00:00Bumida naman sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan ang mga produktong sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan ng mga Pilipino.
00:08Tinunghayan niyan mismo ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos,
00:14na bahagi pa rin ng apat na araw na working visit ng Pangulo sa Japan.
00:18Nagbabalik si Clazel Pardilia.
00:23Mula sa makukulay at magagandang kasuotan, agaw pansin at nakaladag na handicraft,
00:30hanggang sa masasarap na pagkaing Pinoy.
00:33Bida yan sa Philippine Pavilion sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan.
00:39Nabimisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos.
00:46Inimbitahan ni Japan Prime Minister Ishiba Shigeru ang presidente sa World Expo
00:50para palakasin pa ang kultura, diplomatiko at ugnayan ng Pilipinas at Japan.
00:57Inimbitahan po namin yung expo na ginagawa at sigurado naman ako na nabalitaan na ninyo at napaka-successful
01:09dahil napakaraming dumadaan doon at doon talaga ipinapakita natin yung galing ng Pilipino,
01:16ang kultura ng Pilipino, kung ano yung mga kakayahan ng Pilipino at nakita naman natin ang pag-response.
01:23At nakita naman natin na talagang ang Pilipino ay nagkaroon na talaga ng napakagandang reputasyon sa buong mundo.
01:35Nature, culture and community woven together for a better future, ang tema ng Philippine Pavilion sa World Expo.
01:44Mula sa labin walong rehyo ng bansa ang produkto.
01:47May hobby gift shop at high intake out counter.
01:51Present din si Coco Rochan, ang mascot inspired by Philippine Tarsher.
01:56Tampok din ang magagandang tanawin ng Pilipinas at AI photo booth, salami ng mayamang kasaysayan,
02:05pagiging malikhain at innovative ng mga Pinoy na nais ipakita sa global community.
02:12Ayon sa Tourism Department, papalo na sa higit kumulang 400,000 ang bumisita sa Philippine Pavilion sa Japan.
02:19Sa working visit din ni Pangulong Marcos sa Japan, nabuo ang kolaborasyon sa pagitan ng Philippine Space Agency at Japan Aerospace Exploration Agency.
02:29Target ng dalawang ahensya na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa pagdating sa space technology.
02:37Gaya na lamang ng pagtukoy sa mga bagyo, pagtugon sa mga sakuna, at pagtulong sa mga magsisaka,
02:43hanggang sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga komunidad.
02:47Bahagi ito ng apat na araw na working visit di Pangulong Marcos sa Japan, mula June 19 hanggang June 22.
02:56Calaisal Pardilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas!