00:00Binagtibay na ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang batas na nagbibigay ng kalayaan sa hudikatura sa paggabit ng kanilang pondo.
00:09Yan ang ulat ni Kenneth Pacente.
00:13Sa layuning mas mapatatag pa ang constitutional mandate ng hudikatura bilang co-equal branch ng pamahalaan,
00:19pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang Republic Act No. 12233 o ang Judiciary Fiscal Autonomy Act,
00:27batas na magpapalakas sa kalayaan ng hudikatura sa paggamit ng sariling pondo nito.
00:32Dahilan para mas epektibong magawa ng hudikatura ang mandato nito, lalo na sa pagpapalakas ng judicial system sa bansa.
00:39Today, through the signing of the Judicial Fiscal Autonomy Act, we are putting safeguards in place
00:44so that the judiciary can work more efficiently and more independently.
00:49Our constitution already mandates the judiciary shall enjoy fiscal autonomy.
00:54Appropriations for the judiciary may not be reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year
01:02and after approval shall be automatically and regularly released.
01:08And this is why we continue to help the judiciary become secure in its resources
01:12and perform its duty to serve our people without any delay.
01:17Sa pamamagitan ng batas, ang budget proposal ng hudikatura ay diretsyong isasama sa national budget ng walang pagbabago,
01:24maliban kung magbibigay ng hiwalay na komento at mungkahi ang Department of Budget and Management o DBM.
01:30Dapat malinaw na galing sa DBM ang anumang pagbabago at dapat may nakasulat na konsultasyon sa Korte Suprema o Chief Justice.
01:37Bibigyang kapangyarihan ng batas ang punong magistrado ng Korte Suprema na dagdagan ang alinmang item
01:43at baguhin sa pamamagitan ng unbank resolution ang paglalaan ng pondo na alinsunod sa batas.
01:49Pero ang Korte Suprema ay magsusumitin ang report tuwing ikatlong buwan sa sangay ng Ehekutibo at Lehislatura
01:54hinggil sa kung paanong maingat na nagamit ang pondo.
01:57This is how we promote transparency and accountability. This is how we do checks and balances.
02:06This is how democracy works. By respecting the role each branch plays while exercising our duty to ensure
02:13that no branch acts beyond what the Constitution allows.
02:17Bibigyang diin ang punong Ehekutibo na kung may sapat na pondo at tama ang paggamit,
02:21mas magagawa ng hudikatura ang tungkulin nito.
02:24Lalo na anya ang pagtugon sa hinaing ng taong bayan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan at pagkakataong makamtan ang hustisya.
02:54Sa ipinasang National Expenditure Program ngayong taon, pangsyam sa sampung departamento ang hudikatura na may pondong 67.9 billion pesos.
03:20Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.