00:00Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi dapat malagay sa kapahamakan ang kaligtasan ng publiko dahil sa palpak na infrastructure projects.
00:10Sinabi yan ng Pangulo ng Inspeksyonin ang ilang bumigay na proyekto sa Benggit na sa halip na maging solusyon sa landslide ay naging perwisyo pa.
00:20Si Bridget Marcasi Pangospian ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:25Tinawag ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na useless ang rock shed project at ilang rock netting project sa Cannon Road sa Tuba, Benggita.
00:37Sa pag-inspeksyon ng Pangulo kahapon, iginiit na dapat managot sa economic sabotage ang mga nagpatupad ng substandard na proyekto.
00:45Nagkakahalaga ng P264M pesos ang 150-metrong rock shed na nakumpleto lamang nitong Abril matapos ang mahigit tatlong taon na.
00:57Nakita mismo ng Pangulo ang gumuhong bahagi ng foundation ng rock shed project na dapat sana solusyon sa landslide sa kalsada.
01:06How can you tell me that it's not economic sabotage? Kinuha mo yung 260 million, wala kaming nakitang effect dun sa kanyang ginawa na kontrata.
01:17Tapos para ayusin yung binigay ninyong problema sa amin, it will cost another 260 million.
01:24Pinuna din ng Chief Executive ang tinawag na substandard at overpriced rock netting project.
01:30Ayon sa Pangulo, personal nakakilala ang supplier ng rock netting projects kung saan ang actual price ay P3,250 pesos, pero ibinibenta sa gobyerno ng P12,000 pesos.
01:44Ibig sabihin, 75% ng proyekto ay kickback ng ilang opisyal.
01:49Parang walang ginawa. Sana, pareho lang. Wala silang tinayo, wala silang linagay na wall, wala silang linagay na reprap, wala silang linagay na slope protection, ganun din ang nangyari.
02:04Kaya ang valor ng kanilang trabaho is zero, complete zero.
02:10Sa mga problemang ito, sinabi ng Pangulo na dapat may koordinasyon ang nasyonal na gobyerno sa mga lokal na pamahalaan na sa mga isasagawang proyekto.
02:21Before you release the project to the local government, kailangan tanggapin ng local government.
02:29And that's something that we will reinstitute.
02:32Yun ang ibabalik natin.
02:34If there's one thing, I will not leave this office until I fix this, this is it.
02:39This is one of those things.
02:41Sinigundahan ni Tuba Mayor Clarita Salongan ang pahayag ni Pangulong Marcos na dapat konsultahin muna sila sa implementasyon ng proyekto hanggang sa pagtanggap sa mga ito.
02:52Kung they will start this project, of course the LGU is also concerned.
02:57As what our President, Mr. President, have mentioned a while back na kailangan makoncern, especially those LGU whose area is this.
03:05Dapat kami na area namin ito, trabaho nila sa standard, hindi substandard.
03:11Kasi kami naman maapektuhan pag, ano eh, kagaya nito.
03:15Ayon naman sa Department of Public Works and Highways Cordillera, may inilaang 100 million pesos para sa pagpapatuloy ng Rakshad project,
03:25ngunit hindi pa ipinapatupad dahil sa sunod-sunod na bagyo at habagat.
03:30Coldprint talaga is habagat, no?
03:33Which caused the landslide up the slope hanggang sa dumating yung landslide.
03:39It was constructed, according to our estimate, year 2000.
03:45So 15 years na ang life ng slope protection.
03:48Tumanggi naman silang magbigay ng komento sa pahayag ng Pangulo na useless ang ginawang proyekto sa Cannon Road.
03:56Bridgette Marcasi Pangosfian para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.