Skip to playerSkip to main content
Nakahanda ang Pilipinas sa susunod na hakbang ng China lalo’t hindi pa nililisan ng mga barko nito ang Ayungin Shoal isang linggo matapos ang tangka nilang paglapit sa BRP Sierra Madre. Batay naman sa isang survey, China pa rin ang pinakamalaking banta sa Pilipinas para sa karamihan ng mga Pilipino.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakahanda ang Pilipinas sa susunod na akbang ng China, lalot hindi pa nililisa ng mga barko nito.
00:06Ang Ayungin Shoal, isang linggo matapos ang tangka nilang paglapit sa BRP Sierra Madre.
00:11Patay naman sa isang survey, China pa rin ang pinakamalaking banta sa Pilipinas para sa karamihan ng mga Pilipino.
00:17Nakatutok si Chino Gaston.
00:22Isang linggo mula ng palibutan at tangkain nilang lapitan ang BRP Sierra Madre,
00:27na nanatili ang labing walong mga barko ng China sa palibot ng pinag-aagawang bahura.
00:33Ayon sa Philippine Navy, handa sila sa anumang sunod na hakbang ng China sa pinag-aagawang bahura.
00:39They have always been ready, every ship they were deployed.
00:42Sa mas malayo pa na banda ng Sierra Madre but still within Ayungin Shoal.
00:46Andun pa naman sila, yung tumaas na number ng mga Madre milisya, yung course guard, yung mga ribs at yung mga speedboats nila.
00:52Ayon kay Defense Secretary Gilberto Tudoro Jr., posibleng may kinalaman ang paglapit ng Chinese speedboats at rubberboats
01:00noong nakaraang linggo sa military exercise sa Palawan kasama ang Australia.
01:05We have monitored increased presence, hindi lang naman sa Ayungin.
01:10Baka dahil din kakatapos lang ng exercise alone na pinakamalaki na ginanap sa Palawan.
01:16Wala kaming confirmed information about that. At this time, wala po kami nakikita. But of course, laging listo.
01:32Noong nakarang linggo, sinabi ni AFP Chief General Romeo Bronner Jr. na hindi pa naman nalalabag
01:38ang itinuturing na red lines o pamantayan ng Administrasyong Marcos bago kailangan gumamit ng puwersa ang Armed Forces of the Philippines.
01:47Sakaling maulit ang paglapit ng mga Chinese ships sa BRP Sierra Madre, may paghahanda na ang AFP.
01:53Ang unang-una dito ay hindi natin palalapitin, that's one. And secondly, whatever happens and it will always be based on sa pinaka-seryoso or worst case scenario, if I may say it.
02:10Ayon sa AFP, kasama sa mga red lines ng Pilipinas, ang puwersahang pag-alis, pag-atake o pag-sampah sa BRP Sierra Madre,
02:18pag-extract ng langis sa EEZ na walang pahintulot ng Pilipinas, pag-sagawa ng reklamasyon sa Scarborough Shoal,
02:26pag-kamatay ng isang Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa China,
02:30at pag-pigil sa supply mission sa siyam na military outpost sa Kalayaan Island Group.
02:37Bago pa ang mga mundikang pagbangga sa BRP Suluan at mga pagpapalipad ng fighter jet ng China,
02:43lumitaw sa survey ng Okta Research na 85% ng mga Pilipino ay walang tiwala sa China.
02:50Lumitaw din sa survey na 74% ng mga Pilipino ay tinuturing na pinakamalaking banta sa bansa ang China
02:57dahil sa mga panggigipit sa West Philippine Sea, pagpasok ng mga smuggled na produkto mula China,
03:03pagtaas ng mga krimen kung saan sangkot ang mga Chinese nationals,
03:07at kompetisyon sa Chinese workers para sa mga lokal na trabaho.
03:11I think it's built in ever since. Nakita yan, first na-observe yan,
03:17nung after nung Mischief Reef, 1990s.
03:20Then nakita, consistent yan. Laging mababa or negative trust rating ng mga Pilipino sa China.
03:27So that's not surprising.
03:30Bilang protesta sa panggigipit sa mga barko ng Pilipinas,
03:34nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Filipinos do not yield sa tapat ng Chinese embassy.
03:40Wala pagtugon ang Chinese embassy tungkol sa ikinasang kilos protesta.
03:45Para sa GMA Integrated News,
03:47sino gasto na katutok 24 oras?
Comments

Recommended