Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 2) P6.793T, hinihinging national budget ng DBM sa Kongreso para sa 2026; Bagyong Gorio, nakalabas na ng PAR, hanging Habagat patuloy na iiral sa malaking bahagi ng bansa; mga gumagamit at nagbebenta ng sigarilyong 'tuklaw', aarestuhin at kakasuhan, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, hindi lang masangsang ang amoy, istorbo pa ang ingay mula sa isang LPG refilling plant sa Marilao, Bulacan.
00:11Ayon po yan sa reklamo ng mga residente noon, kaya pinaimbestigahan niya ng inyong Kapuso Action Man.
00:21Fire inspection order sa fire. Sa amin may mission order tayo.
00:25Kaya sensing tsaka menro.
00:27Na uwi sa inspeksyon ang sumbong na nakarating sa inyong Kapuso Action Man, hinggil sa maingay at nangangamoy na LPG refilling plant sa barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.
00:41Hindi po magandang amoy ng tanke na kami po pag naamoy namin eh hindi kami makahinga.
00:51Isang concerned citizen ang labis na nababakala sa katit nitong banta sa kalusugan.
00:57Hindi kumakalabog-kalabog ang mga tanke.
01:01609, pinasisingaw pa rin nila, nangangamoy.
01:05Maraming bata dito.
01:07Mag-iisang buwan na nila yung ginagawa.
01:10Hindi pa rin sila tumitigil hanggang ngayon.
01:13Malaking perwisyo ho kasi yung amoy ho nung, yung amoy na yun na hindi maganda.
01:19Tapos yung tanke na lumalagabog.
01:27Dumulog kami sa Marilao, Bulacan Municipal Business Permit and Licensing Office na agad namang nag-inspeksyon.
01:34Kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office at Marilao Fire Station.
01:39Paliwanag ng Corporate Secretary ng Blanda.
01:42Nagsagawa sila ng prosesong tinatawag na re-qualification kaya nagkaroon umano ng hindi pangkaraniwang ingay at pagsingaw ng amoy.
01:51Meron silang regular cleaning na sinasagawa yan every 5 years.
01:56Kasama talaga yun sa proseso pero hindi na-inform yung mga tao.
02:01Meron dito sila ng kapitbahay na maaaring yung oras ng pagtulog kasi kung gawin ito, alas 5 hanggang madaling araw.
02:10Dahil doon, talagang mga nga-mga yung mga nasa paligid.
02:14Napag-alaman nga natin na 6 to 3 a.m. approximately, which is yun niya, yun yung naging lapses nila.
02:23Hindi sila nag-inform sa community na mayroon silang such maintenance.
02:29So naka-istorbo talaga sila.
02:31At least naliwanagan na kami at kung mangyaring man yung susunod na yun, makipag-usap sila sa amin kung ano mga dapat na ginagawa nila.
02:41Hindi yung parang binabaliwala lang kaming mga kabahayan dito.
02:46Sa verifikasyon, may kaukulang permit ang planta sa DNR, lokal na pamahalaan maging sa Municipal Fire Station.
02:53Since mag-start sila 10 years ago na may permisa mula sa barangay hanggang dito sa Manisipio.
03:01Recommendasyon nila sa planta?
03:03Yung perimeter wall nila medyo mababa.
03:06So we suggest na taasan pa nila yung firewall para if ever ma-ano yung takot ng public.
03:15At the same time, kung magkakandak sila ng mga ganitong maintenance in the future, sana inform nila yung barangay, yung community para alam ng community.
03:25Sa na nga po, ito pa rin nila yun.
03:26Nangangako namang magko-comply sa rekomendasyon ang planta at makikipag-ugdayan sa lokal na pamahalaan.
03:35Maraming salamat po sa agarang pag-tulong at pag-responde ng reklamo ko.
03:42Tututukan namin ang sumbong na ito.
03:47Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:51o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner Summer Avenue, Diliman, Queso City.
03:57Daan sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
04:03Nasa halos 6.8 trillion pesos ang halaga ng National Expenditure Program na isinumiti sa Kongreso para sa taong 2026,
04:147% itong mas mataas sa budget ngayong taon.
04:18Kasama sa mga nakapaloob dito, ang 10 bilyong piso para sa 20 peso per kilo rice program.
04:24Wala rin daw inilagay na alokasyon para sa ayuda, para sa kapos ang kita o akap program.
04:31Nakatutok si Tina Panginiban Pere.
04:33Na-turnover na ng Department of Budget and Management o DBM sa Kamara at Senado
04:41ang National Expenditure Program o hinihingi ang budget ng Ehekutibo para sa 2026.
04:48Bumaabot ito ng 6.793 trillion pesos, mas mataas ng 7.4% kumpara sa 6.326 trillion pesos ngayong 2025.
05:00Alinsunod sa konstitusyon, pinakamalaki ang para sa Department of Education na nasa 928.5 billion pesos.
05:08For the first time, the budget for basic and higher education has been increased monumentally to meet UNESCO's recommended education spending target of at least 4% of the country's GDP.
05:26Sunod na pinakamataas ang hinihingi ang budget para sa Department of Public Works and Highways na nasa 881.3 billion pesos.
05:36Mahigit 270 billion pesos dyan ay para sa flood control projects.
05:41Hiwalay pa ang mahigit 2 billion pesos para naman sa flood control projects ng MMDA.
05:46320 billion pesos naman ang hinihingi para sa Department of Health, kasama na rito ang para sa PhilHealth.
05:54Halos 300 billion pesos naman ang hinihingi impondo para sa Department of National Defense.
06:01Sa mahigit 10 billion pesos naman na hinihingi confidential at intelligence funds, pinakamalaki ang mahigit 4 billion piso para sa Office of the President.
06:11Ito po ay bumaba from the GAA ng 1.35 billion pesos or 11.18%.
06:28On the part of the House, we'll assess it.
06:30There are certain agencies and offices that are allowed to have confidential intelligence funds based on necessity.
06:36Walang hinihinging confidential funds para sa Office of the Vice President, pero mas mataas ang total allocation para sa opisina kumpara sa 2025 budget nito.
06:48Halos 240 billion pesos ang hinihingi para sa agrikultura, kasama ang 10 billion pesos para sa 20 pesos kada kilong bigas.
06:57Sa 227 billion pesos namang hinihingi para sa social welfare, hindi nakasama ang ACAP o ayuda para sa kapos ang kita.
07:07May natitira pa pong pondo for 2025 and like I mentioned a while ago, we received a total of 10 trillion pesos na proposal from agencies.
07:20And given our limited fiscal space, hindi pa po muna natin siya sinama.
07:28We will open the bicameral conference committee on the budget to the public and to the media.
07:34Habang nagkakaroon ng budget briefing, magkakaroon rin tayo ng, tawag ko dito, hearing with budget experts and civil society organizations.
07:44Pwede silang mag-suggest, no?
07:47Para may sapat na panahong suriin ang budget, inurong ang pag-adjourn ng Kongreso mula October 3 patungong October 10.
07:55At kasunod ng utos ng Pangulo na huwag nang baguhin ang hinihingi budget ng Ehekutibo.
08:01That is a mutation of the NEP or that has become too far off from the NEP.
08:06As majority leader, I won't allow it to happen.
08:08In the coming weeks, we will review every page of the Net Expenditure Program guided by one question.
08:16Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?
08:19Nanawagan na rin ang Pangulo na madaliin ang pagpasa sa panukalam budget.
08:24Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
08:30Mga kapuso, kuha tayo ng updates sa Bagyong Goryo kasama si Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
08:42Amor!
08:44Salamat, Emil.
08:45Mga kapuso, nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goryo.
