00:00Muli na namang nakapuntos ang pamahalaan sa kampanya nito contra illegal na droga.
00:05Ito'y matapos ma-recover sa Marivelos, Bataan, ang bulto-bultong mga umano'y shabu.
00:11Ayon sa PNP, 6 na kaso o sako na naglalaman ng 118 packs ng mga hinihinalang illegal na droga
00:20ang nakuha sa dalampasigan ng barangay Sisiman.
00:23Ang operasyon ay nag-ugat-umano sa tip ng isang concerned citizen na agad inaksyonan ng mga otoridad.
00:31Itinarn over naman ang mga ito sa Bataan Forensic Unit para sa karagdagang pagsusuri
00:36habang patuloy ang imbesigasyon ng pulisya sa source at mga nasa likod nito.
00:42Giit ni PRO-3 Chief Brigadur General Ponce Rogelio Peñones Jr.,
00:48Patunay ito na nakakamit ang tagumpay kung magtutulungan ang mga komunidad at mga otoridad.