ay unti-unti nang gaganda yung ating panahon. Ibig sabihin, mababawasan na yung mga pagulan na pwedeng magdulot na mga pagbaha.
05:00Simula Thursday hanggang Friday ay magiging maula pa rin, mataas yung tsansa ng pagulan, pero by Saturday ay magiging maaliwalas na yung ating panahon.
05:09At mababawasan na yung tsansa ng mga pagulan.
05:11Sa Baguio City naman ay magpapatuloy yung maaliwalas na panahon at mababang tsansa ng mga pagulan,
05:17pero nandun pa rin yung posibilidad ng mga localized thunderstorms.
05:21Ito yung mga pagulan for a certain area lang and for a short period of time.
05:27Sa Legaspi naman, katulad ng sa Metro Manila, Thursday to Friday ay maula pa rin and then magkakaroon tayo ng improved weather condition by Saturday.
05:35By the way, yung improved weather condition na binabanggit natin, ang ibig pong sabihin nito,
05:38ay mababawasan yung mga pagulan na posibleng magdala ng paguhon ng lupa o landslide o mga pagbaha.
05:44Dito naman sa Metro Cebu, ganoon din dito sa Iloilo City, from Thursday to Friday magiging maula po ang ating kalangitan,
05:53pero dito sa Metro Cebu, sa Saturday ay magiging maaliwalas na yung ating kalangitan at mas mababa na yung tsansa ng mga pagulan.
05:59Sa Tacloban City naman, by Thursday magiging maula pa rin, pero sa Friday at sa Saturday ay magiging maaliwalas na yung ating kalangitan at mas mababa na yung tsansa ng mga pagulan.
06:11At para dito sa mga piling lugar natin sa Mindanao, dito sa Metro Davao, Cagayan de Oro City at Sambuanga City,
06:17ay magpapatuloy na na magiging maaliwalas ng ating kalangitan at mababa na yung tsansa ng mga pagulan.
06:23Pero gusto natin i-emphasize, kahit na yung thunderstorm ay posible lang for a short period of time, minuto hanggang isang oras,
06:31pag gumabot ng dalawang oras, well-organized na yung clouds o yung mga kaulapan na nagpaulan dito.
06:36At yung mga ganong cases, posible pa rin na mag-trigger, kahit na thunderstorm lang ito, posible pa rin ito na mag-trigger ng mga pagbaha.
06:44Kaya gusto pa rin natin paalalahanan yung ating mga kababayan at maging updated din tayo sa mga susunod na i-release pa na issuance and warnings ng pag-asa.
06:52Meron din tayong pinapalabas na thunderstorm advisory at ganon din naman yung heavy rainfall warnings natin.
06:58From different pag-asa offices sa Mindanao PRSD ay meron din po tayo.
07:04Ang ating araw ay lulubog mamayang 6.12pm at muling sisikat bukas ng 5.44 ng umaga.
07:12Ako po si John Manalo, ang panahon ay nagbabago, kaya maging handa at alerto.
07:22Ang ating araw ay lub na maging systema sa dimoncaribba, kaya maging hit mga syudamay.
07:26delle 10 timpare ay mga kaya maging systema sa jadmong pagtan stella.