00:00Ilang residenteng naipit sa matinding baha ang sinagip sa Barangay Santo Domingo sa Quezon City.
00:05Balitang atin di Jomarapresto.
00:11Kuha ito sa bahagi ng Barangay Santo Domingo sa Quezon City kaninang hating gabi.
00:16Inabot raw hanggang sa second floor ang baha kaya kinailangan ng ilikas ang mga residente.
00:21Sa kuhang ito, kita pa ang pagsagip sa ilang bata at matatanda sa lugar.
00:24Ayon sa Barangay, mayroon din daw mga residente na nagpalikas pero piniling magpaiwan sa kalye ng G. Araneta Avenue.
00:32Ang ilan sa kanila, kita pa na sa bangketa na nagpalipas ng gabi.
00:36Estimated po namin is mga nasa 600 families or 1,500 individuals so far.
00:43Both na po yun nasa evacuation site and also yung mga preferred po na dito po mag-stay.
00:48Pumunta po kasi kami doon sa evacuation po malayo.
00:52May ilang residente naman ang wala halos gamit na naisalba at mas piniling iligtas ang imahe ng poong Nazareno.
01:00Bandang alas 5 ng madaling araw, ganito na ang sitwasyon sa bahagi ng G. Araneta Avenue.
01:05Sandamakmak na basura ang naglutangan, particular sa Southbound Lane ng kalsada.
01:10Nananatili namang nakantabay ang rescue team at PNP para sa mga residente na posible pang ilikas.
01:16Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:22The
Comments