00:00Arrestado ang dalawang Vietnamese national na nagsisilbing doktor sa isang aesthetic clinic
00:05pero nabistong walang lisensya para mag-practice dito sa Pilipinas.
00:10Yan ang report ni Katrina Son.
00:15Typical na beauty clinic ang itsura ng pasilidad na ito sa Paranaque.
00:20May mga clinic bed at ilang gamot na ginagamit sa mukha.
00:25Ang dalawang aesthetic doctor dito, parehong Vietnamese national.
00:28Pero sa impormasyong nasagap ng NBI, iligal daw ang pagpapractice ng medisina ng dalawa.
00:36We have at least two individuals who went to the office.
00:39Ang sabi po nila, they have a schedule for aesthetic clinic po.
00:46We found out that this aesthetic clinic involves two foreign national.
00:52Nang makumpirma nila sa Professional Regulation Commission o PRC
00:56na walang ang lisensya ang dalawang Vietnamese para mag-practice ng aesthetic medicine sa ating bansa.
01:02Ikinasa nila ang operasyon.
01:04Nakipag-ugnayan sila sa mga doktor sa social media.
01:08You have the right to remain silent. Anything you say may be used against you.
01:12Hanggang tuluyan nilang na-entrap ang dalawang dayuhan.
01:14Ayon sa NBI, may banta sa kalusugan ng publiko kung di lisensyado sa pagpapractice ng medisina
01:22ang isang nagpakilalang doktor.
01:23The fact that we could not check if they are really doctors,
01:27hindi tayo sigurado kung yung mga procedures na ginagawa nila
01:30at yung mga gamit na ginagamit for these procedures
01:33are approved by the FDA or other Filipino associations.
01:40Naharap ang dalawa sa mga reklamong illegal practice of medicine
01:44at misbranding of products sa ilalim ng FDA at Pharmaceutical Act.
01:48Wala pang reaksyon ng dalawa na nakakulong na sa NBI facility sa Mandaluyong.
01:54Paalala ng NBI sa mga magpapatingin sa doktor.
01:57Suriin kung meron siyang lisensya, lalo na kung dayuhan ng iyong doktor.
02:01Marami po kami ang mga sinasurveillance ngayon na
02:04mayroong mga foreign nationals na nagpapractice ng esthetic medicine dito sa Pilipinas.
02:12Tignan din kung aprobado ng FDA o Food and Drug Administration ang mga gamot sa klinik.
02:17Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:22Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:26Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments