00:00Samantala, limang lugar sa Sada Luzon ang isinailalim sa wind signal number 5
00:04ng Manalasa ang Bagyong Uwan na isa pa noong super typhoon.
00:09Ano ba ang ibig sabihin kapag itinaas ang signal number 5?
00:12Ano-ano ang mga dapat paghandaan?
00:15Ayon sa pag-asa, itinataas ang signal number 5
00:17kung ang bagyo ay may lakas na 185 km per hour o higit pa.
00:22Kapag ang lugar ay nasa signal number 5,
00:25asahan ang matinding sira sa mga bahay na gawa sa light materials.
00:30Kahit ang mga pader at bubong ng matitibay na bahay,
00:33posible rin mapinsala.
00:35Matindi rin ang banta sa buhay ng tao at hayop
00:38na nasa labas habang nananalasa ang bagyo.
00:42Mawawala ang supply ng kuryente, tubig at signal ng cellphone at internet
00:45dahil sa mga magtutumbahang poste.
00:48Maantala rin ang servisyo ng pampublikong transportasyon.
00:51Asahan na rin ang malawakang pinsala sa mga pananim at puno.
00:57Labindalawang oras bago manalasa ang bagyo,
01:00inilalabas ng pag-asa ang wind signal number 5
01:03para makapaghanda ang mga tatamaang residente at lugar.
01:07Mahalagan laging maging updated at sumunod sa babala ng mga otoridad
01:11para sa inyong kaligtasan.
01:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:19Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube
01:22at tumutok sa unang balita.
Comments