Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Ubalma si Vice President Sara Duterte sa pahayag ng Malacanang na complete failure siya bilang DepEd Secretary sa may buwelta kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:10Narito ang aking unang balita.
00:14So hindi ako ang failure. Siguro ang failure is yung 10.30 pa lang ng umaga, amoy alak ka na.
00:24Ganito sinagot ni Vice President Sara Duterte ang pagsabi ng palasyo na naging complete failure umano siya bilang kalihim ng Department of Education.
00:33Ang tinutukoy niyang amoy alak umano si Pangulong Bongbong Marcos.
00:37At ang insidente kung kailan daw niya yan naamoy na magsumiti siya ng resignation bilang DepEd Secretary noong June 19, 2024.
00:45Yun yung pag-alis ko. Nagbeso-beso siya sa akin.
00:5110.25, 10.30 naman.
00:55Amoy alak siya.
00:58At kung ako ang pahulain kung ano yung alak na yun, whiskey.
01:05Pero hindi ko naman siya nakita.
01:08Nag-inom ng whiskey. Nakikita ko siya lagi umiinom ng champagne.
01:12Pero amoy alak siya.
01:14At 10.30 in the morning.
01:17Doon ko, doon na-confirm yung decision ko na mag-resign.
01:28I-dinitalyo pa ng vice kung paano ro siya pinilit kumbinsihin o ng Pangulo na manatili sa gabinete at inalok pa ng ibang pwesto para rito.
01:36Hiningi pa nga ro ang tulong niya para sa election 2025.
01:40Kaya ang tingin ng vice sa naging tono ng Pangulo.
01:42Hindi yun actions ng taong tumitingin as failure ako.
01:51Action yun ng taong tumitingin na kailangan niya yung trabaho ko.
01:58So hindi ko alam saan nagagaling yung sinasabi nilang failure ako sa Department of Education Secretary.
02:07Ang pagtawag ng palasyo na complete failure kay Duterte.
02:12Sagot naman nila sa naunang banat ng vice na napag-iwanan ang Estado ng Edukasyon sa Pilipinas
02:17dahil sa mabagal na pansabay ng bansa sa pagwabago.
02:21Si Palas Press Officer Claire Castro hindi kumbinsido sa kwento ni BP Sara.
02:26Sa kanyang statement, sinabi ni Castro na mahirap raw paniwalaan ng mga kwento
02:29nang madalas nagiging source ng fake news.
02:32Lahat raw ng kwentong ito ay layong siraan ng Pangulo
02:36dahil nais niyang pababayin ito sa pwesto para ang vice ang maging Pangulo.
02:40Bagay na tinawag niyang makasariling hangari.
02:43Ikinumpara rin ni Castro Pangulo na maaga raw gumigising para sa mga event at meeting.
02:48Di tulad anya ng iba na tanghalin na kung gumising.
02:51Ito ang unang balita.
02:53Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
02:56Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:00Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended