00:00Gaya ng MRT3, umarangkada na rin ang 50% discount sa pamasahe para sa mga pasahero ng LRT2.
00:07At live bula sa Quezon City, may unang balita, si James Agusi.
00:11James!
00:16Ivan, good morning. Malaking tulong, lalo na dun sa mga minimum wage earner na sukin itong LRT2,
00:21yung 50% na discount sa pamasahe, simula ngayong araw.
00:26Maaga, mga pasahero, ngayong lunes dito sa LRT Cobao Station,
00:29kinatuwa ng marami ang 50% na discount sa pamasahe na ipinatutupad ang Department of Transportation sa LRT2.
00:36Kahit na paano raw, ay makakatulong sa mga commuter ngayong mataas ang presyo ng produktong petrolyo.
00:40Sabi ng mga pasahero na namin nakausap, ilalaan daw nila sa ibang gastusin ng matitipid sa pamasahe.
00:46Nakapaskil na ang discounted fare matrix sa bawat istasyon.
00:49Sa single journey ticket, 8 pesos hanggang 18 pesos depende sa destinasyon.
00:53Habang sa stored value card o BIP card ay mula 6 pesos and 50 centavos hanggang 16 pesos and 50
00:59centavos.
01:00Automatic na ang discount pagbili ng ticket.
01:02Paglilinaw ng LRTA, wala nang dagdag na discount ang mga estudyante, senior citizen at PWD
01:07dahil naka-50% off na talaga ang kanilang pamasahe.
01:10Sa tala ng LRTA, nasa 210,000 na pasahero ang daily average na sumasakay sa buong linya mula araw ng
01:17lunes hanggang linggo.
01:19Samantala, Ivan, tuloy-tuloy lamang yung dating ng mga pasahero dito sa LRT Cobao Station.
01:23Wala pa naman tayo nakikita na pila maging dun sa labas itong estasyon.
01:26Pero marami-rami na yung mga pasahero na nakinabang dyan sa 50% na discount sa pamasahe.
01:32Yan muna ang latest mula po rito sa Cobao.
01:33Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
01:37Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat
01:44sa ating bansa.
Comments