00:00Target ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tapusin ang embistikasyon sa mga palpak at maanumalyang flood control project bago matapos ang kanyang termino.
00:11Iyan ang ulat ni Claeso Pardilla.
00:15Naglitawa na ang mga bara-bara at mga proyekto kontrabaha na wala naman talaga.
00:21Ang tanong, bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang embistikasyon laban sa mga palpak at maanumalyang flood control project, makukumpleto kaya?
00:34Yan po ang gagawin po ng Pangulo. Sa kanyang pag-iimbestiga, kinakailangan po na may managot. At ninanais din po niya na makumpleto ang bawat ebidensya.
00:47Simula ng mabunyag ang mga sablay at tongpats umano sa mga flood control project.
00:53Sunod-sunod na inspeksyon ang ikinasas sa mga proyekto.
00:56Ipinag-utos na ng COA ang fraud audit sa ilang flood control project sa Bulacan.
01:02Sinibak naman ang Department of Public Works and Highways, ang project engineer ng isang substandard umano ng flood control project sa Nauhano Mindoro.
01:11Pinaiimbestigahan na ang mga kontraktor. Muling iginiit ng Malacanang, walang kawala ang mga opisyal ng gobyerno na may kaugnayan sa mga kumpanya.
01:21Sa mga top 15 contractors na di umano may kaugnayan sa mga senador, katulad ni Sen. Bonggo, kaibigan man, malapit sa kanyang puso.
01:31Kung nakakasama sa mga anumalyang katulad nito, ito po ay paiimbestigahan at pananagotin ang dapat managot.
01:37Sa ngayon, nasa 60 hanggang 80 milyong pisong pondo a nila ang pinarerendahang ilabas ng Pangulo.
01:45Bahagi ito ng higit 6 matrilyong pisong pambansang pondo ngayong 2025.
01:51Nasabi ni Finance, Secretary Ralph Recto, isiningit at wala sa prioridad ng administrasyon.
01:57Karamihan po dito ay mga infrastructure po ng DPWH na karaniwan po ay inserted po by the Congress.
02:05Tatanungin natin ang DBM kung anong gagawin dito dahil hindi pa naman po tapos ang 2025.
02:10Una nang ipinagutos ni Pangulong Marcos na maging mahigpit sa pagpasok ng mga bagong kontrata at mga gagawing flood control project.
02:19Kaleizal Pordilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.