08:50Pero bago po yan, nagdulot ito ng masamang panahon sa Batanes.
08:53Ramdamang malakas na hangin na may kasamang pagulan sa Batanes kaninang umaga.
09:03Naglalakihan din po ang mga alon na posibleng magpatuloy sa mga susunod na oras, lalo't may nakataas pa rin na gale warning ang pag-asa.
09:09Ibig sabihin po niyan, babala po yan sa malalaking alon.
09:13Sa bayan naman ang uyugan, nabalot ng putik at mga bato ang ilang kalsada, matapos gumuho ang bahagi ng bundok.
09:20Ayon po sa pag-asa, nag-landfall ang Bagyong Goryo.
09:26Dito po yan sa may southeastern portion ng Taiwan.
09:29Kanina po yung alauna ng hapon.
09:30At dahil malapit po sa Taiwan itong Batanes, yan po yung dahilan kung bakit po naranasan dyan yung masamang panahon kanina.
09:36At alas 4 po ng hapon, tuloy na po yan nakalabas sa Philippine Area of Responsibility.
09:41Kaya inalis na rin po ng pag-asa ang wind signal sa anumang bahagi po ng Pilipinas.
09:46Huling namataan ang sentro nitong Bagyong Goryo, dyan po yan sa 325 kilometers northwest ng Itbayat, Batanes.
09:53Taglay po nito ang lakas ng hangi nga abot sa 140 kilometers per hour.
09:57At yung pagbugso po niya nasa 230 kilometers per hour.
10:01Kumikilos po ito pa west-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
10:06Ayon po sa pag-asa, sunod po na tinutumbok nitong Bagyong Goryo.
10:10Ito pong bahagi po ng China kung saan po yan kung sibling humina dahil po sa interaksyon sa kalupaan.
10:15So wala na po ito gaano makukuhang moisture dyan po sa mainland China.
10:19Wala nang bagyo dito po sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
10:23Pero tuloy-tuloy ang pag-iral nitong southwest monsoon o yung hanging habagat.
10:28Dito po yan sa malaking bahagi ng ating bansa.
10:30Ibig sabihin may chance pa rin po ng ulan na.
10:33Base po sa datos ng Metro Weather umaga po bukas,
10:35may mga kalat-kalat na ulan dito po yan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley,
10:39pati na rin po dito sa Palawan at ilang lugar lamang dito po sa Visayas at sa Mindanao.
10:44So pwedeng maalinsangan pa ang panahon sa malaking bahagi po ng ating bansa sa umaga o tanghali.
10:50Pero pagsapit ng hapon, mas marami ng ulanin,
10:53lalong-lalo na po dito sa Visayas, pati na rin sa Mindanao,
10:56Southern Luzon, kasama po dyan itong Bicol Region at ilang bahagi ng Northern at ng Central Luzon.
11:02May mga malalakas sa ulan pa rin,
11:04kaya dobly ingat pa rin po sa banta ng Baja o Landslide.
11:07Dito naman sa Metro Manila, mainit po sa umaga o tanghali,
11:11pero may chance pa rin ng thunderstorms pagsapit po yan ng hapon o kaya naman sa gabi.
11:17Samantala mga kapuso, kung may kasunod ba agad ang Bagyong Goryo,
11:21sa ngayon po ay wala pa naman.
11:22Pero ayon po sa pag-asa,
11:24minomonitor yung cloud clusters o mga kumpol na mga ulap sa paligid po ng ating bansa.
11:29May dalawang panibagong sama ng panahon na posibleng mabuo sa mga susunod na araw.
11:33Isa po dito sa may silangan at isa din dito sa kanluran po ng ating bansa.
11:39Kaya patuloy po tumutok sa updates.
11:41Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
11:43Ako po si Amor La Rosa.
11:45Para sa GMA Integrated News Weather Center,
11:48maasahan anuman ang panahon.
11:53Something new and challenging para sa cast ng upcoming GMA series na My Sister's Game.
11:59Tatalakay nito ang issue ng mental health.
12:01Kaya ang cast kinangailangan mag-research para sa kanilang roles.
12:06Makichika kay Nelson Canlas.
12:11Breaking Borders ang inaabangang kapuso primetime series na My Sister's Game.
12:16Tatalakayin kasi sa serya ang ilang issues sa mental health.
12:20Bibida rito ang magkasintahang sina Derek Monasterio at L.B. Lanueva.
12:23Kasama si Ashley Ortega.
12:25I really have to do some research about it.
12:28Kasi yung character ko si Angel, siya talaga like, she's mentally ill.
12:32Kailangan kong alagaan kung paano ko gagawin yun para mabigyan rin ng justice yung role.
12:36Lalabas din sa kanilang comfort zones, sina Derek at L.
12:40Medyo challenging siya sa part na meron kaming kids because we,
12:43wala pa kaming kids talaga in real life.
12:46But I think with Derek, that's pretty easy.
12:48What's good about us is if we're working, meron kaming feedback sa isa't isa.
12:53And important yun sa amin kasi doon namin na-i-improve yung character namin, sarili namin.
12:59Makakasama din nila sa My Sister's Game,
13:02sina Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Altea Ablan at Thea Tolentino.
13:08Lawyer ako eh dito.
13:09So, as a person na mabilis mag-isip yung brain,
13:14kailangan na matutunan ko talaga yung lines kasi may technical words ang pagiging lawyer.
13:21Talagang strict sa lines dapat.
13:24Ako pa naman ay isa din makakalimutin.
13:25So, that's a challenge for me.
13:28Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
13:32Arestado sa Pasig ang lalaking itinuturong ng gahasa sa isang lalaking grade 2 student.
13:38Tunghayan sa aking eksklusibong pag-tutok.
13:44Tinakip ng Pasig Police ang 39 anyos na lalaking ito.
13:48Makaraang ireklamo ng panggadakasa.
13:51Ang biktima ayon sa pulisya, isang lalaking grade 2 student.
13:55Itong suspect natin ay niyaya itong victim natin na kakain sa isang fast food chain.
14:02So, habang kumakain sila, inuwi.
14:05Itong suspect natin, itong biktima, dinala sa bahay.
14:09Sa reklamong nakarating sa mga otoridad, kakalabas lang ng eskwelahan at naglalakad na pa uwi ang biktima.
14:15Nang maispatan daw ito ng suspect.
14:18Hindi sila magkaano-ano.
14:20Wala silang whatsoever na relationship.
14:23So, nakita lang itong suspect, itong biktima.
14:27At nakwark sa nadaan niya.
14:28Rape na may kinalaman sa child abuse.
14:31Ang kinakaharap ng suspect, reklamong kanyang itinatanggi.
14:35Hindi po totoo yun na nag-asa ko ako.
14:38Sa akin lang kung makatulungan yung bata na makaumuli sa kanila.
14:41Isang tanong, pinagsamantalahan mo ba?
14:43Hindi po.
14:44Medikal na lang kung magbibig sa akin.
14:45O sisi ako tulungan, tutulungan sa mga talaga yung bata.
14:48Nakakulong na ngayon ang suspect sa Pasig Police, Custodial Headquarters.
14:52Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil.
14:55Nakatutok, 24 oras.
14:58Pinalitan si Sen. Robin Padilla bilang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
15:06Si Sen. Kiko Pangilinan ang humalili kay Padilla.
15:10Walang tumutol sa mosyon kahapon ni Deputy Majority Leader J.B. Ejercito na i-elect sa posisyon si Pangilinan.
15:18Kaya inapurbahan nito ni Sen. President Pro Tempore Jinggoy Estrada.
15:23Tinanggap naman ni Pangilinan ang pagiging chairman ng komite.
15:26Sabay pa nga kung babantayan ang democratic ideals na nakalagay sa konstitusyon.
