Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa ibang balita, huli cam ang pagkapit ng traffic enforcers sa hood ng umaandar na kotse sa Kawit, Cavite.
00:06Ang driver ng sasakyan, sinisita pala niya matapos may nakagit-gitan daw.
00:11Balitang hatid ni Bam Alegre.
00:16Nakunan sa ilang CCTV ang isang kotse sa Kawit, Cavite na matuli ng takbo at may nakasampang traffic enforcer sa hood.
00:23Tatlong anggulo ang nahuli cam sa pangyayaring niya noong lunes ng hapon.
00:28Natuntunan ng GMA Integrated News ang traffic enforcer na si Michael Trajico.
00:32Sabi niya, pinara niya ang kotse dahil may nakagit-gitan daw ng motorsiklo pero hindi daw siya pinansin ng driver.
00:38May isang motor na tumawag may nasagi na daw yun.
00:42Kaya naman kami bilang isang enforcer, ginampan na namin ang aming trabaho.
00:46Sinundan namin yung nakasasakyan.
00:48Noong tangkang haragi namin siya, pumakabanti pa rin siya.
00:52E ako yung nasa harapan.
00:54Kaya kaysa naiipitan pa ako, tumalo na ako sa sasakyan.
00:59Kahit nasa hood si Trajico, nagpatuloy pa rin sa pagandar ang babaeng driver.
01:03Sa tansya ni Trajico, sampu hanggang labing limang minuto na ganito ang sitwasyon niya.
01:08Tila eksena sa pelikula pero totoong nangyari at nalagay sa peligro ang buhay ng traffic enforcer.
01:13Kasama raw ng driver ang ina sa kotse ayon kay Trajico pero hindi rin daw nakinig ang driver sa kanyang ina.
01:19Tumigil lang daw ang kotse ng nasa bahay na ang driver sa kalapit na barangay Wakastu.
01:24Minura pa rin ang driver si Trajico bago tuluyang pumasok sa bahay.
01:27Paglabas niyo ko din sa sakyan, sinabihan niya ko na p***** magdemanda ka.
01:32Dito sa bahagi ng kalsadang ito natin kinatatayuan malapit sa Ginaldo Shrine sa Kawit, Cavite.
01:37Nagsimulang sumampa yung traffic enforcer dito sa sasakyan ng sinisita niyang motorista dahil patuloy siya sa pag-arangkada.
01:44Nagsampana na reklamong direct assault si Trajico kaugnay sa insidente.
01:48Nakita ng kasamahan ni Trajico na si Dominador Rieta ang lahat ng nangyari.
01:52Dismayado siya dahil tila hindi raw sila binibigyang halaga bilang mga traffic enforcer.
01:56Parang minaliit kami. Parang hindi na kami ginalang.
02:02Dapat ito kahit kami ganoon, irespeto rin naman kami.
02:08Sinusubuhan pa namin kuhanan ng pahayag ang suspect.
02:11Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended