00:00Bukod sa senior citizens, estudyante at persons with disability,
00:04isinusulong na bigyan din ang fair discount sa mga trend,
00:07ang minimum wage earners.
00:09Alamin, ang reaction ng mga kapuso natin live mula sa Antipolo Rizal,
00:13may unang balita si EJ Gomez.
00:15EJ?
00:21Susan, isinusulongan ng Trade Union Congress of the Philippines
00:24na isama ang minimum wage earners bilang benepisyaryo ng 50% discount sa pamasahe sa mga trend.
00:32At kung maaaprubahan, malaking ginhawaw raw ito para sa mga nakausap dating commuter
00:36na arawang bumabiyahe, papasok sa kanilang mga trabaho.
00:44Madaling araw bumabiyahe patungon trabaho ang construction worker na si Alex.
00:49Umaabot daw minsan sa halos isang oras ang binabiyahe niya mula Antipolo City
00:53patungong Magalyanes sa Makati City.
00:56Nasa 100 pesos daw ang gastos niya kada araw
00:59na malaking tapya sa arawang sahod niya na 695 pesos.
01:03Kaya good news daw ang isinusulong na 50% discount
01:06sa pamasahe sa trend para sa mga minimum wage earner.
01:10Ma'am, malaking tulong po yung lalo na sa mga nagpukumute po araw-araw po.
01:16Mga gamit din po ma'am sa pagkain,
01:18kahit po sa kuryente ma'am, tubig,
01:21lalo na sa bahay ma'am, na umupahan lang din.
01:24Iminumungkahin ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP
01:27sa Department of Transportation na isama ang minimum wage earners
01:31sa mga benepisyaryo ng 50% discount sa pamasahe sa LRT1, LRT2 at MRT3.
01:38Sa sulat ng grupo kay Transportation Secretary Vince Dizon,
01:41sinabi nila na habang patuloy ang pagsusulong sa Senado at Kamara
01:44na isabatas ang wage hike measures sa bansa,
01:47dapat gumawa raw ng paraan ng pamahalaan
01:50para ngayon pa lang ay makaramdam na ng ginahawa ang mga manggagawa.
01:54Sa computation ng TUCP,
01:56posibleng makatipid ng P35 kada araw o P840 kada buwan
02:00ang minimum wage earners sa 50% discount sa mga trin.
02:04Sisikapin pa namin kunang ng reaksyon ng DOTR.
02:07Simula sa susunod na buwan,
02:09magiging available na sa MRT at LRT stations
02:11ang special BIP cards na may automatic 50% discount
02:15para sa mga estudyante, senior citizens,
02:17at persons with disabilities o PWDs.
02:26Susan, ayon sa TUCP,
02:29ang pwedeng proseso sa pag-validate
02:31ng mga minimum wage earner bilang beneficaryo
02:33ng 50% discount ay ipakita yung kanilang certificate of employment
02:38kung saan nakasaan ang kanilang salary
02:40para sila ay mabigyan ng special BIP card.
02:44At yan, ang unang balita mula po dito sa Antipolis City.
02:48EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
02:52Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:55Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:57at tumutok sa unang balita.