Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hataw sa sayawan ang mga Dabawenyo at turista na nakisaya ngayon sa street dance competition sa Kadayawan Festival.
00:08At mula sa Davao City, nakatutok live si Jandy Esteban ng JMA Regional TV.
00:15Jandy?
00:19Yes, Pia, isang makulay at nakaka-indak na selebrasyon ang natunghaya ng mga Dabawenyo
00:25at mga bisita sa pamulak at indak-indak na kabilang sa mga culminating activities ng Kadayawan Festival sa Davao City ngayong araw.
00:37Nakaka-indak na musikang likha ng mga tambor,
00:41mga nakakaaliw na mga katutubong sayaw at makukulay na kostyum.
00:47Yan ang natunghayan ng mga Dabawenyo at mga turista
00:50sa pagtatanghal ng labing-anim na grupo sa indak-indak sa Kadayawan o street dance competition.
00:57Idinaan nila sa kanilang mga sinyao ang kwento ng masaganang ani, kultura at tradisyon.
01:03Ang parada, patikin pa lang para sa Grand Showdown ngayong gabi,
01:08kung saan paglalabanan ang isang milyong pisong grand prize.
01:11Pumarada rin ang mga engkrandeng float na puno ng mga bulaklak, prutas at iba pang palamuti at disenyo.
01:18Highlights sa parade ang mga float ng mga kandidata sa hilya sa Kadayawan
01:22ng labing-isang ethno-linguistic tribe ng Davao City.
01:32Pia, tuloy-tuloy pa rin yung selebrasyon ng Kadayawan Festival dito sa San Pedro Square sa mga oras na ito.
01:38Sa ngayon nga ay napapatuloy yung Grand Showdown para sa indak-indak sa Kadayawan.
01:45Happy 40th, Kadayawan! Festival, Pia!
01:50Happy Kadayawan at naghang salamat!
01:53Jan D. Esteban ng GMA Regional TV.
Comments

Recommended