00:00Hiniimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal na isiwalat ang mga nalalaman na posibleng anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.
00:10May report si Kenneth Pasyente.
00:12Dahil ang pera ng sambayanan ay pera ng bayan.
00:16Hindi sa parang pansariling interest.
00:19Iyan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines o LPP.
00:27Sa harap pa rin niya ng mga kontrobersiya ng flood control projects na nauna ng pinatutukan ng Pangulo.
00:33Binigyang diin niya na malaki ang papel ng mga gobernador para matiyak ang transparency at accountability lalo na sa mga pambansang proyekto na ibinababa sa mga probinsya.
00:43Ngayon, higit kailanman kailangan ng bansang Pilipinas ang inyong pamumunong upang wakasan ang mga maling nakagisnan.
00:53Nagsimula pa lang ang laban at mahaba pa ang ating tatahakin.
00:58Umaasa ako na kasama namin kayo sa bawat hakbang sa pagsusuri sa mga proyekto, sa pagsasaliwanag sa mga nakakukubli na kadliliman.
01:08Hinimok din ng Pangulo ang mga bagong opisyal ng grupo na maglingkod ng tapat, magsilbi bilang gabay, boses at konsensya ng kanilang mga nasasakupan.
01:17Kaya't hinihikayat ko kayo, paglingkuran natin ng buong katapatan ng sambayanan.
01:23Tiyakin natin, nasa wasto ang mga proyekto na ipinapatupad ng pambansang pamahalahan at ng lalawigan at isiwalat natin kung may makikitang taliwas.
01:36Mga kapwang likod bayang, naririto tayo dahil pinagkakatiwalaan tayo ng taong bayang.
01:43Huwag po natin silang bibiguin.
01:45Hinikayat din ng Pangulo ang mga opisyal na ipatupad ang mga proyekto ng gobyerno gaya ng zero balance billing.
01:51Kabilang sa mga nahalal ay sina Gov. Reynaldo Tamayo Jr. na re-elected bilang national president.
01:57Kirino Gov. Dakila Cuwa na na-re-elect bilang national chairman at executive vice president naman si Pampanga Gov. Lilia Pineda.
02:05Kabilang sa mga pangunahing adhikain ng LPP, sa susunod na tatlong taon,
02:09bilang pagsuporta sa prioridad ng agenda ni Pangulong Marcos Jr. ay ang pagsusulong ng konsultasyon kasama ang mga LGU
02:16sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaang nasyonal upang matiyak ang accountability, transparency at pagiging makatarungan.
02:23Kenneth Pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.