00:00Samantala maraming biyahe ang kanselado bilang pag-iingat sa efekto ng bagyong opong sa iba't ibang lugar.
00:05Ang detalya sa report ni Rod Lagusad, live Rod.
00:10Dayan dahil sa efekto ng bagyong opong sa malaking bahagi ng bansa,
00:14maraming mga biyahe ang nakansela sa mga bus terminal, paliparan at mga pantalan.
00:22Dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange,
00:26umabot na sa 51 mga biyahe ang kanselado.
00:29Kasama sa mga kanseladong biyahe ang mga papuntang Bicol.
00:33Kabilang na dito ang Panaga City at Iriga City sa Camarinesur,
00:37Tabaco City at Legaspi City sa Albay, Matnog sa Sorsogon, Masbate at Katanduanes.
00:44Maging ang biyahe patungong Samar, Leyte at maging Pamindoro, kanselado na rin.
00:49Sinanay Ameline na pasano si Occidental Mindoro noong miyerkules pa nandito sa PITX.
00:55Mayro po, kung hindi po makatulog ng maayos at saka yung ano din, budget namin, tulang na rin.
01:03Walang liguli, ano lang, linis-linis lang, ilamos, toothbrush.
01:07Kanina po tinanong namin, magkakuha na sana kami ng tiket para pagka may biyahe.
01:12Saka kaya na lang po kami sa bus.
01:13Ay sabi po, pagka-sure na daw po na may biyahe, saka po mag-issue ng tiket.
01:17Ayon naman sa Philippine Ports Authority, aabot sa 1,800 na ang bilang ng mga pasahero na stranded sa iba't-ibang mga pantalan sa bansa.
01:26Ang pinakamarami pa rin po natin dito sa Panay-Gimaras area.
01:32Nito mga nakaraang araw, actually Batangas yung may pinakamarami natin.
01:35Pero dahil iba na nga yung trap ng bagyo, nasa Panay-Gimaras area po yung pinakamarami nating stranded.
01:41Meron tayo dito ang mga stranded. Dito po, tama kayo, nabanggit nyo sa Bindoro.
01:46Meron din po tayong stranded sa Marques o yung ating Marinduque, Quezon na mga ports.
01:52Stranded din po sa Bicol, Negros Occidental, Bacolod.
01:56Kabilang na rin po sa may mga stranded at Negros Oriental at sa mga Siquijor ports natin.
02:01Ayon pa kay Samonte, meron din mga stranded sa Western Leyte, Biliran at Agusan.
02:06Paalala ng PPA sa publiko, maiging i-check ang kanilang biyahe bagong magtungo sa mga pantalan.
02:12Kasabay nito, namahagi ang PPA sa mga stranded na mga pasahero na makakain gaya ng lugaw.
02:18Bukod pa rito ang mga prepositioned food packs katawang DSWD para sa mga apektadong mga pasahero.
02:24Pagdating naman sa mga kanseladong mga flight, base sa tala ng Civil Aviation Authority of the Philippines,
02:30umapot na sa 134 na mga biyahe ang kanselado.
02:33Kasama na dito ang mga flights ngayong araw at bukas habang may ilang flights na rin na kanselado sa linggo.
02:39Sa tala ng Kaap, 39 flights ang canceled sa Cebu Pacific Air, 33 naman sa Philippine Airlines at 25 sa Cebgo.
02:46Aabot naman sa 24 na flights sa Air Asia Philippines at 13 sa Air Swift.
02:51Kasama sa mga biyahe ang kanselado ay Pakatarman, Kalbayog, Naga, Tacloban, Iloilo, Daraga, Verac, Cebu, Sambuanga, Puerto Princesa, Jensan, Buswanga, Katiklan, Masbate, El Nido, Clark, Calibo, Borongan, Basco at Pamaynila.
03:11Dian, bago pa ang pagtama ng bagyong opong sa bansa, una nang sinabi ni Transportation Secretary Giovanna Lopez na handa ang kagawarat at mga ahensya para tumugon dito.
03:22Kasama rin sa kanilang pinantayan ng mga itinuturing na critical infrastructure tulad ng mga paliparan at pantalan at ang deployment ng mga tauan ng floating coast guard.
03:32At yan muna ang latest mula dito sa PITX. Balik sa iyo, Dian.
03:36Maraming salamat, Rod Lagusa.