Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa gitna ng mga pag-atake sa oil facilities sa Middle East,
00:03nag-sara ang palitan sa 60 pesos and 10 centavos,
00:07pinakamahina sa kasaysayan.
00:09Unang beses na sumampa ito sa 60 peso level.
00:12May punto pa sa intraday trading na umabot ito sa 60 pesos and 40 centavos
00:17mula ng sumiklabang gulo noong February 28.
00:20Nasa 58 peso level hanggang 59 peso level ang palitan.
00:24Ayon sa profesor at ekonomistang si Emmanuel Leico,
00:27unang mararamdaman ang epekto nito
00:30sa pagtaas ng presyo ng mga inaangkat na produkto.
00:46Anya, bagaman hindi ang gulo sa Middle East ang rason ng pagsadsad ng piso,
00:51ito ang rason sa pagtaas ng presyo ng petrolyo
00:54na binibili natin sa pamamagitan ng dolyar.
00:57Magkaiba, ito po ay magka-related ito.
01:03Ang demand natin sa dolyar ay lalong lumalaki,
01:07kaya pumihin na ang piso.
01:08Isa sa direktang apektado ng pagsadsad ng piso ang mga importer.
01:12Tumaas rin ang kanilang gastos dahil sa nagbahal na petrolyo.
01:16Apektado rin ang kanilang sales
01:17dahil kakaunti ang bumabalik sa malls at restaurants
01:20habang marami ang nananatili sa bahay.
01:23Sa ngayon, di pa sila nagtataas ng presyo dahil may dati pa silang stock.
01:27Ngayon, kaya pa.
01:28Pero, tuwis from now, maraming mga negosyante,
01:32kataas ang presyo yan dahil may mga bago na kami mga inventories
01:35at mga stocks na parating na sure po,
01:38nandun po yung effects ng pagtaas ng logistics and transportation costs.
01:43Umaasa rin ang mga importer na makakatulong ang pamahalaan
01:46sa pamamagitan ng tax incentives o subsidy,
01:49lalo't masaramdam nila ang epekto ng mahinang piso,
01:53bagamat nakikinabang naman dito ang mga exporter.
01:56Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong Enero,
02:00mas malaki ang iniimport ng Pilipinas kesa ine-export.
02:03Ayon kay Philippine Exporters Confederation Incorporated
02:06President Sergio Ortiz Luis,
02:08inaasahan na raw nila na aabot sa lagpas 60 pesos
02:11ang foreign exchange rate.
02:13Ang importante an niya,
02:14hindi mabilisan ang pagbagsak ng piso
02:17at hindi ito lubhang makakaapekto sa inflation ngayon.
02:20What is important is that it doesn't come very fast
02:25yung depreciation ng peso
02:28and it doesn't create inflation.
02:32In this case, hindi siya mabilis
02:36and I don't think it would create inflation.
02:40May kapangyarihan ng Banko Sentral ng Pilipinas
02:43na makontrol ang paggalaw ng halaga ng piso
02:45sa pamamagitan ng pagbili ng dolyar
02:47o pagbenta nito mula sa dollar reserves ng bansa
02:50para hindi masyado sumipa ang forex.
02:53Pero sa isang pahayag,
02:54sinabi ng BSP na batay sa flexible
02:56foreign exchange rate policy,
02:58ang iniiwasan lang nila
02:59ay ang malakihang paggalaw ng palitan ng piso
03:02na maaring makaapekto sa inflation.
03:05Hindi raw nito pulisiya na maipako ang piso
03:07sa iisang level.
03:08Ang magagawa lang ng Banko Sentral
03:11katulad po nang sinabi ng BSP Gobernur
03:15ay pangalagaan yung stability ng ating currency.
03:20Drastic ba ang pagbabago o hindi naman.
03:24Ito naman po yung pagsampan ng piso
03:27sa 60, inaasahan na po natin yan eh.
03:33Kahapon, nasa 59.
03:35Psychological threshold ang 60.
03:37Kapag mataas ang halaga ng dolyar,
03:39mas malaki ang naiuwi ng mga pamilyang
03:41tumatanggap ng dollar remittance.
03:43Pero para sa ilan sa kanila,
03:45bale wala ang inilaki ng padala
03:47kung mabilis naman ang pagmahal ng bilihin.
03:50Walang kwenta.
03:52Mas maganda pa kung ibaba na lang
03:55para bababa din ang mga bilihin.
03:58Nakakaawa yung mahirap na,
04:00lalong naghihirap.
04:01Ito ang unang balita.
04:03Jamie Santos para sa Jimmy Integrated News.
04:06Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:09Mag-subscribe na sa Jimmy Integrated News
04:11sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended