00:00Habang naghihintay sa 20 pesos na kada kilo ng bigas,
00:04hinimong ng pamahalaan ang mga taga Quezon Province
00:06na tangkilikin ang kadiwa ng Pangulo
00:09para makatulong sa mga magsasaka at malilitit na negosyante.
00:13Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Mara Grisela
00:16ng Radio Pilipinas, Lucena.
00:20Kala ko po kasi mayroong 20 pesos na bigas
00:24kaya po kami pumunta dito sa kadiwa.
00:26Napasugod si Ate Vanjie sa kadiwa ng Pangulo dito sa Lucena City, Quezon
00:31para sana bumili ng 20 pesos na kada kilo ng bigas.
00:34Kaya lamang, hindi pa ito available sa lungsod.
00:37Sa kalabarason kasi, mga lalawigan pa lang ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal
00:43ang mayroon nito.
00:44Katulad ni Ate Vanjie, marami sa mga Quezon yan ang nag-aabang
00:47sa 20 pesos na bigas, lalo pat nababalitaan nila
00:51na maganda ang kalidad ng ibinibentang bigas ng pamahalaan.
00:54Kaya panawagan nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:58Sana po makarating kay Pangulong Marcos na magkaroon ng 20 pesos na bigas
01:04dito sa Quezon.
01:07Paliwanag naman ang mga magsasaka, makatitipid pa rin naman
01:10ang mga mamimili sa bigas dahil isang beses kada buwan
01:13kung isagawa ang kadiwa ng Pangulo sa Quezon Province.
01:16Yung kadiwa ng Pangulo nakakatulong sa amin kasi kung titignan mo,
01:22akala mo yung farm lang namin, Martels Agricultural Park,
01:25eh hindi lang yun kasi yung community, yung sa barangay po namin,
01:30yung ibang pong product nila, sinasama po natin dito,
01:33yun, malaking bagay, nagbibigay trabaho po sa kanila.
01:36Sa pangamagitan ng kadiwa ng Pangulo, hindi lang nakatitipid sa gastusin
01:40ang mga mamimili, kundi natutulungan ding umangat at kumita
01:44ang mga magsasaka at maliliit na negosyante.
01:47Mula sa Radyo Pilipinas, Lucena, ito si Marek Besola
01:50para sa Balitang Pambansa.