15:32Si Pangilinan ay isang abugado na dati nang naging chairman ng naturang komite na nangangasiwa sa anumang may kinalaman sa pag-amienda sa konstitusyon.
15:41Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Padilla na chairman ng Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs,
15:50pati ng Committee on Public Information and Mass Media.
15:53Umpisa na ng crackdown laban sa sigarilyong tuklaw na nagdulot ng pangingisay sa ilang humit-hit.
16:01Aarestuhin at kakasuhan ang mga mahuhuling gumagamit o nagbebentan yan.
16:07At nakatutok si Marisol Abduraman.
16:08Ilang araw matapos mag-viral ang mga nangyari sa ilang pinahit-hit at humit-hit ng sigarilyong tuklaw,
16:19binanggit ng Philippine Drug Enforcement Agency, PIDEA, na nagsimula na ang crackdown nito laban sa sigarilyo.
16:26Ang mga tuklaw na sinuri ng PIDEA mula Palawan at Quezon City may halo umano.
16:30Positive sila ng synthetic cannabinoid, that is considered a dangerous drug.
16:36So, ibig sabihin, pwede na kayo manghuli?
16:39Yes, yes.
16:40Kaya aarestuhin at kakasuhan na ang sino mang mahuhuling meron nito.
16:45Because it is dangerous drugs.
16:48And the same is within the provisions of Republic Act 9165, yung ating dangerous drugs law.
16:57Yan, pag nagbenta ka, you will be charged for selling.
17:01And pag gumamit ka, then you will be charged for use.
17:05Nakatoon din ang PIDEA sa embisigasyon kung saan galing ang tuklaw.
17:08Bagman basis sa kanilang impormasyon, galing ito sa ibang bansa.
17:12Parabang kung turista ka, e kung gusto mong magkaroon ng remembrance, then pwede.
17:17You try it, then it's free.
17:20Pero tapos inaingganyo pa nila as a souvenir, then yun na siguro nakikita namin na magiging source.
17:26Kaya meron dito sa Pilipinas.
17:28Aminado ang PIDEA na hamon sa kanilang pagtukoy sa source ng sigarilyo na may synthetic cannabinoid
17:34o kung saan hinahaluan ng kemikal, ang nasabing Yossi.
17:38Walang source ng synthetic cannabinoid dito.
17:42And maybe sa labas, sa labas.
17:45Doon yung kanila, hinaluan nila, then nakapasok.
17:49It is a new drug, synthetic pa naman ito.
17:54Kaya minsan nahihirapan na i-detect.
17:56Bagaman meron na silang teorya, matapos ay mahuling mga synthetic cannabinoid sa Clark Kamakailan.
18:02Sa pulong kanina ng House Committee on Dangerous Drugs, ilang kongresista ang nangpahayag ng pangambas sa Tuklaw.
18:08Patuloy ang ibisigasyon at koordinasyon ng ahensya sa iba pang law enforcement agency para mapigil ang paggalat ng Tuklaw.
18:15Para sa GMA Integrated News, Marisol Abdurrahman, nakatuto 24 oras.
18:24Pinasinayaan kanina ni Pangulong Bongbong Marcos ang mas moderno ng Iloilo Fishport Complex sa Iloilo City.
18:31Ang proyektong nagkakalaga ng mayigit 885 million pesos.
18:35Inaasahang makatutulong sa mga manging isda sa Western Visayas.
18:38Mayigit 1,000 solar panel modules ang ikinabit para sa supply ng kuryente sa mga fasilidad ng bagong gawang fishport.
18:47Ipinamahagi rin ang mayigit 37 milyong pisong halaga ng tulong sa mga Farmer at Fisherfolk Association.
18:54Kabilang po sa kanilang natanggap ang mga makinarya, traktora, iba pang kagamitan sa pagsasaka at mga fiberglass na bangka.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended