Skip to playerSkip to main content
Hiniling ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na 'wag munang pagbigyan ang hiling ng Amerika na extradition o pagpapadala sa pastor doon para sa ilang kaso. Sabi ng justice department, wala pa silang natatanggap na request na base sa regular na proseso -- ay dadaan muna sa DFA.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hiniling ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na huwag muna ang pagbigyan ang hiling ng Amerika na extradition o yung pagpapadala sa pastor doon para sa ilang kaso.
00:10Sabi ng Justice Department, wala pa silang natatanggap na request na base sa regular na proseso ay daraan muna sa DFA.
00:18Nakatutok si Salima Refran.
00:20Matapos kumpirmahin ang Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez, ang extradition request ng Amerika para kay Pastor Apollo Quiboloy,
00:33hiniling ng kanyang kampo na huwag muna itong pagbigyan.
00:36Sa isang pahayag, sinabi ng kanyang abogado na sana daw hayaan ang gobyerno na maaksyonan muna ng mga korte sa Pilipinas ang mga kaso dito ni Quiboloy bago magdesisyong ilipat ang pastor sa Amerika.
00:48Nahaharap si Quiboloy sa kasong sexual and child abuse sa Quezon City Regional Trial Court at qualified human trafficking sa Pasig City RTC.
00:58Habang meron naman siyang kaso sa Amerika na sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling.
01:04Puna naman ang isa pang abogado ni Quiboloy. Kaduda-duda raw ang timing nito.
01:09Bakikita rin daw ng mundo na sunod-sunura ng Pilipinas sa banyagang kapangyarihan kung ibibigay ulit ng isang Pilipino sa ibang bansa.
01:17Lalo't nililitis na si Quiboloy sa mga korte sa Pilipinas.
01:21Hinihingan namin ang pahayagang Malacanang kaugnay nito.
01:25Nilinaw naman ang Department of Foreign Affairs na hindi ito ang tumanggap ng extradition request ng Amerika para kay Quiboloy.
01:31Ipinadala daw ang mga dokumento sa Department of Justice nito pang Hunyo.
01:35Sabi naman ni DOJ spokesperson Asik Miko Clavano, wala pa raw extradition request na pinapadala sa kanila.
01:43Ang regular daw na proseso, dapat matanggap muna ng DFA ang extradition request para ma-iendorso sa DOJ.
01:50Pero dahil wala pang natatanggap na request ng DFA, hini rin opisyal na matatanggap ng DOJ ang ganitong request.
01:58Para sa GMA Integrated News, Salima na Fran, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended