00:00Isang patay habang nga walo ang sugatan sa landslide sa Benguet.
00:04Ilang kalsada rin ang kinailangan punang isara sa mga motorista dahil sa pagguho ng lupa.
00:10Si Janice Dennis ng PTV Cordillera sa Serco ng Balita.
00:14Patay ang isang senior citizen matapos matabunan ng lupa sa Sicho Begis, Poblasyon Marcos Highway 2, Babinguet kahapon.
00:33Dahil sa kalagitnaan ng pananalasan ng Super Typhoon Nando, ang biktima ay isang lalaki na edad 74 na taong gulang mula sa Tarlac.
00:44Batay sa report, i-diniklara siyang dead-on arrival sa ospital.
00:49Walo naman ang sugatan na lulan ng apat na sasakyan matapos matabunan at masira ng mga debris.
00:56Nakipagugnayan naman ang Department of Social Welfare and Development Office Cordillera sa DSWD Region 3 para sa kaukulang tulong.
01:05Nag-refer na po natin sa Region 3, yung ating counterpart po doon.
01:10Sa Sagada Mountain Province naman, natabunan rin ang ilang mga bahay at mga sasakyan sa pagguho ng lupa.
01:29Nagsasagawa naman ang mga otoridad ng search and rescue operations sa lugar.
01:34Sa La Trinidad, Benguet, muling nalubog sa baha ang mga pananim na strawberry at lettuce dahil sa matinding pagulan.
01:42Kanselado naman ang klase sa ilang mga probinsya sa region dahil sa bagyong nando.
01:47Pansamantala rin na isinara ang ilang mga kalsada dahil sa pagguho ng lupa.
01:53Ngunit agad naman itong nabuksan kabilang na ang Marcos Highway.
01:58Sa tala naman ng DSWD Cordillera as of 8 o'clock ng umaga ngayong araw,
02:04aabot na sa 4,120 na pamilya o mahigit 11,000 na individual ang apektado dahil sa bagyong nando.
02:13Aabot naman sa 4 na bahay ang totally damaged habang 16 naman ang partially damaged.
02:21Nabigyan na rin ang mga apektado ng mahigit 5,000 pesos na humanitarian assistance mula sa DSWD at LGUs.
02:29Wala po tayong problema sa ating supply pagdating po sa ating family food tax.
02:36Meron rin po tayong mga ready to eat na ito po yung image na binibigay natin sa mga evacuation centers so we have enough.
02:46Meron din po tayong mga non-food kits katulad po ng kitchen kit, hygiene kit, family kit.
02:53Patuloy naman na nakabantay ang Office of Civil Defense Cordillera.
02:57Sa sitwasyon sa regyon, gayong nararanasan pa rin ang pagulan.
03:01Sa tala naman ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources,
03:08aabot sa mahigit 700 ang mga barangay na susceptible sa landslide at flooding.
03:13Kaya naman, nagpaalala ang OCD sa publiko na maging alerto at magsagawa ng preemptive evacuation
03:21lalong-lalo na sa mga naninirahan sa landslide at flood-prone areas.
03:26Kung nang mag-travel, kung hindi naman importante, mag-stay at home na lang
03:30kasi hindi natin alam kung anong status ng ating mga kampundukan.
03:34Alam naman natin na tuloy-tuloy yung ulan dito at saturated yung mga soil.
03:38So, chances are talagang force majeure nangyayari itong mga to.
03:44But then, then again, kung tayo ay handa at we continue doing advisories
03:50and yung ating mga barangay ay nagkoconduct ng risk assessment,
03:56talaga po yun yung ating magagawa para malesen yung casualties.
04:00Janice Dennis para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.