00:00Masaya at makulay ang pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa Davao City,
00:05kung saan ibinida ang kanilang mayamang kultura at kasaysayan.
00:09Kanagulat ni Israel Damaulaw ng PTV, Davao.
00:15Makulay, masaya at maayos ang naging pagdiriwang ng Kadayawan Festival 2025,
00:21na kilala rin King of All Festivals.
00:23Pinangulangan ng Department of Tourism Davao at mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan
00:27ang opisyal na pagbubukas noong Agosto 8,
00:31tampok ang makukulay na pagtatanghal at nauspusong mensahe
00:35na nag-udyok sa mga nabawenyo na yakapi ng yaman ng kultura at pagkakaisa.
00:40Bumida ang mga nakamamanghang cultural performances
00:43wala sa labing isang ethno-linguistic tribes ng Davao.
00:46Ata, Bagobo Kalata, Bagobo Tagabawa, Magindanaon, Maranao, Matigsalog,
00:52Ovo Manovo, Sama, Tausog, Iranon at Kagan,
00:58na nagpakita ng kahalagahan ng Kadayawan bilang pagdiriwang na kasaysayan,
01:02sining at tradisyon.
01:05Agosto 9, idinaos ang pananam sa Kadayawan,
01:09sa Kadayawan Tribal Village, Magsaysay Park,
01:11isang food at product fair na tampok ang mga tradisyonal na putahe,
01:15orihinal na produkto at likhang kamay mula sa iba't ibang tribo.
01:20Pinagtipo nito ang yaman ng gastronomy, sining at kultura ng lungsod.
01:27Mula adjes ng Agosto hanggang Adose,
01:29umikot naman ang Bantawan Cultural Celebration
01:32sa Bantawan Amphitheater Magsaysay Park,
01:35tampok ang tradisyonal na musika, sayaw at mga kwento ng komunidad,
01:40kasabay ng pagpapakita ng mga pagkain inspirasyon ng kultura
01:43at mga produktong ipinagmamalaki ng mga dabawenyo.
01:47Agosto 12, opisyal namang binuksan sa isang mall sa Lanang
01:52ang Duryan Festival na magtatagal hanggang September 14.
01:56Pinangunahan nito ng Department of Agriculture 11,
01:59katuwang ang Duryan Industry Association of Davao City
02:03at iba pang ahensya.
02:05Upang ipakilala, hindi lamang ang King of Fruits,
02:08kundi pati na rin ang iba pang prutas tulad ng rambutan,
02:11mangustin, marang, blanzones at pumelo.
02:1414 ng Agosto, ginanap ang Coronation Night ng Hiyas sa Kadayawan,
02:21kung saan itinanghal si City Norhana Sangkaan mula sa Tribong Maranaw
02:25bilang Hiyas sa Kadayawan 2025.
02:28Ginawaran din si Catherine Kate Oda mula sa Tribong Bagobo-Tagabawa
02:32bilang Hiyas sa Panagiusa at si Jovi Utahe mula sa Tribong Ata
02:37bilang Hiyas sa Kalambuan.
02:38Ipinamalas ng labing isang kandidata ang kanilang talento, talino at pagmamahal sa kultura
02:44upang makilala ang bagong reyna ng Kadayawan.
02:48Mas pirasigla pa ang pagdiriwang noong 15 ng Agosto
02:52sa Grand Kadayawan Weekend sa Rizal Park
02:55sa pamamagitan ng makapagirihang tunog ng agong at kulintangan showcase
02:59ang labing isang tribo sa Davao.
03:03At ito namang 17 ng Agosto, inaabangan ang dalawang pinakamalaking highlights ng festival,
03:09ang Pamulak sa Kadayawan at Indak-Indak sa Kadayawan.
03:13Dinaluhan ng mas maraming turista mula sa iba't ibang panig ng bansa at mundo.
03:18Israel na maulaw para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.