Skip to playerSkip to main content
Aired (August 16, 2025): Crunchy na, siksik pa sa laman! ‘Yan ang okoy na hinahanap-hanap ng mga taga-Tondo. Ano ang sikreto sa likod ng okoy na ito? Panoorin sa video. #GoodNews

Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sabi ng mga nage-healthy living, gulay-gulay, pampahaba ng buhay.
00:06Pero ang pagkain ng masustansya, e pwede natin pasarapin pa.
00:13Gaya ng mga okoy na ito, na level up ang lasa.
00:21Ang kwentong good news na hatid ng okoy, eto't ihahain na namin.
00:26Ang okoy na ito sa Tondo, Maynila, pinipilahan at binabalik-balikan.
00:34Ang okoy kasi nila rito, crunchy na, siksik pa sa laman.
00:40Pinaliguan pa ng asing-kilig na suka. Talaga namang katakamtakan.
00:47Ang mastermind sa sarap ng okoy na ito, e walang iba kundi si Ava.
00:53Nagsimula po akong magtinda ng okoy, year 2000.
00:55Pagkinda po kami ng ulam, tapos sinasamaan po namin ang okoy.
00:59Resipe po ng tatay ko yan. Kasi ako yung katulong talaga ng tatay ko magtindaan nung araw pa.
01:04Sa dami ng araw ng suki na pumapakyaw ng kanyang okoy,
01:07sa isang araw, kaya niyang umubos ng sampu hanggang labing tatlong kilong mga sangkap sa okoy.
01:15Every Sunday talaga, bumibili ako ng okoy.
01:18Pinatitikin po rin sa mga kliyente ko na gustuhan din nila.
01:21Kaya sabi nila, every time na may tinda ng okoy, ibili ko sila.
01:25Tapos yung ganitong pimpla, yun yung nagustuhan nila eh.
01:29Ang wrapper daw na gamit niya sa kanyang okoy, e gawa sa galapong.
01:34Na nilalagyan ng toge, tokwa, medium-sized hipon, at kalabasa.
01:40Pero ang talagang nagpasarap daw sa special okoy, ang butter na gawa sa malagkit for the ultimate crunchy goodness okoy.
01:51Kapag ready na ang mga ingredient, iprito na ito sa mainit na mantika.
01:57At kapag luto na, paliguan na ng suka para sa nanunoot na sarap.
02:02Sarap kasi sigsik siya.
02:05Kung makikita nyo, kasanglasan mo yung hipon kasi buo.
02:08Parang sa akin, solito.
02:11Pero ang totoo raw na nagpasarap sa okoy na ito,
02:14ang kwento ng pagbangon ni Ava na siyang motivation niya sa pagtitinda ngayon.
02:20Ano yung naging hamon nyo noong 2020?
02:23Ang naging ano ko po noon na detained po ako.
02:26Na ano po ako sa pinagbabawal na sa drugs po.
02:29Ano yung nagudyok sa inyo na gumamit po ng illegal na droga?
02:33Nandun po ako sa labas noon eh, siyempre po nakikita ko yung mga taong ganun.
02:37Parang pati ako, napaganun na rin po.
02:41Paano lang po talaga masamang influensya, barkada.
02:44Sinubok man ng matinding hamon, si Ava, unti-unting bumangon at nagdesisyong magbagong buhay.
02:52Tinulungan ako ng anak ko sa kapatid ko.
02:54Tinulungan ako ng anak ko makapag-tinda uli ng okoy.
02:57Dahil alam niyang yun po yung negosyo na marunong ako.
03:01Makalipas ng isang taon at aning na buwan na nasa piitan,
03:06okoy is back in business.
03:08At ang good news, nagsilbing aral ito sa kanya.
03:11At ang tagumpay niyang tinatamasa sa maliit na negosyo,
03:15hindi na raw niya pakakawalan pa.
03:18Ano yung leksyon, ano yung gusto niyong mensahe na ipamahagi
03:23dun sa mga lulong sa iligal na droga?
03:25Tama na po kasi wala namang mangyayari.
03:28Paulit-ulit lang hanggat may buhay, may pag-asa po.
03:32Kung dati ay tuwing linggo lang bukas ang okoy business ni Ava,
03:36ngayon, dinarayo na rin ito ng mga suki tuwing Sabado.
03:40Kaya ang kita, tumaas na rin.
03:42Minsan na rin daw na ipadalang Dubai ang panindanya.
03:46O di ba? Winner!
03:48Samantala, kung pasarapan lang naman ang negosyo ang labanan,
03:53hindi yan aatrasan ng itinuturing na institusyon ng okoy dito sa Malabon.
04:00Paespesyalan ba ang labanan?
04:02Ito naman yung special namin.
04:04Kaya ako siya naging special kasi nagdagang siya ng kalabasa.
04:07Mas pinaraming kalabasa niya kumpara sa regular.
04:09Basta kawa nila man ng regular, idadoble ko lang sa kanya.
04:12Ito po is 85 pesos.
04:15Pero ito raw talaga ang pinaka-special sa lahat ng special.
04:19Kaya ako tinagawin ang super special.
04:20Idami ang orisya ng kalabasa at saka tokwa.
04:23Tapos nilagyan ako siya ng onion rings.
04:26Yan.
04:26Kaya naman kapag sinabing okoy sa Malabon, okoy ni J.R. ang puntahan.
04:34Masarap.
04:35Yung ipon at saka yung toge.
04:38Tapos crunchy.
04:40Sikat na sal.
04:41Kiyaring ako sa Valenzuela ko.
04:43So, ang hiningi nila lahat na pasalubong is okoy from Malabon.
04:47Ang kanilang special okoy, may hati ding good news sa kanyang pamilya.
04:52Na, nasuswento ako yung paggamot ng mga anak ko.
04:54Kasi yung mga anak ko may mga asal sa puso eh.
04:57Laking pasasalamat na nga ng pamilya sa lumalago nilang negosyo.
05:02Kaya ang goal ngayon ni J.R.
05:05Share your okoy blessings.
05:09May pambato rin daw na okoy ang Kalamba Laguna.
05:13Ang okoy nila rito, kakaiba.
05:16Okoy na gulay.
05:18But still, ito po.
05:20Ang crispy okoy ng Kalamba.
05:22Hugis-bilog na.
05:24Ang sahog pa nito, papaya.
05:27Nahinaluan pa ng kalabasa.
05:29Alamang sa gitna, with matching hipon sa ibabaw.
05:33Talaga namang mapapag-okoy food trip ka.
05:38Sino mag-akalang ang simpleng okoy?
05:42Eh may ioo-okoy pa pala.
05:45Laway ang mga kwento sa likod nito.
05:47Eh may dalang pag-asa sa ating mga puso.
05:52O, baka nagugutom na kayo.
05:54Okoy na to.
05:55Oh!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended