00:00Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Transportation Department na pag-aralan
00:05ang iminumungkahing mas mataas sa insurance coverage para sa mga pribadong sasakyan.
00:11Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer, Atty. Claire Castro,
00:16sa harap ito ng mga nakalipas na road mishap.
00:19Giit ng palasyo, pag-aaralan daw itong mabuti.
00:22Ayon kay Communications Undersecretary Palace Press Officer, Atty. Claire Castro pa rin,
00:27matatandaang hinimok ng Alliance of Transport Operations o Operators and Drivers Association of the Philippines
00:34o Altodap si Pangulong Marcos Jr. na itaas ang saklaw ng bayad sa insurance
00:39sa ilalim ng compulsory third-party liability o CTPL.
00:44Ayon sa grupo, dehando ang mga pasahero ng mga pribadong sasakyan
00:48dahil sa kasalukuyang regulasyon kung saan ang pinakamataas na maaaring makuha
00:52sa ilalim ng CTPL ay 200,000 pesos lamang.
00:57Opo, pinag-utos na po ng Pangulo kay DOTR Secretary Vince Dizon
01:01na pag-aaralan po mabuti ang proposal tungkol sa higher insurance coverage
01:05para po sa PUVs.
01:08Ito naman po ay para sa karagdagang proteksyon para sa lahat
01:10na maaaring mabiktima ng negligence o aksidente sa kalsada.
01:14Pero muli, sasabihin po natin, pinag-aaralan po itong mabuti,
01:17kung ito ba'y nararapat at ito po ba ay napapanahon.
01:19Pag-aaralan po itong mabuti ang mabuti ang mabuti.