Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Huli ka mang panaloob ng isang lalaki sa isang bahay sa Tondo, Maynila.
00:04Ang namoka ang suspect, siya rin palang nagkabit ng CCTV sa ninakawang bahay.
00:10Balit ang hati ni Jomera Presto.
00:15Dahan-dahang ibinababa ng lalaking yan ang kawali na nakapatong sa isang LPG
00:19sa loob ng isang bahay sa Tondo, Maynila nitong Webes ng hating gabi.
00:23Maya-maya, tuluyang tinangay ng lalaki ang LPG tank at mabilis na bumaba.
00:28Ayon sa biktima, nasanay na sila na hindi naglalak ng gate ng bahay
00:32dahil marami ang nakatira sa kanila.
00:34Umaga na raw nang malaman ng kanyang ate na nawawala ang kanilang LPG.
00:39May pasok yung anak niya, tas nakita niya bakit wala yung gamit doon.
00:43Anytime, may umuwi, may umaalis.
00:45Kaya open gate lang kahit sino nakakapasok.
00:48Ang nahulikam na lalaki, siya rin daw palang nagkabit ng mismong CCTV sa bahay na nilooban niya.
00:54Parang ayaw niya magpakita sa kamera, pero kilalang kilala kasi namin siya eh.
00:59Ang kulit kasi ano, siya rin yung nagkabit nun diba?
01:02Hindi niya man lang tinakpan yung mukha niya or ano.
01:05Yung pag may mga nasisira kaming gamit, siya din yung nag-aayos doon.
01:09Ayon sa barangay, residente nila ang sospek na ilang beses nang inireklamo
01:13dahil sa pagnanakaw umano.
01:15Isang insidente pa raw ng panunutok ng kutsilyo sa isang minordedad
01:19ang kinasangkutan ng lalaki sa isang tindahan sa kabilang barangay.
01:22Nung hindi siya nagbayad, yung minor, lumabas daw para siya singilin
01:27tapos tinutukan niya raw ng kutsilyo.
01:29Galing siya din na lupihan, may binitbit na naman siyang alak.
01:34Siguro nalaman niya kanina, pinapahanap na po siya sa amin ng chairman,
01:38nagtaguna, hindi na nagpakita itong maghapon na ito.
01:41Nasa drug watch list din daw ng barangay ang lalaki.
01:44Maghahain ang formal complaint ang biktima ngayong araw
01:46sa Manila Police District para mahuli ang lalaki.
01:49Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended